Chapter 22 - Past

98 7 1
                                    

Tammy's POV

"Bakit mo ginawa yun?!" 

Hindi ko pa rin mapigilan ang mga hikbi ko. Masakit sa akin. Ang iwan si Patrick, ang iwan siya ulit, para akong dinudurog. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na wala siya. Pero hindi ko rin kaya na may taong nasasaktan dahil sa pagmamahalan namin dalawa. He deserves someone better. Someone who will fight for him.

"Tammy! Sorry for the word ha? Pero ang tanga mo! Nagsakripisyo ka para kay Ella? The fuck, Tams! Ano ka santa? Utang na loob. Ang dami mo na sinakripisyo para sa babaeng yun pero wala siyang isinusukli. Di kita maintindihan. Hindi katapangan yang ginawa mo, katangahan yan!"

Sa sobrang inis niya sa akin ay umalis siya. Alam ko, alam ko katangahan ginawa ko. Pero hindi na alam kung ano ang tama sa maling desisyon. Ang alam ko lang, kung buhay na ang nakasalalay, hindi na kakayanin ng konsensya ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit pinipigilan ang mga hikbing gustong kumawala. I'm sorry, Patrick. I'm really sorry.


Patrick's POV

"Anak, kain ka na."

Nilapag ni Mama sa aking harapan ang umagahan na hinanda niya para sa akin. Tinignan ko lamang ito habang may luha tumulo galing sa aking mata. Bakit ganun? Bakit ang bilis niya akong bitawan? Bakit hindi niya ako pinaglaban? Akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit ganito? Bakit mas pinili niyang masaktan kaming dalawa? Ang sabi niya ayaw niyang magkasakitan ako, hindi ba niya alam na mas nasasaktan ako. 

Si Tammy lang ang kailangan ko. Siya lang ang kailangan ko para maging masaya. Pero ipinagkait niya iyon sa akin. Ipinagkait niya sa aming dalawa iyon. Hindi ko siya sinisisi na naging matimbang ang pagkakaibigan nila ni Ella. Pero kailangan bang mawala ako sa buhay niya? Kailangan ba talaga niya akong iwan?

"Patrick, nabigla lang si Tammy. Don't worry too much. Sa tingin mo ba ikasasaya niya pag nalaman niyang ganyan ka?"

Ngumiti ako ng peke at pinunasan ang mga luha ko. 

"Ma, sa palagay mo ba inisip niya kung ikasasaya ko yung desisyon niyang iwan ako? Diba hindi? Hindi niya ako inisip. Hindi niya inisip yung mararamdaman ko. Ano 'to? Karma ba 'to sa lahat ng sakit at luha na binigay ko sa kanya? Kasi kung oo, handa akong maramdaman lahat ng 'to makasama lang siya."

Sa pagbitaw ko sa huling salita ay hindi ko na kinaya. Niyakap ako ni Mama na parang isang batang nadapa at umiiyak dahil sa sugat niya. Sugat hindi sa tuhod. Sugat sa puso.



Tammy's POV

"Okay na si Ella. Nagising siya kanina. Okay na ulit breathing niya. Maraming salamat, Tammy ha?" 

Tumango ako at ngumiti ng tipid kay Tita. Nasa labas ako ng kwarto ni Ella. She's still my best friend. Kaya siguro hindi maatim ng puso at konsensya ko na maging masaya kung alam kong may nahihirapan lalo na at best friend ko pa.

"Tita, mauna na po pala muna ako. May pasok pa po kasi ako."

Tumango si Tita Min at nagpaalam na sa akin. Papasok kaya si Patrick? Anong gagawin ko pag nakita ko siya? May mukha pa kaya akong ihaharap sa kanya? 

Maingay ang klase nang pumasok ako sa silid-aralan, lahat sila may kanya-kanyang mundo. Ang barkada ay hindi man lang ako pinansin, hindi sila sang-ayon sa naging desisyon ko na makipaghiwalay kay Patrick. Si Britney ay hindi rin ako kinibo. Nanatili lang akong tahimik na nakaupo. Ano bang nagawa ko para maging ganito kagulo ang buhay ko?

"Tammy, may naghahanap sayo." Napatingin ako sa kaklase ko, naagaw din niya ang atensyon ng barkada ko na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"Sino daw?"

"Yung dati nating classmate! Si Michelle."

Nagkatinginan kaming magbabarkada. Anong ginagawa ni Michelle dito? Bakit niya ako gustong makausap? Muli nanaman nabuhay ang galit sa puso ko, kahit ilang buwan na ang nakalipas ay hindi ko pa siya tuluyan na napapatawad.


"Anong kailangan mo?"

Ganun pa rin ang itsura niya. Walang pinagbago. Kami lang ba talaga ni Patrick ang nagbago? Nakatingin siya sa akin na parang wala siyang nagawang kasalanan. Umirap pa siya at tumawa ng mapait.

"Matapang ka na ngayon, Tammy? Pero tiklop ka pa rin naman sa pagmamahalan niyo ni Patrick. Wala kang pinagbago. Duwag ka pa rin. I heard what happened between you and Ella. Nag-iisip ka ba? O hanggang ngayon tanga ka pa rin? Binitawan mo si Patrick para kay Ella. Bakit? Kasi best friend mo siya? The heck, Tammiella! Hindi ko pa rin maisip kung bakit ikaw pa ang minahal ni Patrick!" Kahit nababalot ng luha ang paningin ko ay ramdam ko pa rin ang sakit ng mga sinasabi ni Michelle, hindi dahil galing sa bibig niya kundi dahil totoo. Pero, hindi niya alam kung gaano 'to kahirap sa akin kaya wala siyang karapatan na sabihan ako ng ganun.

"Wag kang magsasalita na parang alam mo ang nararamdaman ko!" 

"Shut up, Tammy! Alam ko! Dahil pinagdaanan ko yung pinagdaanan ni Ella! Nakalimutan mo na ata kung anong meron sa amin ni Patrick noon! We're best friends, Tammy! Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at may pinili niya yung pagmamahalan niyo! Well, maybe kasi mahal ka talaga niya! Mahal na mahal ka niya na lahat kaya niyang limutin para sayo! Ganun magmahal si Patrick, Tammy! Kaya nga ang swerte mo eh! Ang swerte swerte mo! Kaya sana mag-isip ka naman ng mabuti! Deserve ni Patrick na mahalin siya ng tulad sa pagmamahal niya! Lumayo ako, lumayo ako para sa inyo, para sa ikasasaya niya! Kasi ikaw yung nagpapasaya sa kanya, at alam kong kaya mong suklian yung pagmamahal na binibigay ni Patrick pero nagkamali ako! Sarili mo lang iniisip mo! Alam mo? Sana. Sana makahanap ni Patrick ng iba para marealize mo kung ano yung sinayang mo!"  

Durog na ako. Mas nadurog pa ako ngayon. Bakit ang sakit ng mga sinabi niya? Ang sakit dahil totoo! Naging selfish ba talaga ako? Do I still deserve Patrick? Do I still deserve his love? If yes, then please give me a sign.

"If you really love him, you should not let him go. That's the most bullshit thing, Tammy. I let go of him because I really love him but he really loves you. Yun ang pinagkaiba natin, Tammy. Wala akong nakikita na dahil o rason para iwan mo siya. Kung dahil lang kay Ella? Hindi pagmamahal yung ginagawa mo, pananakit yan. Sinasaktan mo siya."

Tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Nalilito ako. Naguguluhan. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi ko kayang wala si Patrick. Hindi ko siya kayang makita na may minamahal na iba. Pero paano si Ella?

"If Ella really loves Patrick, she should let him go. And you, you should stay with him no matter what happens because that's all he wants. Sana naliwanagan ka. "

Umalis si Michelle. Iniwan niya akong gulong-gulo ang pag-iisip. Mababaw ko pa ba ang mga desisyon ko? Tatanggapin pa rin ba ako ni Patrick? Si Ella, maiintindihan na kaya niya? 

"Baby girl..."

Pagkarinig ko sa boses na iyon, buo na ang aking desisyon.

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon