2. Again

89 16 2
                                        

Tumahimik ang buong classroom nang dumating ang professor namin. Si professor Zaverick. Isang gwapo, mabait at magaling na guro ito. Lahat ng atensyon ng mga taong nakapaligid dito ay natutuon sa kanya. Ang teacher na hinahangaan ng lahat dahil sa galing sa larangan ng pagtuturo. Ang teacher namin na hindi ko alam kung bakit isa siyang misteryo sa buhay ko.

"Okay class, good afternoon," sambit nito at kami'y bumati rin pabalik sa kanya nang may sigla. Hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat pagtingin ko sa kanya ay napakapamilyar nito. Ng mata niya, ng mukha niya at kanyang ugali. Ano nga bang meron siya?

Nakatingin lang ako sa kanya at tahimik na nakikinig. Nagulat ako nang biglang magtama ang aming paningin at parang dinudurog na naman ang aking puso. Parang nasasaktan ako tuwing makikita siya. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Ngumiti siya sa akin at nagsalitang muli, "Naniniwala ba kayo sa mermaids?"

Hindi ko alam kung bakit sumakit ang ulo ko bigla. Hindi ko na lang ito ininda at makinig muli sa kanya. Pero sa bawat pagsasalita nito ay parang bumibigat ang pakiramdam ko. Parang may kirot.

"No po, sir," sagot ng nasa unahan kong babae.

"Hindi po kami bata para maniwala sa mermaids," sabi naman ng babaeng mas makapal pa ang make-up niya kaysa sa kilay.

"Sir, mas lalo na po kaming mga lalaki," sabay-sabay na sambit ng limang lalaki sa aming likuran. Nagkatinginan silang lima at napatawa dahil sa kanilang hindi inakalang pagsasabay ng salita.

Tumango si sir sa mga sagot ng aking mga kaklase. "Yeah, I know. Mermaids, pang batang kaisipan nga lang iyan. But I hope na all of you will listen to me. But if you don't want it's okay. Wala ito sa today's lesson natin so you can use your cellphones if you want o kung may tatapusin kayo sa ibang subjects, because this will be a free time, and yung mga gustong makinig, thank you sa inyo."

"Yes! Thank you sir!"
"Makikinig ako, parang interesting 'yung ike-kwento ni sir Zaverick"

Ngumiti si sir at tumingin sa akin. Yung mga tingin na iyon, parang pamilyar at may hinahatid na mensahe. "Ang kwentong ito is all about mermaid. Love story ng mermaid at ng isang tao."

"Luma na po ang kwentong iyan, sir," sabat ng isang lalaki na pinaburan ng kaniyang katabi na babae. "Kaya nga, sir. May maiinlove na tao kay mermaid, then happy ending." Her words are full of sarcasm.

"Silence. Luma pero tagos sa puso ang katapusan nito," sabi ni Sir Zaverick.

"Wait, sa tingin po ninyo sir, anong itsura ng mermaids?" Habang nag-iingay ang mga kaklase ko ako naman ay nananatiling tahimik at nakikinig lang.

"Iba ang kanilang tainga; may patilos ang dulo ng kanilang tainga. Magaganda sila may ilang hindi, at syempre may buntot. Mahahaba ang kanilang buhok at may kanya-kanyang kulay depende sa kanilang buntot, pero minsan iba rin ang kulay nito." Lumingon siya sa akin kaya napaiwas ako. "Ipagpapatuloy ko na ang kuwento. Si Zein, ang magandang sirena. Kulay asul ang kanyang buntot at itim ang kanyang buhok. Gaya ng sabi ko ang mga sirena ay patilos ang dulo ng tenga."

Hindi ko alam kung bakit naninikip ang aking dibdib. Parang may koneksyon ako sa mga sinasabi niya na hindi ko naman alam kung totoo nga. Napailing na lang ako at isiniwalang bahala ko na lang ang mga iyon at nakinig sa kung sinumang sunod na magsasalita.

"Sure kayong maganda lyung Zein? Baka katulad lang iyan ni Zaynah, napakatilos na nga ng tainga, parang engkanto pa." Napuno ng ingay ang buong buong classroom dahil sa kanilang tawanan. Nilalait nila ako dahil sa tainga kong patilos. Isa raw akong engkantong paparusahan sila. Kung ano-anong mga panlalait ang ginawa nila kaya naman walang lumalapit sa akin, kahit ang mga guro maliban kay sir Zaverick.

"Class, silence please," suway ni sir at sinunod naman nila. Hinampas-hampas pa niya ang table nang mahina.

"Isang araw, napadpad si Zein sa lugar ng mga tao. Isang binatang lalaki na nagngangalang Zeus ang nakapansin sa kaniya. Sa una'y natakot sila sa isa't-isa ngunit naging magkaibigan din. Lumalim ang pagkakaibigan nila, hanggang sa nahulog sila sa isa't-isa." Sumasakit lalo ang aking ulo. Pamilyar ang kwentong 'yun at parang ako ang babaeng iyon.

"Ngunit, sa dulo ay pinatay si Zein. Pinatay ang sirenang pinakamamahal ni Zeus. Nabuhay ng paulit-ulit sa iba't-ibang panahon ang dalawang ito. At ngayon si Zeus ang taong nakaharap at nagkwento sa inyo ng kwentong iyon. Ako si Zeus... at si Zein ay...

Napatayo at napatingin naman sa akin ang lahat. Napasigaw ako dahil sa kung anong nararamdaman ko, "Tama na! Tama na." Nanginginig ang mga kamay ko at kahit ang aking buong katawan ay namamawis. Masakit ang ulo ko at hindi ko mapigilang mapahikbi.

"T-tama...pinatay ako. P-pinatay ng isang taong mahal ko," hindi ko alam kung bakit at paano akong nakakapagbitaw ng mga salitang ganoon sa propesor ko. "P-pinatay mo ako... Z-zaverick, pinatay mo ako Zeus." Nagulat ang mga kaklase ko sa pag sagot ko sa guro namin.

Hindi ko matanggap sa sarili ko na nalaman kong ako ang sirena, ako si Zein. Pinatay ako ni Zeus, ang taong mahal ko. Bakit ganon? Mahal ko siya pero pinatay niya ako.

Akala ko mahala din niya ako? Pero bakit niya 'yon ginawa?

Napatingin ako kay Zeus, siya'y nagsimulang muli, "Patawad, Zein. Inaamin ko... pinaglaruan lang kita at pinaibig para makapatay ng sirena dahil 'pag nagawa ito ay may matatanggap na gantimpala. Pero minahal kita nang totoo at isang malaking pagkakamali ang patayin ang taong mahal ko- ang patayin ka," aniyang muli habang ako ay hindi na mapigalan ang sariling umiyak. Napatakip ako ng bibig dahil ayaw kong makagawa ng ingay at mapahiya.

Ilang segundo akong nananahimik ngunit nang hindi ko na kinaya ay kusang bumuka ang aking mga labi at tinuran, "Hindi mo ako minahal-ang mahal mong pinangakuan na hindi sasaktan, pero pinatay mo naman para lamang sa gantimpala? Anong klase kang nagmamahal? Tandaan mo, ang pag-ibig ay hindi nabibili ng pera at walang katumbas na halaga, kaya bakit mo ako pinaslang? Bakit? Ha? Hindi mo manlang naisip na kahit sirena ako, may pakiramdam din ako! Hindi. ako. manhid."

Napailing siya at nais na limapit sa akin ngunit lumayo ako. "Si Zaynah o Zein ka man, minahal kita nang totoo at paulit-ulit."

Humarap siya sa lahat ng kaniyang mga estudyanye at nagpatuloy sa kuwento na siyang ikinagalit ko pa lalo. Nakatingin siya sa mga estudyante niya ngunit ako pa rin ang pinupunto niya bilang kaniyang kausap. "At ito na ang katapusan ng kwento, ako si Zeus o Zaverick, ikaw si Zein o Zaynah, tayo ay paulit-ulit na pinagtagpo pero pinaglalaruan ng tadhana, pinapaghiwalay. Ito na ang huling panahon na mabubuhay tayo, kaya sana maging masaya na tayong dalawa kahit magkalayo tayo."

Napapikit ako nang mariin at hindi ko alam kung ako pa ang gagawik at sasabihin. Napamulat ako nang bigla siyang nagsalita na siyang ikinadurog ng puso ko. "Pinapalaya na kita, Zein."

Umalis na ng classroom namin si Zeus o Zaverick, ang taong mahal ko na pinagpalit ako para lamang sa gantimpalang hindi matutumbasan ang pag-ibig. Sa kwentong ito, natutunan ko na kahit magkaiba ng uri basta nagmamahalan ay walang makahahadlang maliban nalang kung ang isa sa inyo ay bumitaw, kung isa sa inyo ay mapagmataas at hindi iniisip ang nararamdaman ng kabiyak na siyang ginawa ng taong lubusan kong minahal at minamahal.

Kaya naman Zeus, malaya ka na rin.

-ysaqueens

Untology [Stories]Where stories live. Discover now