Chapter 20 - Their Love

304 17 6
                                    

Chapter 20


Patrick's POV


"Aasahan ko yan Patrick Rivero."


Huminga ako ng malalim. Paano ko ba 'to sisimulan? Ano bang gagawin ko? Hindi ko alam kung saan magu-umpisa. At lalong hindi ko alam kung ano ang kalalabasan.


"Patrick. Bumaba ka na dyan at late na kayo!"


Sigaw ni Mama galing sa baba. Tumayo na ako galing sa pagkakahiga mula sa kama at bumaba na para kumain ng almusal. Nadatnan ko dun sila Mama, andun na rin si Francis. Tinabihan ko siya. Halata sa mga mata niya na hindi siya nakatulog ng maayos.


"Dalian niyong kumain at late na kayo."


Tumango na lang ako at inumpisahan ko nang kumain. Ilang minuto lang ay natapos nang kumain si Francis, tumayo na siya at pumunta sa kwarto niya para mag-ayos.


"Patrick, nak. Pwede bang magtanong?"


Napatingin ako kay Mama at tumango.


"Nag-away ba kayo ng pinsan mo?"


"Hindi po, Ma. Sige po, mauna na rin ako."


Tumango na lang si Mama. Naramdaman niya sigurong ayokong pag-usapan yun. Umakyat na ako para makapag-ayos na rin.





Naglalakad ako patungo sa classroom namin. Handa na ba ako? Handa na ba akong harapin si Tammy? Ano sasabihin ko? Anong mukhang ihaharap ko pagkatapos ko siyang saktan. Alam kong hindi ko sinasadya na saktan siya dahil wala naman akong alam sa nakaraan namin. Hays. Pupunta muna ako sa rooftop.


Umuwi ako sa gilid at sumandal muna sa pader. Ipinikit ko ang mga mata ko at muling inalala ang nangyari...


Hinihingal akong bumalik sa rooftop, shit! Naiwan ko si Tammy! Nagulat kasi ako nung sabihin sa akin na nahimatay si Ella. Dinala ko lang siya sa clinic at agad bumalik kay Tammy. Pero pagbalik ko dun wala na siya. Pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila.


"Oh iho!"


Gulat na bungad sa akin ng Mama ni Tammy nung pumunta ako sa kanila.


"Si Tammy po?"


"Nakatulog na eh. Gusto mo bang gisingin ko?"


"Wag na po. Babalik na lang ako bukas."


"Sige. Ingat sa pag-uwi ha?"


Tumango ako at tatalikod na sana ng magsalita ulit si Tita.

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon