3. Una't Huli

93 15 6
                                    

Mahal,

Ako ngayo'y nangungulila sa iyo,
gusto kong muling masilayan ang iyong ngiti,
marinig ang tawa mong parang kanta,
ang iyong mukhang nakabighani sa 'kin-
ang ikaw, na aking sinta.

Tayo ay muling magtagpo,
sa lugar kung saan
nagsimula ang lahat-lahat.

-J

MATAPOS kong basahin ang sulat ng aking mahal, ako ay napatawa nang napakalakas. Kailan pa naging makata iyon? Lagi nga niya akong inaasar kapag ako ang nagbigay ng ganiyan sa kaniya. Ano kayang nakain nito? At isa pa, oo mahilig ako sa ganito lalo na kapag nagbabasa ako ng mga nobela lalo na kapag historical fiction pero itong isang nabasa ko ang pinakanakakatawang nakakainis na sulat. P'wede naman niya akong tawagin dahil kay lapit lang namin sa isa't-isa. Isa siyang manggagawa sa aming sakahan pero narito ang sulat niya na inabot niya sa akin kanina. Hindi pa niya sinabi nang deretsohan noong kami'y nagkita.

Ako ay anak ng isang heneral na Amerikano. Si Papa ay hindi naman kalaban ng mga Pilipino, isa siyang dugong Amerikano ngunit isa siyang pusong Pilipino. Kaso may bad side si Papa, ayaw niya akong magkaroon ng relasyon sa mga katulad ni Julio na isang mahirap. Pero sabi naman ng iba, ang pagmamahal ay walang pinipiling posisyon mo sa buhay, basta kahit mahirap ka o mayaman, maaari kang magmahal at maaari kang mahalin.

At dahil nga ayaw ni Papa, ang relasyon namin ay aming itinago. Mahigit dalawang taon na rin itong tagong relasyon namin.

"Mahal."

Napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Laking tuwa ko nang makita si Julio na nakasuot ng simpleng damit lang habang nakangiti sa akin. Naandito kami ngayon sa aming tagpuan, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ngumiti ako sa kaniya at agad ko siyang niyakap nang makarating siya sa puwesto ko. "Julio, nagagalak akong makita kang muli."

"Ako rin, Raoina," anito sabay kumawala sa aming pagkakayakap sa isa't-isa. "May sasabihin ako sa iyo."Hinintay ko siyang magpatuloy. Umupo muna kami sa ilalim ng puno ng mangga na may roong latag. Nakangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Nahihibang na yata ako para sa iba pero pagmamahal lang ang tawag dito.

Ilang minuto pa ang nakalilipas ngunit hindi pa rin siya nagsasalita ni kumikibo. Kinabahan na ako dahil sa kaniyang pagiging tahimik. Kaya ako na ang nag-abalang magsalita. "Julio, mahal, ano ang-" Ngunit pinutol niya ang aking mga nais sabihin. "M-mahal na mahal kita. Mamahalin kita, m-matapos man ang walang hanggan." Hindi ko alam kung kikiligin ako sa pinagsasabi niyang iyon. Ngumiti siya nang nakakaloko at sinabing, "Iyon na... oo, 'yon na ang sasabihin ko."

Kumurba na parang arko ang aking kanang kilay dahil sa pagkadismaya. Napatayo ako dahil sa inis at tumalikod, sabay umastang aalis ngunit napatigil nang nagsalita siyang muli. "Hindi ka ba mamumula at ako'y hahampasin dahil sa mga paruparong kumikiliti sa iyong tiyan? Hindi ko ba makikita at maririnig ang iyong halakhak na parang isang musika? Mahal, ako'y nagbibiro lang, nais ko lamang makita ang napakatamis na guhit sa iyong mga labi at marinig din ang iyong pagsasabing ako'y iyong iniirog din."

Hindi ko alam kung ano ang aking nais sambitin ngunit napangiti na lamang ako at niyakap siya.

Ikaw ang aking kahinaan at kalakasan, Julio.

Untology [Stories]Where stories live. Discover now