Chapter 15 - Hidden Feelings

456 22 6
                                    

Chapter 15

Tammy's POV

"Here" sabay abot sakin ni Francis ng softdrinks na binili niya para sakin.

"Thanks" ngumiti ako sakanya tsaka inabot yung softdrinks.

It's been 2 days nung mapunta ako sa clinic. Sa 2 days na yun. Para akong nawalan ng isang best friend. Si Ella.

Si Ella. Alam kong unti-unti nang nagbabago ang pakikitungo niya sakin. Nararamdaman ko, nararamdaman kong inilalayo niya sakin si Patrick. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na may maganda siyang plano para saamin ni Patrick. At umaasa ako na ganun nga. Kahit alam kong kakaiba siya kahapon.

Flashback

"Ella, best, samahan mo nga ako oh? May kukunin lang sana ako sa library, kung ayos lang sayo?" Nagpapasama ako kay Ella. Nakalimutan ko kasi yung isang librong hiniram ko.

"Tams, sorry ha? May pupuntahan pa kasi kami ni Patrick eh" iniiwas niyang tignan ang mga mata ko. Sino yung kasama niya? SI Patrick?

"E-Ella? Si-sino yung kasama mo?" umaasa ako na mali yung rinig ko or ibang Patrick ang tinutukoy niya.

"Si Patrick"

"San kayo pupunta?" Ella. Please, kung may plano ka, sabihin mo nalang. Ayoko nang maghinala sayo.

"Tams, I'm sorry. I really need to go. Nag-text na si Patrick eh" pag-papaalam ni Ella sakin. Parang naubusan na ako ng sasabihin. Tumango nalang ako kahit labag sa kalooban ko. Gusto kong tanungin kong ano ba ang plano niya? Kung ano ba nasa isip niya ngayon? Gusto ko magtiwala na hindi ako sasaktan ni Ella. Hindi ako sasaktan ng BEST FRIEND KO.

Bago siya lumabas ng room ay may sinabi pa siya sakin.

"I'm sorry Tams. Alam ko maiintindihan mo din ako balang araw"

Napalingon ako sakanya. Ngumiti lang siya ng malungkot at tinalikuran na ako.

Ella? Maiintindihan ba kita dahil para samin yun? O kailangan kitang intidihan dahil PARA SA KAPAKANAN MO YUN?

End of Flashback

"Tammy. Halika na. Kanina pa tumutunog yung bell" 

Nabalik lang ako sa realidad nang magsalita si Francis.

"Ha? Sige. Tara na."

Tumayo na ako. Naglakad kami papunta sa room. About samin ni Francis. Masaya ako at nakuntento nalang siya sa pagiging magkaibigan namin. Hindi parin niya alam na yung pinsan niya ang lalaking tinutukoy ko sakanya.

"Tammy"

Pag-basag ni Francis sa katahimikan namin.

"Ano yun?" lumingon siya sakin. Nginitian ko siya.

"May napapansin ka ba kila Ella at Patrick?"

Nagulat ako sa tinanong ni Francis. Hindi ko inaasahan na iyon ang tatanungin niya sakin iyon.

"Ahm. Wala naman, bakit may napapansin ka ba sakanila?"

"Huh? Haha. Nevermind. Wala naman, natanong ko lang" nakangiting sagot niya sakin.

Pumasok na kami sa loob ng classroom. Nakita ko ang barkada na nagkwe-kwentuhan.

Wala nanaman sila.

Wala nanaman si Ella at Patrick.

"Taaaaaaaaammmmyy!" salubong ni Britney sakin sabay yakap sakin, yumakap ako pabalik sakanya.

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon