15. Salamin

57 10 0
                                    

WALA AKONG magawa sa bahay ngayon. Wala kaming date ngayon ng jowa kong si Ken. May inaasikaso siya ngayon. Haays.

Dahil boring inayos ko nalang ang mahaba at maganda kong buhok. Nakaharap ako sa salamin. Ang ganda ko talaga. Suklay dito, suklay doon. Dati-rati, kaming dalawa ng kapatid ko ang laging magkasama at siya ang nag-aayos ng buhok ko. Miss ko na siya.

Kahit masakit na wala na si ate ay ngumiti na lamang ako kahit pilit at inayos ang sarili. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin. Napakaganda ko, kaso sa mata ng ibang tao, mas lamang sa akin si Airene, ang ate ko Patuloy kong inayos ko ang buhok ko at nagpaganda. Hindi ko naman kailangang magpaganda maganda na ako, eh. Pero sana sa mga mata ng marami ay makita nila ito. Bakit kasi laging si Airene ang mas gusto nila?

Ang mukha kong nakangiti ay napalitan nang isang ekspresyon, takot, gulat at galit. Biglang nagdilim ang paligid. Pati ang salamin ay nagdilim. Umihip ang hangin ng napakalakas. Nawala ang repleksyon ko sa salamin at napalitan ng repleksyon ng isang babaeng nakaitim, mahaba ang buhok at duguan. May tumutulong dugo mula sa kanyang mata.

"A-airene?", rawag ko sa kaniya. "P-patay ka na. T-tigilan mo na ako." Nanginginig akong napaatras. Nakakagulat na sia'y nakita kong muli. Tumawa siya nang malademonyo. Nakakakilabot. Nakakatakot. Naninindig ang aking mga balahibo. Umihip muli nang malakas ang hangin. Tawa pa rin siya nang tawa. "P-pakiusap. Parang awa mo na."

Tumigil siya sa pagtawa at ngumiti nang nakakakilabot. Napalunok ako. Siya ba ang mabit kong ate? "Awa? HAHAHA! Naawa ka ba sa akin noong pinatay mo ako? Pinatay para mapasa iyo si Ken? Eren es estupida. Walang maawa sa taong mamamatay tao. Kung pinatay mo ako papatayin rin kita. HAHAHAHAHAHA!"

Kinikilabutan ako sa tawa niya. Lalong lumakas ang hangin. Nagsibagsakan na ang aking mga gamit sa kwarto. Ubod ng dilim. Iyak na ako nang iyak. Ang tawa niya at ang aking mga hikbi ang naririnig ko lamang. "Airene tama na, pakiusap. P-patawarin mo ako, ate."

"Kapatid ko, mapapatawad pa kaya kita? Namatay na ako at ikaw ang may gawa, Ashley. Kung pinatay mo ako, dapat pag bayaran mo. Dapat, mamatay ka rin." Humakbang ito papalapit sa akin. Napaatras ako. Ano ang gagawin niya?

"Ate Airene!" Iyak. 'Yan lamang ang aking nagawa. Wala na akong takas. Mamamatay na ba ako?

Palapit siya nang palapit samantalang ako ay palayo ng palayo. Ngunit bago ako makalayo ay inilabas niya ang kanyang kamay sa salimin. Nabasag ang salamin at nahagip ang aking leeg ng kaniyang kamay. Paangat ako ng paangat. "Ate! T-tama na." Hindi ako makahinga habang hawak niya ng mahigpit ang aking leeg. Lalo pang lumakas ang kaniya tawa. Akala ko talaga'y 'di niya maaabot ang aking leeg pero humahaba pa ito higit sa akin inaasahan.

"Pakiusap tama na, ate."

Ngunit huli na ng lahat. Tanging pagluha ang nagawa ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

GUMISING AKO nang magaan ang katawan na siyang ipinagtaka ko. Bumangon ako at humarap muli sa salamin. Nakita kong muli si ate Airene. Nakangisi siya at biglang tumawa muli na parang demonyo at nagsalita, "You're dead, Ashley. May you rest in peace. HAHAHAHA."

Nagulat ako sa sinabi niya. Patay? Ako? Hindi! Papaanong? Tumalikod ako sa kanya at nakita ko ang aking katawan na pinalilibutan ng aking mga kasama sa bahay. Umiiyak sila. At ako, ang sa tingin kong totoo kong katawan, nakahiga ako sa sahig at nilalabasan ng dugo ang aking bibig at leeg. Hindi ito maari.

Tumingin akong muli sa salamin. Wala na si ate Airene at bumalik ito sa dati. Ngunit may basag parin. Wala na akong makitang repleksyon ko. Ni anino ay wala. Patay na nga ako.

Lumingon ako. Gulat, takot, pagsisisi. Nakita ko siyang nasa likod ng isa sa mga kasamahan ko na inosenteng umiiyak. Nakahawak siya sa leeg nito at unti-unting pinugutan. Nakatigil lamang ako.

Parang awa na, ate.

Tumalikod ako at napaiktad nang pagtingin ko'y halos isang dangkal lamang ang pagitan namin.

"WAAAAAAAAAAAAAH!"

—ysaqueens
horror story from 2019

Untology [Stories]Where stories live. Discover now