1. Never Enough

106 16 7
                                    

Sighed.

I'm ready! Ngayong araw, aamin na ako sa boy best ko. Sa mga galaw niya na ipinapakita, parang gusto rin niya ako. Sana nga. I really want to know his feelings din. As a friend, alam kong aamin siya. We have a deal, 'no secrets', kaya naman ay aamin na ako at sana ay siya rin.

Bumaba na ako sa taxi at dahan-dahang naglakad papunta sa entrance ng isang restaurant.

Habang inaalala ko ang mga nagdaan, napapangiti ako lalo na sa mga moments namin ng boy bestfriend ko. Masasabi kong, he's the best.

Simula bata pa lang, lagi nalang naandiyan siya para sa akin. I know that I am not special pero 'yung way ng pagtrato niya sa akin ay parang napakaspecial ko sa kaniya. He loves to protect me lalo na kapag may nang bubully sa akin. He's my doctor, siya ang gumagamot sa mga sugat ko. He's my knight in shining armor. He's my everything.

"Jerick?" I said pagkakita ko pa lang sa kaniya. Agad akong umupo sa harap niya. He's wearing a simple light blue long sleeves na tinernuhan ng maong pants which makes him more handsome.

He smiled and greeted me, "Good afternoon, Jessa! I missed you!"

I smiled at him. We are here at the classic restaurant because I invited him for a date-a lunch rather. I guess, this restaurant is a good place for me to confess my feelings for him. And for him to confess too.

"I missed you too, Jerick!. Am I late or what?" I replied. Wait. I guess my cheeks are turning red. Gosh! Bakit ba ganito ako kapag nandiyan siya or kapag nakikita siya? I think it is because I am in love, right?

"Silly, you're not. It's eleven thirty a.m. only and you said na we'll meet at twelve o'clock p.m., so you're not." Aw! Ganoon na ba ako ka-excited? Pero siya? 'Di ba dapat twelve pa nga pero naandito na agad siya like me and mas nauna pa siya. A sign ba ito?

I looked at him with curiosity when I heard him laugh. "Nakipag-meet ako sa isang tao and dito rin ang meeting place kaya nauna ako." He pinched my cheeks kaya naman namula ako lalo.

Asyumera ka, Jessa.

Pero now, I want to confess na talaga at malaman ang nararamdaman niya para naman hindi ako mag-assume. And speaking of ASSUME. A-S-S-U-M-E. Baka nag-aassume lang talaga ako. You know, as my boy best friend, magiging maalagain siya at baka parang iba ang tingin niya sa akin. Iba na kapatid at hindi more than friends. Basta! Ang gulo.

Bigla akong nagulat sa biglaang paghawak ni Jerick sa aking kamay. Nagtagpo ang aming mga mata at seryoso lang siya. Mas lalo akong kinabahan sa kaniyang sinabi, "Jessa, I love you-"

"Ma'am, sir?" At ayun! Bigla nalang sumulpot ang waiter. Napangiwi ako sa nangyari. Naandoon na e, sinabi na. Nagtanong ito kung ano ang gusto namin at sinabi namin ang mga ito.

Nang makaalis na ang waiter ay pinipilit kong tumingin kay Jerick ngunit hindi ko makayanan. Si Jerick naman ay namumula ang tainga. "J-jerick? A-ano nga ulit ang sinabi mo? Pasingit kasi ang waiter na iyon kaya hindi ko narinig." Pinipilit kong tumawa dahil parang nauutal ako sa pagsasalita. Anong nangyayari sa iyo, Jessa?

Napaiwas ng tingin si Jerick kaya naman napangiti ako. Sabi na, e, same vibes lang kami. "Ah! Oo, 'yung sinasabi ko kanina. Kasi... haha... Paano ko nga sasabihin? Basta after this, tulungan mo ako ah?" Tumango naman ako bilang tugon. Anong connect ng tulong sa 'I love you' ? Nagbuntong hininga muna siya bago magsalita, "I... I love your sister, Jessa."

"S-sister? W-what do you mean by that? E, ang sabi mo sa aki-"

"Seryoso, Jessa? Bakit, may iba ka pa bang kapatid? Haha! Malamang si Jesselle, ang ate mo. Siya 'yung ka-meet ko kanina and nagconfess ako sa kaniya. Pumayag siya na ligawan ko. Alam mo, napakaganda talaga niya, mabait pa. Girlfriend material, e. Kaya ikaw, tulungan mo ako sa panliliga-"

Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at tumakbo papalabas. Hindi ko na kayang marinig ang sinasabi niya. Oh! 'Di ba? Ayan! Napaka-assuming mo. Hindi ko maintindihan kung bakit lahat nalang ng gusto ko napupunta kay Jesselle.

Kasabay ng pagtulo ng tubig mula sa kalangitan ay siya ring pagtulo ng mainit na likidong nagmula sa aking malungkot na mga mata. Isang lakad, isang hikbi. Sino ba namang hindi iiyak sa senaryong ito?

Nag-assume ako. At 'yun na nga, e, nag-assume ako kahit alam kong imposible. Hindi ko pinansin ang ulan at ang mga taong nakakakita sa akin. Wala akong pakialam kung pagbulungan nila ako. Ang importante ay mailabas ko itong sakit.

Hindi ko puwedeng sabihin na paasa si Jerick dahil kusa akong umasa. Hindi naman mawawalan ng paasa kung walang umaasa, hindi ba? At isa ako sa mga taong umasa.

Napatigil ako sa pagtakbo nang may humablot sa aking braso, naramdaman ko ring tumigil ang ulan. Napatingin ako sa itaas at hindi pa pala ito tumitigil, may isa lang na payong ang tumaklob sa akin. "Jessa." Si Jerick, ang lalaking sinugatan ang puso ko.

Napatawa ako nang mapait at inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Jerick, ang sakit 'no? Umasa ako." Tumalikod akong muli at aalis na sana pero napatigil lang akong muli nang magsalita ito.

"Ano bang sinasabi mo? Bakit umalis ka agad? Ano bang problema, Jerick? Mind sharing it? I'll be your comforter."

"Problema? Ayun na nga, e. Kaya nga ako umalis, dahil ako ang problema. You know what, dapat pala, una pa lang hindi na ako umasa. Kasi 'pag patuloy akong umasa, lalo lang akong masasaktan."

Nakita kong kumunot ang noo niya at nang mapansin niya na nababasa ako ng ulan ay humakbang siya para maabot ako ng payong niya ngunit umatras ako. Ayokong lumapit sa kaniya ngayon. "Jessa, bakit ka ganiyan?" Hinawakan niya ang aking kamay at sa isa kong hakbang ay hinihigpitan lang niya ng kapit itong pagkakahawak niya sa akin kamay. "Jessa, hindi ko maintindihan."

"Hindi mo maiintindihan dahil una pa lang, hindi mo na naintindihan. Mahal kita, Jerick! Mahal na mahal! Pero umasa ako. Kapatid ko pala ang mahal mo. Siya na ang the best, girlfriend material, the good girl, the nice one and better than me. A-ang hirap-hirap palang umasa. Akala ko, sa teleserye lang nagaganap ito pero bakit nangyari sa akin? S-sana pala, hindi na talaga ako u-umasa. Sana, l-lumayo at pinigilan ko na itong nararamdaman ko. Pero wala talaga akong isip, ipinagpatuloy ko pa. Salamat, Jerick ah?"

Binitiwan ko na siya at umalis kahit umuulan pa. "Jessa."

Lumingon akong muli sa kaniya at ngumiti nang mapait. Naramdaman kong tumulo ang huling luha ko para sa kaniya. "Good luck sa panliligaw sa ate ko, Jerick. Good luck." Tumalikod ako at pinunasan ang mukha ko gamit ang aking kamay. Pero may naalala ako kaya lumingon akong muli at nagsalita, "Huwag ka na nga palang magpakita sa akin, ayoko nang makita ang pagmumukha mo."

Sometimes, you really need to let go. Hindi katulad ko na nag-aassume. Don't assume specially when there is someone na mas nakakahihigit sa iyo, at lalo na kapag alam mong imposibleng maganap ang inaasahan mo. Tingnan mo, ayan ang napala ko. It is because I am assuming. Saklap ng buhay 'no?

Changes? Efforts? Love? Those things? Crap! It will never be enough for him to love me back. Never enough.

-ysaqueens

Untology [Stories]Where stories live. Discover now