ANDREI POV
"diyos ko, hindi ako makapaniwala" nasabi nalang ni mama nang ikwento ko lahat ng nangyari noong nagdadalang tao ako.
Tahimik lang si papa habang nakaupo pero alam kong nakinig siya sa lahat ng sinabi ko.
Kinagat ko ang pangibabang labi dahil kinakabahan nanaman ako, galit ba sila?
Kumislap ang mata ni papa ng tumingin sa anak ko.
"Anak, lapitan mo si lolo" utos ko sa kanya at alam kong kinakabahan siya dahil nababasa ko iyon sa mukha niya.
Umalis siya sa pagkakakandong sakin at dahan dahang lumapit sa kanyang lolo.
"Apo ko.." bulong niya at niyakap si rylee, gusto kong umiyak dahil sa saya.
Napalingon ako kay mama ng tumabi siya sakin habang nagmomoment ang maglolo.
"Bakit si joshua ang kasama mo, nasaan ang ama niya?" Bulong niya sakin at hindi ako nakasagot.
"Wow tita ha, makabakit ka naman ayaw mo ba akong nandito? Nakakahurt" narinig pala niya ang sinabi ni mama.
"Tumahimik ka" saway sa kanya kaya napanguso nalang siyang ngumuya ng mani.
"Sino ang ama niya?" Tanong niyang muli kaya huminga ako ng malalim.
Alam kong itatanong nila ang bagay na iyon pero hindi ko napagplanuhan kung ano ang isasagot sa kanila.
Naramdaman niya atang ayokong sumagot kaya nagsalita siyang muli.
"Okay lang naman kung hindi mo sasagutin"
"N-nasa manila po ma, busy po sa trabaho kaya hindi nakasama dito" wala sa sariling naisagot ko.
Parang gusto kong bawiin ang sinabi at saktan ang sarili, saan ko nakuha ang sagot na yon? Anak ng kagang!
"Ganon ba? Sabihin mo kapag may oras siya ay gusto namin siyang makilala" nakangiting sabi niya at tumango na lamang ako. "Saglit at maghahanda ako ng almusal" dagdag niya bago umalis sa pagkakatabi ko at pumalit naman si joshua habang nanunuksong nakatingin sakin.
"Ano yon? Ikaw ha!" Nakangising pangaasar niya kaya gusto ko siyang dagukan.
"Lumabayan moko josh, naiirita ako sayo"sambit ko at sininghalan naman niya ako.
"Naiirita? Dont tell me buntis ka nanama---aray! Masakit ha!"
Nadagukan ko siya ng mabilis sa sinabi niya dahil napakawalang kwenta non, pano ako mabubuntis? At sabi ng doctor ay hindi na pwede at sapat narin naman sakin si rylee.
Pagdating ng hapon ay napagpasiyahan na naming umuwi dahil baka gabihin pa kami sa daan.
"Babalik kayo bukas?" Tanong ni papa pero umiling ako kaya kitang kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.
"Hindi na po namin kailangan bumalik papa, umm kung gusto nyo po ay don na po kayo sa tinitirahan namin maluwag naman po don at kasyang kasya tayong lahat" lintanya ko.
"T-totoo?" Tanong ni mama at nakangiti akong tumango.
"Oo bukas! Magaayos lang kami ng gamit anak balikan mo nalang kami bukas ng papa mo" sabi pa ni mama at muli akong tumango.
"Magpaalam na kila lolo, rylee" ani ko at lumapit naman siya kila mama at binigyan ng tig isang halik ang mga ito.
"Babye po lola,lolo kita nalang po uli tayo bukas" sabi niya.
"Magiingat kayo sa byahe ha?" Sabi ni papa at muli akong niyakap.
Nabawasan ang bigat sa dibdib ko, ayos na kami, ayos na kami ng mga magulang ko.
YOU ARE READING
Hiding The Playboy's Son
AcakCompleted. BL (M-Preg Series #1) Ryle Vince Gutierrez and Andrei Ocampo Story.