For ate featherlasting
Habang nakasakay sa tricycle dala-dala ang mga bagahe ko, pinagmasdan ko ang estado ng aming probinsya ngayon. Nang umalis kami rito nang bata pa ako, maunti pa lang ang mga bahay na nakasemento ngunit ngayo'y marami na.
It's been ten years. I left this province when I was ten and now, I'm twenty.
I was so sad that time. Ayaw kong maiwan ang province namin noon. Marami akong mga kalaro na minsan ko nang nakasama, mga ate at kuya na madalas magturo sa akin ng kung anu-ano, mga tiya at tiyo na laging magsasaway sa amin kapag sobrang kulit. Take note: mga kapamilya namin sila ngunit hindi kagdugo.
Sa aming baryo, nagkakaisa, bigla na lang magkakakwentuhan sa anumang bagay lalo na kapag nasa tindahan, biglang magtutulungan lalo na't kapag may kinakailangan. Kung iiyak ka, may magpapatahan.
Bigla akong napabuntong-hininga nang marealized ko kung ano ang sinabi ko. Magpapatahan? Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Oo, may magpapatahan sa iyo kung iiyak ka, kaya nama'y nasaan na kaya 'yung nagpatahan sa akin noon?
'Yung mga sinabi niya, tatlong pangungusap na siyang nagpatibok ng puso ko nang napakabilis na para lamang sa taong nagsabi niyon, sa murang edad.
Napatingin ako sa dating playground namin noon, purong kalawang na ang nakikita at mukhang marupok na ang mga bakal kung tingnan kahit malayo ako rito. Wala nang mga bata ang masayang naglalalaro sa playground, hindi katulad noon na talagang banat na banat ang mga buto namin dahil sa kalalaro.
Narating namin ang sakahan at taniman, wala na ring mga batang naglalaro at nakikialam sa pag-aararo ng mga magsasaka. Iba na talaga ang henerasyon ngayon kaysa noon.
Pinagmasdan ko ang sakahan na purong luntian, may mga magsasakang nagtatanim doon at may mga kalabaw namang nakatigil.
Sumilip ako sa unahan at tiningnan kung malapit na ba ako sa aking paroroonan at tama nga, malapit na ako.
Muli, napatingin ako sa sakahan habang umaandar ang sasakyan. Nagawi ng aking paningin ang isang lalaking nakatop-less na kasama ng mga magsasaka; nagtatanim din ito.
Hindi ko akalaing makikita ko siyang muli at hindi ko inakalang tumutulong siya sa mga magsasaka samantalang noong mga bata pa kami ay diring-diri siya sa putik maging sa aming mga kalaro niya o mas tamang sabihing kaaway niya dahil lagi naman siyang nang-aaway.
"Ningi, narito na tayo," ani Ka-Amang.
Mabilis pa sa alas kwatrong niyang inayos ang aking gamit at bumaba sa tricycle dahil sa pagkaexcite ko.Tinulungan naman ako ni Ka-Amang at nanguna nang lumakad sa itaas ng aming lumang bahay na naiwan namin noon isang dekada na ang nakalilipas. Sumunod naman ako sa kaniya ngunit hindi pa rin mawala sa aking isipan ang unang lalaking nagpatibok ng aking puso sa murang edad.
Makalipas ang ilang oras ng pamamahinga sa loob ng aming lumang bahay, agad kong pinuntahan ang karenderyang aking natanaw kanina habang nasa sasakyan. Ito ang karenderyang madalas naming puntahan ng aking mga kababata.
Halos mapaiktad ako nang may sumigaw sa likuran kol "Ningi!" Kumunot ang noo ko nang makita ko ang kababata kong si... Ano nga ba ang 'ngalan niya? "Ningi, nagbalik ka." Hindi ako nakagalaw nang yakapin niya ako nang napakahigpit. Hindi ko siya maalala pero nasa dulo na ng aking dila ang pangalan niya.
Matapos ang ilang segundong yakapan ay kumalas na siya at sinuri ako sabay sabing, "Ningi, kilala mo pa ba ako? Laki-laki mo na, ah! Kumpleto na ba ang ngipin ni Ningi, ang batang bungi?"
Bigla ako napatalon sa tuwa nang makilala ko ang lalaking kaharap ko. "Hogi, ang batang uhugin! Hanep ka, hindi kita nakilala." Nawala na kasi ang kaniyang salamin, sa palagay ko'y nakacontacts siya dahil sa medyo mabrown nitong mata. Mas ayos na rin kaysa noon na malaki at makapal na salamin ang gamit niya. Pero bigla ko siyang binatukan nang maalala ko ang sinabi niya kanina. "Aray, bakit?", daing niya. "E kasi, hindi naman ako bungi, bulok lang ngipin ko. Bulok!"
![](https://img.wattpad.com/cover/286465954-288-k465231.jpg)
YOU ARE READING
Untology [Stories]
Randomthe art of studying untold stories -random genres ahead 2019-2022