sarO

38 0 0
                                    

***

Kung kaya ko lang ibalik ang lahat

Ng mga letrang matagal nang naisulat

Buburahin ko ang mga luhang kumalat

At ililipat sakin ang nagawang sugat

-

Kung kaya ko lang isauli ang ngayon

At gawing kasalukuyan ang noon

Dudukutin ko ang bumaong sakit

At isasaksak ko sa aking dibdib

-

Kung kaya ko lang baliktarin ang buhos ng ulan

At gawing init ang lamig na iyong naramdaman

Noong panahong ika'y kanyang sinaktan

Hindi mo sana iyon naranasan

-

Kung kaya ko lang ibalik ang tiwala

Na walang habas n'yang sinira

Di sana nasayang at nawala

Ang mga kasiyahang nalikha

-

Kung kaya ko lang iguhit uli

Ang mga ngiting namutawi

Sayong mapupulang labi

Ngayon sana'y iibig kang muli

-

Kung kaya ko lang pakinangin ulit

Ang ningning ng iyong matang marikit

Di mo sana mararamdamang masakit

Sa tuwing sya ay iyong binabanggit

-

Kung magawa ko lang sanang mabango

Ang kanyang mga nagawa sayo

Kaso lang di ko na mabago

Ang naging dulot nya sa buhay mo

-

Alam kong huli na ang lahat

At mga salita ko'y hindi sasapat

Kahit nga siguro itong tulang sinulat

Sa panlasa mo'y asukal na maalat

-

Ngunit kung magkagayon pa man

Hayaan mong sabihin ko sayo ng marahan

"May kaibigan, pamilya at pangarap ka pa,

Walang wala sya kung ikukumpara!"

***

Kumawala sa TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon