Hayaan Dumaloy Ang Aking Luha

16 0 0
                                    

***

Tulad ng isang matamis na pagngiti

Pagdaloy ng luha ay nakakahawa

Kaya abot langit ang aking pagtimpi

Sa pagpigil ng luhang gustong lumaya

-

Nang binutasan ang iyong lalamunan

Puso nami'y tila sinaksak ng biglaan

At nang katagang kanser ay bumulaga

Daig pa natin ang nilamon ng lupa

-

Ngunit habang may buhay ay may pag-asa

Kaya ang hapdi ng lungkot ay aking nilunok

At pagmamahal sayo'y pinatamasa

Pagkat daig ng gawa ang gabundok na luha

-

Kaya Papa, ngayong pagpanaw mo ako'y hayaan nawa

Na ibuhos ang luha na matagal nang nagpupumiglas kumawala

Hayaang dumaloy ang aking luha

Nang mahugasan sana ang puso ko sa kalungkutang nilikha ng iyong pagkawala

***

Kumawala sa TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon