8. Failure Is The Best Teacher

60 11 0
                                    

Napatayo ako nang makitang nakauwi na pala ang anak ko ngunit umiiyak. Unsual dahil hindi man lang siya pumunta sa akin at yumagapos. Instead of waiting for her, ako na ang mismong tumungo sa direksyon niya.

"Anak?"

"Yes, mom?", she asked. Hindi man lang siya lumingon sa akin. Because of my curiosity, I asked her. "May problema ba, anak? Feel free to open up, mommy will listen." I smiled as a sign of assurance ngunit tumanggi siya sa pamamagitan ng pag-iling at pagpapatuloy na pumunta sa kaniyang kwarto. As a mom, no one can stop me kung may problema ang anak ko.

Pumasok siya sa kwarto niya at sumunod ako. "Go away, mom!" Napataas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi niya. She is not my daughter, hindi ganito ang anak ko.

Misaichi is my ten year-old daughter, she is jolly kaya naman nakapagtataka na she's so sad ngayon. I sat beside her and hugged her. "May problema ba sa school? Sino ang nang-away sa iyo?"

Bigla na lang siya umiyak at yumapos pabalik sa akin at sinabi, "I failed as a student and as your daughter." Nagulat ako nang dahil doon. Nagsalita siyang muli at ako'y patuloy na nakinig. "I didn't passed the exam. Akala ko po, katulad ko po kayo. Mommy, I'm sorry. I failed."

Instead of scolding her, I smiled. "You know what, anak. May story ako about sa isang daughter na nagfailed. Want me to share it?"

"You won't be mad, mom? I got 15 out of 35, mommy! Hindi ka po magagalit?" I laughed because of she'd said. "No, anak. Why would I? Failure is normal. Ganito na nga lang, kekwentuhan na lang kita."

"Okay po, mommy."

Habang kinekwento ako sa kaniya ang kwentong iyon, hindi ko mapigilang mapangiti habang binabalikan ang mga alaala ng taong nagturo sa akin na lumaban. I was fifteen that time when my mother told me that I shouldn't give up easily.

“Faith”, my teacher called me. I walk towards her direction. “Bakit po, ma'am?”, I asked innocently. “Faith, bumagsak ka. Ano— ano ang nangyari?”

“Po?” Napatigil dahil sa sinabi ni ma'am that time. Buo ko lang na naisip ay malalagot ako kay mama. Lagot ako nito. Matagal na namin pinapangarap ni mama na aging valedictorian ako. Ako raw ang alas nila para umahon sa hirap. Ngunit ngayong fourth grading namin, bumagsak ako. Paano ako nito sa college?

“I'll talk to your parents. Baka kung ano na ang mga ginagawa mo.” Patay!

Umuwi akong kinakabahan noon. Wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal na sana panaginip na lang itong lahat. Kawalan kasi sa akin ang hindi pumasa at maging valedictorian, kawawa ako—kami dahil wala akong matatanggap na scholarship.

“Anak! O nariyan ka na pala, e. Hali ka nga rito,” narinig kong boses sa likuran ko bago ako makapasok sa bahay. Mukhang mas maganda pala na mabilisan akong pumasok sa bahay dahil narito pala si mama sa labas. Tsk. Ano ba 'yan!?

“Mama.” Nang mga sandaling iyon, talagang kinakabahan ako na sa sobrang kaba, para akong naiihi. Kilala ko si mama, magagalitin siya, she's strict like my father. That time, I know na she'll get mad dahil wala na nga siyang trabaho, kaunti lang ang kinikita ni kuya sa part-time job niya, iniwan pa kami ni papa, dadagdag pa ako na hindi nakapasa.

Paano ako magka-college nito? Paano na kami? Will I stop studying for a while para lang hindi na ako dumagdag sa isipin nila?

“Anak, kumusta iskul? Tara sa bahay, kain tayo, nagluto kuya mo ng paborito mong calamares.”

Tumango ako at ngumiti nang pilit. “Opo, ma.” Kahit kinakabahan inisip ko na lang nang araw na iyon na sabihin ang totoo. Ayaw kong itago dahil malalagot ako lalo. “M-ma, bagsak po ako ngayong... q-quarter. Lumiit na p-po ang chance na... mapasali ako sa top.”

Napatigil si mama sa pag-aayos ng kakainan namin. Hinihiling ko noon na sana—sana kainin na lang ako ng lupa?

Sa pagtigil lang ni mama, napapaiyak na ako. Puro pagluha at paghikbi ang aking nagagawa. “Ma. Mama, I'm sorry. Baka hindi ako magkaroon ng scholarship. Ma, paano tayo ngayon?”

Nakita kong ngumiti si mama at umupo at nagpatuloy na naghain. Hindi ba siya magagalit?

ago siya magsalita ay inunahan ko na siyang agad, “Ma, hindi ba kayo magagalit? Ma, I failed!” Napahikbi ako. “Ma, I failed. Parang pabigat ako, e. Ma, if you want me to stop na mag-aral, I promise, magtatrabaho ako. Or ma, kung payag kayo na mag-aral ako, magpapart-time job ako katulad ni kuya. Ma, sorry, hindi ko sinasadya—"

Laughs, 'yan lang narinig ko kay mama that time. “Anak, ayos lang. Ga-graduate na si kuya mo, magkakatrabaho na siya, at ako rin. Natanggap kaya ako bilang kusinera riyan sa restaurant ni Aleng Seleng. Tapos, anak, itong papa mo nagpadala ng pera para sa pang-college mo. Huwag kang mag-alala, nangako ang papa mo na siya na ang bahala sa pag-aaral mo, makakuha ka man ng scholarship o hindi.”

“At anak, sabi mo, ‘you failed’? Huwag mong sabihin 'yan. Lahat nagkakamali kaya normal lang 'yan. Hayaan mo na magkamali ka dahil magiging aral mo ito. Ang pagkakamali o pagbagsak ay normal. Alamin mo lang ang naging mali mo at magpatuloy ka. Bumagsak ka kaya hindi ka na magpapatuloy? Don't, anak. Bumagsak ka kaya magpatuloy ka. Huwag mong hayaang pagkakamali ang magpatigil sa iyo, hayaan mong katagumpayan ang maging dulo mo. Magpatuloy ka, anak, sa pag-aaral mo. May mga nagbukas pang magiging tulong sa iyo kaya huwag mo nang hayaang mangyaring bumagsak ka. Huwag kang tumigil dahil sa isang pagkakamali, anak. Ang pagkakamali ay isang test sa iyo ng buhay. Huwag kang sumuko.”

Nang masabi niya ang lahat ng iyon, she hugged me tight. Akala ko, magagalit siya, hindi pala. Tama naman siya, huwag akong sumuko. Hindi ko dapat hayaang ang pagkakamali ang magpatigil sa akin, bagkus, hahayaan kong ang katagumpayan ang maging dulo ng buhay ko.

"WOW, MOMMY! Si lola Yen po ba may sabi niyan tapos ikaw po ang girl sa story?"

I chuckled when I heard my daughter asking about my story. "Yes, anak. Sabi ni lola Yen mo, don't give up daw. Don't be sad kung nagfailed ka, instead, give thanks because failure will teach you about everything. Alamin mo lang ang naging mali mo at magpatuloy ka. Bumagsak ka kaya hindi ka na magpapatuloy? Don't, anak. Bumagsak ka kaya magpatuloy ka. Huwag mong hayaang pagkakamali ang magpatigil sa iyo, hayaan mong katagumpayan ang maging dulo mo."

"Opo, mommy! I promise na next test namin, aaralin ko pa ang mga lesson na I can't fully understand para next time, successful po ang test ko. I won't give up. Thank you po for your story, mommy. I learned alot. I love you!"

"I love you too, anak."

Now, I am a Civil Engineer. Hindi ko hinayaang maging katapusan ko ang pagkakamaling nangyari. Kung sumuko ako noon, baka hindi ko ito narating.

Hindi lahat ng oras, pagkakamali ang magpapatigil sa iyo.

Hindi pala dapat panghinaan kapag may nagagawang pagkakamali, dahil lahat ng mga failures ay may aral na magiging daan upang malaman natin ang pagkakamali natin upang mabago ito sa susunod na pagkakataon. Habang may buhay, may pag-asa. Hindi man natin nakuha agad ang gusto natin o ineexpect, huwag pa rin tayong sumuko. May pagkakataon pa, baka kasi hindi pa tamang oras o baka naman, may ibang bagay na maibibigay sa atin. Katulad ko, hindi ko man naabot ang pagiging valedictorian o ang magkaroon ng scholarship, may tulong naman na damating sa akin at sa aming buong pamilya.

Ang pagsuko, hindi 'yan pwede sa buhay. Sa ML o Mobile Legends nga, may epic comeback, sa buhay pa kaya natin? Kapag sumuko kayo ng mga kakampi mo, defeat kayo, pero kung nagpatuloy kayo, victory ang abot mo.

After the failure, instead of giving up, you must continue.

Remember that Thomas Edison is the person who invented our light bulb. He failed thousand of times but look at your house, may light bulb kayo, 'di ba? Kung after ng thousand times na nagfailed siya or less than thousand times tapos he gave up, paano tayo ngayon? Walang ilaw, madilim. Siya nga, thousand times na nagfailed pero nagtagumpay, tayo pa kayang ilang beses pa lang nagkakamali?

You must accept your failures and continue what you are doing for a better and prosperous future.

—ysaqueens

Untology [Stories]Where stories live. Discover now