Z A N N A H
I waited...
Naghintay ako kahit ilang oras pa ang sayangin ko. Tiniis ko ang lahat ng tingin sakin ng mga tao. Pero ang pinagtataka ko lang ay ang tingin nila na may halong lungkot at kaguluhan.
Hindi ko alam kung para saan ang tingin nila na yun, pero habang tumatagal nakakaramdam ako ng kaba...
Sa hindi malamang dahilan.
Hindi ko na lang pinansin ang nangyayari. I just focused my self in waiting for Drey.
Malapit na ring magdilim kaya hindi na ako nagtaka kung bakit unti-unti nang umaalis lahat ng empleyado.
A woman in her corporate attire walked towards me.
"M-miss Zannah, aren't you going h-home?" she asked.
She is smiling but her eyes says the opposite thing.
But nevertheless, I smiled at her. Kahit naguguluhan sa kinikilos niya."I'm fine. I'm just waiting for your boss," I said.
Ang kaninang pinipilit na itagong pagkabahala ay mas nakita ko na. Tinago niya rin ang cellphone na kanina niya pa hawak.
Pansin ko, karamihan sa mga empleyado nasa kani-kanilang cellphone ang tingin. Parang may pinapanood.
Hindi ko lang alam kung ano at saka wala naman akong pakialam kung ano yun. Ang importante sakin ngayon ay ang makita at makausap si Drey.
Umalis na rin kalaunan ang babae.
Kinumbinse niya pa akong umuwi dahil gabi na at dinadahilan niya rin na baka hindi na pumunta dito si Drey, pero lahat ng yun ay hindi ko pinakinggan.
Napagod din ito kaya umuwi na lang rin.
Hindi ko alam, pero sa paraan ng pagkumbinse niya saking umalis ay disidido talaga. Nasa tono nito ang desperasyon. At isa pa, ang sinasabi niyang baka daw hindi pumunta dito si Drey ay parang napaka imposible.
I know Drey. He's not the typical type of man. Kahit kasi busy na ito sa pagiging artista, hindi niya pa rin nakakalimutan na tulungan ang mga magulang. He's managing their family business while working as an artist.
Araw-araw itong pumupunta dito kahit na may schedule pa siya for tapings. He's a very good man.
Gusto ko na sanang maniwala sa sinabi ng babae pero bigla na lang akong nabuhayan ng loob nang makita ko si Drey na papasok.
He is smiling while talking to someone on his phone. Magiliw itong nagsasalita na kung minsan ay sinasabayan niya ng pagtawa.
He is happy, I guess?
His eyes say it all. It is twinkling in happiness. Kapansin pansin din ang aliwalas ng mukha nito na tila ba walang problema.
Binaba niya ang cellphone kaya dito ko na naisipang lapitan.
I was about to step when I felt my phone vibrated. For the sixth times now.
Hindi ko pinapansin kanina dahil iniisip ko na wala lang yun. Pero sa pagkakataong ito, naisipan ko nang kuhanin at tingnan kung sino ang taong nagtetext.
I open it and saw my manager's name. Miss Kaira.
Binuksan ko ito.
From: Miss Kaira
Zana, where are you?
Are you all right?
Nakita mo na ba?
Please text back...
I'm sorry...
It was her five messages. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong makita at kung bakit ba siya nagsosorry.
But my question answered by her last message.
It was a link. Video link.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang pindutin 'to pero sa huli binuksan ko pa rin.
Na sana hindi ko ginawa.
"Drey Sandoval and Samantha Villa for 'After You' Series"
The video's title.
★ S H A N A Y S 2 3 ★
BINABASA MO ANG
After You [Book 1] ✓
Short Story[SHORT STORY] [COMPLETED] Your love wasn't enough to trust me.