20. Mariposa

56 11 0
                                    

MARIPOSA

-Ginawa ko 'to para sa module ko pero hindi ko alam kung okay na ba siyang ipublish dito sa Wattpad.
-Please po, no to plagiarism.

"Ang paghihintay sa 'yo ay dapat may sikap,
Sa kauna-unaha'y lubos akong naghirap.
Ngunit ngayon, pagtitig sa ganda mo'y 'di maawat,
Oh napakaganda mong 'masdan, Mariposang mahal!"
- Paruparu

Napabuntong hininga ako nang makita ang aking mga kasamang namukadkad na ang kani-kanilang mga pakpak. Sabay-sabay silang nagpadala sa hangin at naglaro sa himlapawid. Ang mga tutubi ay kay sayang nagsilaro sa itaas samantala'y ako ay kay tagal na ngunit hindi pa rin namumukadkad. Bukod doon, mas malaki ako sa kanila kung ikukumpara sa mataba at mahaba kong pangangatawan. Ibang-iba ako sa kanila na pati sila'y ako'y inaayawan.

Napatingin ako kay Paruparu na kapwa ko'y nakatingin din sa itaas. "Ayos ka lamang?" Ang maitim niyang balat ay lumiliwanag sa tuwing nasisinagan ng araw.

"Ako'y ayaw lang, Mariposa," saad niya't ngumiti sa akin.

"Hindi ka ba nalulungkot na ang mga kitikiti na tulad mo'y namukadkad na't naging ganap nang lamok samantalang ika'y hindi pa?" muli kong pagtatanong na sa kaniya'y nagpabahala. Isa siya sa tulad kong kaytagal bago namumukadkad bilang tutubi't lamok. Ibang-iba kami sa kanila dahil kami'y parehong higante't kumpara sa kanila. Sa aming dalawa, siya'y may itim na kulay at sa akin naman ay berde. Napaisip ako, isa ba talaga akong tutubi o baka hindi?

Napatingin akong muli kay Paruparu nang bigla niyang sagutin ang aking tanong pagkatapos ng ilang segundong katahimikang namayani. "Tanggap ko naman kung habang buhay akong ganito. O baka naman may ibang mangyayari sa akin pagdating ng araw. Siguro nga ay naligaw lang ako noong kabataan at kinupkop lang ng mga lamok at ako ay isang hamak na higad lamang."

"Higad? Ano iyon?" Pagtatanong ko.

"Wala, nabalitaan ko lang sa mga lamok na patuloy akong pinag-uusapan." Napatango ako sa sagot niya. Baka nga ay iba kami ay isang hamak na higad lang-base sa tinuwiran niya. "Ikaw, Mariposa, huwag kang panghinaan, baka isa ka rin sa mga higad. Ibig sabihin no'n, pareho tayo at hindi ka nag-iisa, may karamay ka. Hindi nga lang tayo makalilipad ngunit masaya akong parehas tayo, hindi man makalipad ngunit magkasama tayong maglalakbay gamit ang ating maliliit na mga binti."

Natapos ang buong araw sa paglalakbay namin ni Paruparo. Masaya akong kasama siya kahit may pangangambang baka hindi na ako makalilipad. Sa tulad kong bulate o higad daw sabi ni Paruparo ay malamang na mahirap gumapang na halis kainin na namin ang mga abo at maruruming buhangin kaya pangarap talaga naming makalipad nang malaya't makapunta sa himpapawid.

Simula na naman ng panibagong araw, sumikat ang liwanag na dumadampi sa aking buong katawan. Hindi alintana ang sikat ng haring araw sa aking paghahanap ng masarap na dahon na kinagisnan kong umagahan. Parang kahapon lang ang nangyari dahil masakit pa rin sa akin ngunit magdadalawang linggo na nang simula niya akong iwanan

Si Paruparo ay tuluyan nang namaalam. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngunit kaysakit dahil akala ko ay habang buhay kaming maglalakbay nang magkasama ngunit sa dulo ay hindi ko na siya makita. Hindi man lang niya tinupad ang mga sinaad niya sa akin.

Agad kong sinipsip ang katas ng dahon ng gumamela na siyang paborito kong halaman. Sa aking pagkain nito ay napadako ang aking mga mata sa bulaklak nito. Parang biglang kuminang ang aking mga mata dahil dito. Napakaganda ng bulaklak ng gumamela at sa lahat ng bulaklak ay ito lang ang may kumpletong parte.

Naisipan kong gumapang patungo roon upang suriin ang bulaklak ng gumamela. Mabango ito at malaki na kasyang-kasya ako. Pinuntahan ko ang isang malaking patayo sa gitna ng bulaklak at inamoy rin ito. Hindi ko alam ngunit nakikita ko ang sarili kong lumilipad at hinahalikan ang dilaw na parte ng bulaklak ng gumamela katulad ng ginagawa ng mga bubuyog.

Untology [Stories]Where stories live. Discover now