***
Kung iyong mapagmamasdan
Mundo ay makabuhan
Buhay ay walang batayan
Lahat ay may hahantungan
-
Tao ang may kagagawan
Sa kanyang kapaligiran
Kung ito ma'y madungisan
Ito'y kanyang kasalanan
-
Inosenteng kalikasan
Na ubod ng kagandahan
Inagaw ang kalayaan
Inilagay sa kulungan
-
Tumingin sa kalangitan
Dati ay kapayapaan
At banayad matiyagan
Ngunit ngayo'y kaguluhan
-
Kalupaa'y obserbahan
At iyong matutuklasan
Dati rati'y kalawakan
Ngayon ay nagsisiksikan
-
Tanawin ang kabundukan
Dati rati ay luntian
At malagong kagubatan
Ngayon ay kinakalbuhan
-
Sisirin ang karagatan
At iyong masasaksihan
Dati rating kalinisan
Nagmistulang basurahan
-
Meron nga bang kaunlaran
Sa ating kinabukasan
Kung di mapangalagaan
Ng wasto ang ating bayan?
***