Kamatayan

558 8 5
                                    

***

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Mabilisang umikot orasang ito

Di kanaisnais na bagay sa mundo

Lahat nito sa buhay ko'y gumugulo

-

Bawat tagatak ng aking mga pawis

Pagod sa katawa'y agad inaalis

Ngunit ang aking luhang tumatagistis

Sa aking mukha ay di maalis-alis

-

Iniisip ko kung anong mangyayari

Sa oras at araw na ako'y masawi

Mayroon kayang taong magpipighati?

Sa bangkay kong kalungkuta'y tumatali

-

Aking katawa'y malapit nang mabihag

Ni kamatayang sa pagpili ay bulag

Ngunit sa pagpanaw di ako lalabag

Dahil alam kong ang Diyos ay may habag

***

Kumawala sa TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon