I smiled when I saw my man waiting for me. He's with his usual suit, aura and smiles that is making me fall for him everyday. He is the standard; he is serious but so sweet, busy but will do everything for me, a man who loves me and my imperfections.
"Hon!", I called. "Sorry, I'm late, nag-over time ako sa work e." I pouted and hugged him. I missed him so much kahit ilang oras kaming hindi nagkita. He hugged me tightly too which gave me butterflies.
Umupo kami sa isang bench. "It's okay, I understand. Anyway, how are you?"
"Mabuti naman, nakakapagod maging isang working student pero okay lang. Ikaw? Ayos ka lang ba rito?", balik kong pagtatanong. He smiled sweetly and nodded. "I'm fine, waiting for you is worth it."
Napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman kong naiinit ang aking pisngi sa kilig. "Grabe ka, kinikilig ako nang wala sa oras." Napatawa kaming dalawa. Parang matagal kaming hindi nagkita, a. Tuwing gabi lang kami nagkikita dahil sa sobrang busy ko pero he always wait for me kahit ilang oras pa.
Biglang may pumasok sa isipan ko kaya naman napatanong ako sa kaniya. "Hon, iiwan mo ba ako? Baka kasi nagsasawa ka nang maghintay. I know, I'm so busy at I have a lot of things to do, I have a lot of things that I wanna do and, is it okay pa sa 'yo? Waiting consumes time, ayaw ko namang buong araw kang naghihintay sa akin, ako ang napapagod para sa 'yo."
I chuckled before answering my dialogues, "Shut up, hon. Ako, mapapagod- who said? Hindi kita iiwanan, hindi ako magsasawa, I may not be living but I am not leaving you."
"Pero, hon, masasasayang lang ang oras mo-"
"Walang oras sa mundo ko, Saiji. Sa mundo ng panaginip ay walang oras o kahit orasan. I'm just a part of your imaginations, of your dreams- lucid dreams. Sa ating dalawa, ako ang napapaisip dapat kung kaya mo pa because I am not real, alam kong makakahanap ka pa ng lalaki sa mundo mo na p'wede mong ipalit sa akin, na kaya mong makasama sa totoong buhay hindi katulad ko na kasama mo lang sa panaginip."
"It's already time, hon. Wake up."
Napatayo ako sa bench na inuupuan namin. "Ayaw ko nang magising kung sa panaginip ka lang. Hon, I don't want to."
"Pero marami ka pang dapat gawin. It's already time, Saiji. I will never leave you, hon. Go and wake up, then mind your own world. Huwag mo akong isipin, I am always here. Nasa isip mo ako, hindi ako mawawala rito. I'll wait for you, my lady."
"Bakit hindi ako p'wedeng mabuhay rito? Habang buhay akong tulog!"
"No. It's not your time yet. Don't think about that. Gumising ka na. I will never leave you, hon."
Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa alarm ko. It's already time. Kailangan ko nang mag-ayos para sa school.
Hingal na hingal akong tumayo at humarap sa salamin ng aking kwarto. Napaluha at napaisip na bakit pa ba ako nabuhay sa mundong ito.
Bakit ako biniyayaan ng ganitong kakayahan? Na magkaroon ng magagandang panaginip gamit ang aking isip? Na maging isang lucid dreamer?
Bakit ko pa kasi nagawang buoin siya sa isipan at panaginip ko?
Bakit hindi na lang ako matulog habang buhay para makasama siya?
Pero bawal, marami pa akong dapat gawin sa buhay ko.
-ysaqueens

YOU ARE READING
Untology [Stories]
Sonstigesthe art of studying untold stories -random genres ahead 2019-2022