Pangalawang Magulang

101 3 8
                                    

***

Isang propesyong hindi matatawaran

Ng kahit na anong klaseng kayamanan

Humuhubog sa ating murang isipan

Nang sa gano'y maging pag-asa ng bayan

-

Sa bawat pagpasok sa silid-aralan

Salita n'ya'y iyong pakatatandaan

Sapagkat bawat leksyong binibitiwan

Katumbas nito'y ating kinabukasan

-

Oras at panaho'y kanyang inialay

Upang kabataa'y di maging pasaway

Ito ay kanyang masusing sinasanay

At tinuturuan n'ya ng buong husay

-

Mga taong matataas sa lipunan

Na tinitingala mo't hinahangaan

Ang mga naiambag nila sa bayan

S'ya ang ugat ng kanilang katanyagan

-

Kaya dapat natin s'yang pahalagahan

At purihin sa kanyang kadakilaan

Magpasalamat sa kanyang kagalingan

Na siyang susi ng mga kabataan

***

Kumawala sa TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon