note: not for sensitive readers and with mental health issues.
"Ayieee si Monica, binigyan ng Pepsi ng crush niya!"
Binigyan kasi ako ng Pepsi ng crush ko since grade seven. Tapos nang ibinigay niya, namumula siya at nagtatakbo pero kita ko ang ngiti sa mga labi niya. Nahihiya siguro.
Ito talagang si Belle, masiyadong masiyahin, maingay at madaldal, pinagtitinginan tuloy kami ngayon. Napadaing ako nang hampasin niya ako sa kilig. Pero in fairness, I am so happy for having her. Such a supportive best friend.
—
"Hi, babe! Hi to the girl I love the most."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ang boyfriend ko pala, si Karlo. After one year ng panliligaw ng crush ko na siyang nagbigay ng Pepsi sa akin, sinagot ko na siya. He is loving and the most caring person I have ever met. He is the best.
—
"Anak, congratulations nga pala! Masaya ako para sa inyo ni Karlo."
I smiled because of my Papa's greetings. Ikakasal na kasi kami ni Karlo after ten years of being together. I hugged him so tight and he hugged me back. I am so blessed for having him as my father.
—
"Alagaan mo ang apo ko, ha?"
Napatawa naman ako kay Mama dahil sa bilin niya. Ito talagang si Mama, akala naman niya papabayaan ko ang anak namin ni Karlo. Malamang naman na aalagaan ko ito dahil anak ko. Pero sa totoo lang, napangiti at napalakas niya ang loob ko. Narealize kong may handang sumuporta sa akin at ng anak ko, at siyempre ay may isang taong nag-aalala sa anak ko na patunay na mahal niya ito nang totoo.
—
Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang malamig na tubig na dumampi sa aking katawan. Hingal na hingal akong nagmulat ng mga mata at nakita ko si Mama na may hawak na isang timba na sa tingin ko'y doon galing ang tubig at ibinuhos niya iyon, at galit na galit na nakatingin sa akin.
"Ano ba, Monica!? Malelate ka na. Dios mio, anak ng tinamaan 'to! Sana hindi na lang ikaw ang naging anak ko. Mas mabuti pang tumulad ka kay Belle na matalino, maganda, masipag—" Hindi ko na lang pinatapos ang kaniyang mga sinabi at dire-diretso sa banyo at umiyak.
Bakit kasi nagising pa ako, napakaganda na ng panaginip ko, e? Nasa panaginip ko lahat ng mga nais ko.
"Monica? Bakit mo binabastos ang nanay mo, ha? Tinatalikuran mo na lang basta-basta? Sana hindi ka na lang namin binuhay, wala kang respeto!"
Paulit-ulit kong pinaghahahampas ang aking mga tainga para hindi ko marinig ang mga sinisigaw ni Papa.
Napaupo ako sa sahig ng aming banyo sa sobrang sakit ng aking pakiramdam. Naninikip ang aking dibdib at hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa buhay ko ngayon.
Sa kinamalas-malasan naman ay bakit pa nga ba ako nabuhay?
Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang aking cellphone. May nagnotif sa Facebook account ko.
Karlo Parilla added a photo.
Karlo is my crush since grade seven. Sa sobrang excited ay agad ko itong binuksan sa pag-aakalang gagaan man lang ang pakiramdam ko pero hindi pala—akala ko lang.
Sa pag-open nito ay bumungad sa akin ang picture nila ni Belle na yakap-yakap niya habang hinahalikan nito ang noo ni Belle.
Caption: "The girl I love the most."
They are so happy and their eyes are telling that they are in love with each other. Lalo akong nanghina at lalo namang lumakas ang pagtulo ng aking mga luha.
Karlo hates me. He even spilled his Pepsi on my face yesterday na sa panaginip ko ay ibinigay niya sa akin dahil mahal niya ako.
Belle hates me also. She laughed at me when she saw her boyfriend spilling the Pepsi that Karlo bought for her na sa panaginip ko ulit ay isang tili ang iginawad niya sa akin dahil sa kilig nang ibinigay ni Karlo iyon sa akin dahil gusto niya ako.
Bakit hindi na lang ako nabuhay sa isang ilusyon kung doon ko lang naman matitikman ang isang kasiyahan na ninanais ko?
Palagi akong mag-isa, palagi akong nakakulong sa kalungkutan at kailan ko ba mamamasdan ang liwanag at kasiyahan kasama ang mga taong ninanais kong mamahalin ako at aalagaan ako?
Bakit ako nabuhay sa isang himpilan na purong pag-iisa—na walang nagmamahal sa akin at nag-aaruga nang totoo? Bakit ako pinaparusahan nang ganito? Ano ba ang kasalanan ko at bakit patuloy akong nakukulong dito? Ano ang mali ko? Mali bang magmahal at umasa na sana ay maging masaya na ako?
Bakit sa patuloy kong pagnanais ng kapayapaan, pagmamahal, at kasiyahan ay lalo pa akong dinadagdagan ng kahirapan?
—ysaqueens11042021
YOU ARE READING
Untology [Stories]
Randomthe art of studying untold stories -random genres ahead 2019-2022