11. Pyscho

67 11 0
                                        

Biglang tumindig ang mga balahibo ko. Ang tibok ng puso ko ay mas mabilis pa kaysa sa takbo ng kotse o anong sasakyan. Napahawak ako sa aking mga labi na nangangatal at gumagawa ng ingay kaya para hindi makagawa ay tinabunan ko ito gamit ang aking nanginginig na mga kamay.

Kinakabahan ako dahil sa nakikita ko ngayon. Natatakot at hindi mapatali. Kita ko ngayon ang isang lalaking may dala-dalang palakol at pinagtataga ang ulo ng isang tao doon sa may pwesto niya. Purong dugo ang buong paligid nila dahil sa kaniyang ginagawa. Nakasuot siya ng parang kay Kamatayan dinagdagan pa ng palakol niya na may mahabang hawakan.

Paatras nang paatras ang aking mga paa at pinipilit kong huwag gumawa ng kung ano-anong ingay dahil baka makita niya ako.

Nanginginig ang buo kong katawan at nang makailang hakbang na ako papalayo ay dali-dali akong tumakbo ngunit...

Napasigaw ako dahil may tumakid sa akin. Napapikit ako habang bumabagsak ang aking katawan. Malalim ang aking paghinga.

Nang nagmulat ako ay laking gulat ko na ang lalaking nasa harapan ko habang ako'y nakahiga ay ang lalaking may kapang katulad kay Kamatayan. Dahil sa takot ay pinili kong sumigaw ngunit sa kalagitnaan ng aking pagsigaw ay...

Pinili kong sumigaw ngunit gamit ang kaniyang palakol ay bigla niya akong tinaga sa aking ulo.

—ysaqurens

Untology [Stories]Where stories live. Discover now