Z A N N A H
Ilang minuto na kaya akong tulala rito? Isa, lima, sampo? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakatingin sa kawalan.
Namamanhid na ang katawan ko sa hindi alam na dahilan. Siguro dahil sa pagod. Pero saan nga ba ako pagod?
Sa totoo lang, hindi ko na maintindahan ang sarili. Masyado na yatang pagod ang katawan at isip ko.
Wala na ako sa tamang pag-iisip habang paunti-unti ko pa ring nararamdaman ang pagdaloy ng mainit na likido mula saking mata.
Pagak akong natawa. Kanina pa pala ako umiiyak. Kanina ko pa rin pala nararamdaman ang munting kirot sa aking dibdib.
Mabuti na lang hindi ako nauubusan ng hangin. Nakatakip kasi ang kamay ko sa bibig para pigilan ang pag alpas ng mga hikbi ko.
Pero wala lang rin namang kwenta. Hindi ko kasi maiwasang mapalakas ang hikbi sa tuwing naaalala ko ang nangyari.
Drey didn't answer the question about us.
Wala siyang sinagot tungkol sa kung hiwalay na ba kami o hindi..Dapat ba akong maging masaya dun.
Kasi diba, hindi pa kami hiwalay. Kasi may pag-asa pa kami.Pero imbes na maging masaya, bakit nasasaktan ako?Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Totoo ba yung sinabi niya? Na yung ginawa niyang pagyakap at paghalik kay Sam matagal niya nang gustong gawin?
Dapat ba akong maniwala?
Kasi... kasi kapag naniwala ako, lalabas na ako ang talo. Mas nasasaktan din ako. Sobra pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pwede pala yun, 'no?
Yung tipong, may mas ihihigit pa pala yung sakit sa sakit.
Habang patuloy lang ako sa pag-iyak, naalala ko yung mga taong humahanga sa amin, sa akin.
Ano kaya ang mangyayari? Titingalain pa rin ba nila kami? Maniniwala ba sila? O magagalit? Sakin? O kay Drey?
Pero bago ko pa man sagutin lahat ng 'to, pupuntahan ko muna si Drey. Alam kong sa mga oras nato, hindi pa rin siya umaalis.
Huminga ako ng malalim. Maraming beses ko itong sinubukan para lang din matigil na ang pag-agos ng mga luha ko.
I know, I look like trash. Everything is a mess with me. My hair, my clothes and even my mind.
I can't think straightly now.
Isa lang ang laman ng utak ko.
Ang puntahan si Drey at magmakaawang bumalik kami sa dati.
★ S H A N A Y S 2 3 ★
BINABASA MO ANG
After You [Book 1] ✓
Conto[SHORT STORY] [COMPLETED] Your love wasn't enough to trust me.