After You 14

7 2 0
                                    

Z A N N A H

Simula nung bata pa lang ako, hindi ko naranasang masaktan. Sinisigurado kasi nila mommy at daddy na maayos lang ako. Na hindi ko nararamdaman yung sakit. Kahit pa nga yung tumungtong ako sa industriya kung saan ako ngayon, hindi ko naranasang masaktan ng lubusan.

Everyone is looking up to me. Admiring how perfect I am.

They say, I have it all. The beauty, talent, perfect body figure, and even the money. Nasa akin na daw lahat. Pati na rin ang hinihiling nilang boyfriend, nasa akin na. Na mahal na mahal daw ako.

Marami ang naiinggit. Hinihiling na sana sila nalang ako. Na sana nararanasan nilang maging isang perpekto tulad ko.

Not knowing the imperfections behind the perfect person they knew. Na sa likod ng pagiging perpekto ko ay ang kakaibang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kung malaman kaya nilang na nararanasan ko ang ganito, maihihiling pa kaya nilang maging ako? Kasi sa mga oras nato, mas hihilingin kong maging sila para maiwasan ang sakit na buong buhay kong iniwasan.

Ganun pala yun, 'no?

Kahit kasi iwasan mo ang isang bagay, kapag nakakatadhana talagang mangyari, mangyayari at mangyayari yun. Kahit na anong iwas mo, wala ka talagang kawala.

Hindi ko pa man tuluyang napapanood ang nasa loob ng video, nararamdaman ko na ang munting kirot na dulot nito sa aking dibdib.

Nakapasok na si Drey at lahat lahat, nandito pa rin ako sa pwesto kung saan ako umupo kanina. Nakatayo at naghihintay na magkaroon ako ng lakas ng loob na panoorin ang nilalaman ng video.

Sa totoo lang, nasasaktan ako.

Ang pag-asang umusbong kani-kanina lang ay bigla na lang naglaho.

Nawalan ako bigla nang ganang puntahan si Drey. Kasi... kasi natatakot ako. Natatakot akong masaktan pa ng sobra.

Sabihin niyo nang duwag ako, pero yun talaga.

Ayoko lang na masaktan ng sobra lalo na kung ang sakit na 'to ang unti-unting uubos sakin.Ayoko nun... ayoko.

Tama naman yun diba? Tama lang na iiwas natin ang sarili sa sobrang sakit.

Hindi ko kasi alam kung papano haharap 'to. Hindi ko alam kung makakaya ko ba.

Siguro dahil sa labis na panghihina, napaupo uli ako. Hindi kinakaya ang lahat. Napatingin ako sa cellphone. Hindi ko namamalayan na mahigpit na pala ang hawak ko rito.

"Drey Sandoval and Samantha Villa for ‘After You’ Series"

Basa ko ulit sa title. Title pa lang alam ko na kung tungkol saan ang video. Pero hanggat hindi ko pa nakikita, hindi ako maniniwala.

Pero pano nga ba ako maniniwala kung wala naman akong lakas ng loob na tingnan 'to?

Napag-isipan ko, kung palagi akong matatakot walang mangyayari sakin.

Kaya...

Kahit nanghihina, lakas loob kung tinap ang continue button.

★ S H A N A Y S 2 3 ★

After You [Book 1] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon