Chapter 16 - New Her

391 20 6
                                    

Chapter 16

Tammy's POV

"Tammy.."

Napatingin nalang ako sa tumawag. Si Patrick.

"Patrick..."

Magda-dalawang linggo nang wala si Ella. Pero sa dalawang linggong yun. Mas lalong napapalayo ang loob ni Patrick sakin. Ramdam kong nilalayuan niya ako. Alam ko, may mali na sa relasyon namin.

"Kamusta ka na?"

Umiwas ako ng tingin at napangiti nalang ng malungkot. Ano sa palagay mo Patrick? Yung taong gusto mong kasama buong buhay mo, yung taong handa mong hintayin kahit gaano pa katagal, yung taong mahal na mahal mo, yung taong mahal mo na may mahal nang iba, umiiwas sayo. Ano kaya ang pakiramdam Patrick?

"O-okay lang.."

Ngumiti ako ng peke. Heto nanaman ako. Titiisin ang sakit at lungkot, makasama ka lang. Yumuko siya at napangiti ng malungkot. Bakit ka nalulungkot Pat? Namimiss mo ba si Ella. Pwede bang ako nalang ulit ang makita mo? Yung ako lang yung nakikita ng mata mo, yung sakin lang ang atensyon mo, at higit sa lahat. Yung ako lang yung mahal mo...

"Tammy... alam mo bang miss na miss ko na siya.."

"Si-sino?

"Yung babaeng mahal ko. Namimiss ko na siya. Sobra. Para na akong mamatay. Namimiss ko na yung tawanan namin. Yung ngiti niya. Hinahanap hanap ng tenga ko yung masaya niyang tawa, yung pagtanong niya kung kamusta na ako. At higit sa lahat. SIYA. SIYA MISMO NAMIMISS KO NA"

Yumuko nalang ako upang itago ang mga nagbabadyang luha ko. Masakit. Oo. Sobra. Sobra pa sa sobra. Hinahanap niya si Ella. Hindi na ako. Kasi nga, nakaraan nalang niya ako. Wala na ako sa alaala niya, wala na din ako sa puso niya..

"Babalik naman siya eh"

Nginitian ko nalang siya na parang wala akong sakit na nararamdaman. Ngumiti siya ng malungkot at bumuntong hininga.

"Sana nga.. Sana.."

"Ano ka ba! Di ka iiwan nun. Ikaw pa. The best ka kaya."

"The best? Di rin. Hahaha. Sige Tammy. Alis na ako."

Tumayo na siya at naglakad palayo. Habang nakikita ko siya palayo sakin, naramdaman ko na rin ang mga luha kong unit-unti nang tumutulo.

Ayaw ko mawala ka sakin Patrick.. Ayoko..


- - - - - - -

"Tammy!"

"Oh Britney, may kailangan ka?"

"Babalik na daw si Ella!"

"Talaga? Buti naman."

"Eh, kamusta ka naman? Babalik na siya. Pano kayo ni Patrick?"

Ngumiti ako ng malungkot. Kahit naman wala si Ella. Di na maibabalik yung pagmamahal ni Patrick sakin.

Ilang sandali lang ay dumating ang barkada. Nakita ko si Patrick na may kausap sa cellphone niya, maaring si Ella ang kausap niya. Ganun naman eh. Sa loob ng dalawang linggo, wala nga si Ella, magkausap naman sila lagi.

"Tams. Balak namin pumunta ng mall mamaya, sama ka?" Tanong ni Jason sakin, ngumiti nalang ako sakanya at tumango.

"Ikaw bro? Sama ka?" baling naman niya kay Patrick na ngayon ay katatapos lang makipag-usap sa cellphone niya.

"Hindi na bro. Pupuntahan ko pa si Ella, kadadating lang niya eh.." nagaalinlangang sagot niya.

"Bakit bro? Obligasyon mo ba yun?" matapang na tanong ni Francis, ngumisi ang barkada na parang natuwa sa sinabi ni Francis.

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon