***
Nangangarap akong ika'y nasa aking bisig
Araw-araw sinasabi ko sa aking bibig
Ang aking tunay at walang hanggang pag-ibig
Na iaalay sayo ng tapat at sigasig
-
Ngunit sino ang makikinig sa aking dila
Pati nga katagang pinaghirapang itula
Nakalutang sa hangin at nagkakandawala
Iyan pa kayang manligaw sayo't magsalita?
-
Dahil na rin sa importanteng kadahilanan
Na baka sa pagtatapat ko'y iyong iwasan
Hanggang sa tuluyang mawala't ipagtabuyan
Ang pag-ibig ko sayo kaya kinakabahan
-
Ang aking pagtatapat ay hindi nga nangyari
Ako'y hindi nagtiwala sa aking sarili
Ang pag-aalinlangan sa puso ko'y naghari
Kaya aking pagdurusay di mapawi-pawi
-
Mula noon ang buhay ko na'y sumasagadsad
Sa lupa na may talim ng batong lumaladlad
Ng puso kong sa sobrang sakit ay lumiliyad
Kaya nagsising pag-ibig ko'y di nilantad
***