Z A N N AH
"Honey, kapag may nasaktan ka magsorry ka agad. Okay? It's not good hurting someone just because they hurt you too."
"As long as you can, please princess avoid hurting someone. Kahit na saktan ka nila, huwag mo silang saktan pabalik. Okay? When that situation happen, go to mommy and daddy because we will be here to protect you."
"Don't beg someone to stay with you when in the first place they don't deserve to be with you. Huwag mong iiyakan ang mga taong ganun, hindi nila deserve ang luha mo."
"My little princess is brave, right? Huwag kang magpapatalo sa lahat dahil lang sinabi nilang nagkamali ka. You're still human, can hurt and especially can feel pain."
"Mahal kita, anak ko. Tandaan mo yan."
I remember how my mom remind me those things. Palagi niyang pinapaalala sakin na it's not good to hurt or to cause pain to someone. Na mas mabuting siya na lang ang masaktan kesa makasakit siya. That's how humble my mother is. The reason why I love her.
Kaya katulad ng sinabi niya, hindi ako nananakit. Bukod sa alam kong masama ang manakit, my mom also told me not to.
Lumaki akong palaging tumatakbo papunta sa kanila kasa umaasa akong nandun sila palagi, katulad ng pangako nila. I let my life depended on them. Lahat ng nangyayari sakin sinasabi ko sa kanila kasi yun ang sabi nila. They are ready to protect me at all cost. Kaya kailanman hindi ko naisip na dadating ang araw na mag-iisa ako.
I remember, when I was young, karamihan sa mga bata inaaway ako. Sabi nila matapobre daw ako, mayabang kahit hindi naman. Pero kahit na ganun, just like what my mom said, hindi ko sila sinasaktan pabalik. I always say sorry kasi yun ang sabi ng mommy ko.
Sinunod ko lahat ng sinabi niya, pero mukhang hindi ko yata nasunod yung sinasabi niyang huwag akong magmakaawa sa isang tao. Siguro katulad niya ako, dahil katulad niya nagmakaawa rin siya. She cried and beg someone to stay with her. No matter how painful it was for her, tiniis niya. Kaya katulad niya, I'm crying and begging for Drey to stay.
Kahit gaano pa yun kasakit titiisin ko, katulad ng mommy ko.
I woke up from my thoughts when I heard someone shouting from outside. Malakas din ang katok nito sa pinto.
"ZANA DENNIS VILLA! OPEN THIS DAMN DOOR!"
Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses ni daddy. Galit na galit ang boses nito at sa hindi malamang dahilan, natakot ako.
Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang galit na boses niya pero ito ang unang pagkakataon na natakot ako sa ganung klaseng pagkakatawag niya.
Huminga ako ng malalim. Kahit nagdadalawang isip man, binuksan ko pa rin ang pintuan.
And a hard slap from someone welcome me. Sa sobrang lakas nun nagawa nitong mapatagilid ang ulo ko.
Slowly, I turn my head to see whose hand landed into my face. And the moment I see his face, pain and betrayal invaded my heart.
"D-dad..."
★ S H A N A Y S 2 3 ★
BINABASA MO ANG
After You [Book 1] ✓
Short Story[SHORT STORY] [COMPLETED] Your love wasn't enough to trust me.