Chapter 19
Tammy's POV
Nagising ako na nakahiga na sa kama ko. Panaginip lang ba ang lahat ng yun? Hanggang sa panaginip ko na lang ba talaga maipaglalaban si Patrick? Pumikit ako at huminga ng malalim. Kahit anong gawin ko, hindi siya maalis sa puso ko. Oras-oras, kahit alam kong may mahal na siyang iba. Yung puso ko, nanatili pa rin sa kanya. Kahit nakalimutan niya ako, hindi naman siya nawala sa isip ko.
Nabalik ako sa realidad ng may kumatok sa pintuan ko. Si Francis.
Ngumiti siya sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Sinuklian ko din siya ng ngiti at umupo din.
"Tammy.."
Napatingin ako ng magsalita siya.
"H-ha?"
"Napakatapang mo.."
Nakatingin lang siya sa baba. Nakita ko siyang ngumiti, nakita kong may lungkot sa mga mata niya.
"A-anong ibig mong sabihin? Anong napakatapang ko?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Wala. Pwede ba kitang mayayang lumabas?"
Lumabas? Gustuhin ko man parang hindi ko kaya.
"P-pwede bang next time na lang?"
"Hindi eh. Ngayon na dapat."
"Eh? Saan ba tayo pupunta?"
Huminga siya malalim at ngumiti.
"Please Tammy? Kahit ngayon lang.."
Tumingin siya sa mata ko. Yung mata niya parang nangungusap. Nagmamakaawa. Nagsusumamo na sana pumayag ako. Umiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng konsensiya. Tumango na lang ako dahan-dahan.
Ilang oras lang ay lumabas kami ng bahay. Pumunta kami sa hindi kalayuang mall. Una namin pinuntahan ang ice cream parlor. Napabuntong-hininga nanaman ako. Naalala ko nanaman siya. Panaginip lang ba talaga yun?
Umupo si Francis sa upuan na nasa tapat ko at binigay sa akin ang ice cream na mango flavor.
"Ang taas naman ng lipad ng iniisip mo Miss."
Ngumiti ako at napatawa ng konti. Nakakahawa kasi yung ngiti niya. Nakakagaan ng loob.
"Thank you Francis ha?"
"Saan?"
"Kasi lagi kang nandyan, kahit na hindi ko nasusuklian yung kabaitan na ipinapakita mo sa akin. Salamat talaga."
"Isang ngiti mo lang, bayad na lahat ng kabaitan na ipinakita ko sayo."
Kumindat pa siya kaya napatawa ako ulit. Kahit kailan talaga itong lalaking to hindi nauubusan ng banat.
Natapos kaming kumain. Pumunta kami sa blue magic. Binilhan niya ako ng stitch na babae. May partner na yung stitch na binigay sa akin ni Patrick. Hays. Tammy. Patrick nanaman...
"Tammy."
Nabawi ni Francis ang atensyon ko ng iniharap niya sa akin ang librong paborito kong binabasa. Ngumiti ako at kinuha iyon. Nasa NBS na kami ngayon.
"Tammy.."
Muli siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.
"Hmm?"
BINABASA MO ANG
Feelings Back (JulNiel) [Part 2]
Fanfiction"Patrick, kahit anong mangyari hindi ako susuko sayo, at kahit ano pang pagsubok, hihintayin kita.." - Tammy