Chapter 13 - Confession

472 19 6
                                    

Chapter 13

Patrick's POV

KAHAPON..

KAHAPON ang  PINAKAMASAYA at PINAKAMALUNGKOT na pangyayari sa buhay ko..

Pinakamasaya dahil naipahiwatig ko kay Tammy ang tunay kong nararamdaman kahit na hindi niya yun pansin..

Pinakamalungkot dahil yun na ang huling araw na hahayaan kong mahulog ako kay Tammy, dahil pagkatapos nun, kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para saknya, ipapaubaya ko na siya kay Francis, kung kailangan kong iwasan siya gagawin ko, kahit pa mahalata niya...

"Mr. Patrick Rivero" tawag ni Mam Beltran sakin, makikita mo sakanya ang istriktong mukha, alam kong galit ito dahil sa nangyari kahapon, PASENSYA na MAM, AYAW KO LANG SAYANGIN YUNG ORAS..

"Yesterday, sabi ko sainyo ni Tammy, magwalis kayo, hindi mag-date, if something happens bad sainyong dalawa kargo yun ng school" sermon ni Mam sakin, pero halata mo parin ang concern sa mukha niya..

"I'm sorry Mam, wala ho kasalanan si Tammy dito, pinilit ko lang po siyang sumama sakin"

"Well, because wala kayo kahapon, kayo na ang PARTNERS para sa activity mamaya, magpraktis na kayo ngayon para maayos yung presentation niyo"

WHAT THE!? DAMN. PARTNERS?! KAMI NI TAMMY?! INIIWASAN KO NGA SIYA DIBA? SHIT NAMAN TO OH!

"B-But Mam---"

"No more 'BUTS' Rivero, tsaka what's the problem? Komportable naman kayo sa isa't isa, I'm sure magagawa niyo yun ng maayos, pero magpraktis parin kayo, PRACTICE MAKES PERFECT"

"Pe-Pero Mam--" Aangal pa sana ako pero pinutol na ni Mam yung sasabihin ko..

"Try to complain. Tammy will be punished" AISH! GRABE NAMAN!? Si Tammy talaga kahinaan ko.

"Ano po ba gagawin?"

"Sabi ko na nga ba 'The weakness of a man is the woman he LOVES' HAHA! Kakanta lang naman kayo" Ano daw?! 'THE WEAKNESS OF A MAN IS THE WOMAN HE LOVES' ?

"Ano pong kakantahin?"

"Anything Mr. Rivero, sad songs"

"Okay Mam"

Umalis na si Mam, ako naman naiwan na nag-iisa, AYOS! SAD SONG pa talaga!

"Payatot"

Napatayo ako nung narinig ko yung boses niya, napansin kong medyo matamlay siya, pero natutuwa ako na nagbalik na siya, kahit papaano nag-alala din ako, syempre KAIBIGAN KO PARIN NAMAN SI ELLA..

Lumapit agad ako sakanya tsaka siya tinignan ng nakakaloko

"HAHAHA! Anong nangyari sayo baboy? Ba't pumayat ka?"

Namula nanaman yung pisngi niya, HAHAHAHAHA! Alam ko naiinis nanaman to.

"Shut up Patrick! Badtrip ka talaga!" bulyaw niya sakin tsaka pumunta sa upuan niya. Ang bilis niya atang mainis ngayon?

Magso-sorry na sana ako pero dumating na sina Britney..

Kasama si Tammy..

"HOMAYGASH ELLLAA! Ikaw na babae ka! San ka nanggaling ha?! Para kang bula na hindi nagparamdam! Tsaka bakit ang payat payat mo na?!" salubong ni Britney kay Ella..

Nag-ngitian lang kami ni Tammy, pero parang may invisible wall sa pagitan namin..

"Tammy" tawag ni Ella kay Tammy kaya naagaw niya yung atensyon ni Tammy

Lumapit naman si Ella kay Tammy tsaka niya ito niyakap, napangiti nalang ako. Nakakatuwa na may best friend si Tammy na katulad ni Ella at Britney na HINDI SIYA SASAKTAN.

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon