Chapter 5
Patrick's POV
"Moving on doesn't mean you forget about things. It just means you have to accept what happened and continue living"
Paulit-ulit ko nang binibigkas yang quote na yan.
Moving On...
Kaya ko ba?
Araw-araw ko siya nakikita, kaya ko ba?
Tuwing kakausapin niya ako, mas lalo akong nahuhulog sakanya...
Ang hirap mag-pretend na hindi mo siya gusto, ang hirap ipakitang may iba kang gusto kasi alam mo na siya lang ang gusto mo...
Haaay.. Baliw ko kasi, bakit yun ang sinabi ko..
Gandang palusot na sabihin sakanya na yung best friend niya ang gusto ko, tsk! Pero SIYA naman talaga ang gusto ko. Bakit ba kasi ang tanga ko? Pero ok na rin yun, at least nalaman ko na wala talaga siyang gusto sakin..
NA KAYA NIYANG IPAMIGAY AKO SA IBA..
FLASHBACK
Excited akong pumasok. Makikita ko nanaman siya! Ang babaeng pinapangarap ko! HAHA! Nababaliw na ata talaga ako..
"Hi Patrick!"
"Hi Kuya! Gwapo mo po"
"Kuya miss na namin ang TAMRICK!"
TamRick? Tammy at Patrick?!
Haha! San nila nakuha yun? Pero at least natutuwa ako, may fans pala kami!
Puro mga bati ang nakuha ko, haay -.-
May mga nagsasabi pa nga na buti daw at okay na ako..
Tss! Di naman ako nagkasakit or what! Mga tao talaga!
Basta ang alam ko, nagising ako sa hospital at pag-gising ko, isang napaka-gandang nilalang ang nakita ko. Parang anghel nga. Akala ko nasa langit na ako!
Dun ko siya nakilala
Sabi niya siya daw yung kaibigan ko!
Binibisita niya lang daw ako kasi daw nahulog ako sa hagdan kaya napunta ako ng hospital, malakas daw yung pagkabagsak ko.
Tss! Ang shunga ko pala noon!
Oh well!
Nakita ko na siya...
Ang babaeng GUSTONG-GUSTO KO...
Pero umiiyak sila na tumatawa? Weird naman!
Tss! Eto talagang best friend niya. Baka mahawa pa siya sa kabaliwan ng best friend niya!
"Parang kayong baliw! Tumatawa pero umiiyak! Weird" singit ko. Nasa likod ako ng babaeng pinapangarap ko..
Tinignan naman ako ng best friend niya, nakita kong tinignan niya ang babaeng gusto ko habang naka-evil smile. Problema neto?
"Ano ba paki mo ha Patrick? Kung hindi dahil sayo, hindi namin kami magiging ganito ni Tams eh!" pang-aasar na sagot ng best friend niya..
WOW ha?! Ako ang may kasalanan? Kadarating ko nga lang eh.
"Ha?! Miss kapal din ah! Kadarating ko lang eh! Tapos ako sisisihin mo? WOW!" sagot ko naman sakanya.
"Whatever! duh!" sagot naman ng best friend niya. Tss, Nawe-weirduhan talga ako dito sa best friend niya. Paiba-iba ng mood!
"Tss! Layuan mo nga si Tammy! Baka mahawa pa siya sayo!" sagot ko naman sakanya, sabay hila ko sa kamay ni Tammy.. OO TAMA KAYO NG NABASA. SI TAMMY ANG BABAENG PINAPANGARAP KO..

BINABASA MO ANG
Feelings Back (JulNiel) [Part 2]
Fanfic"Patrick, kahit anong mangyari hindi ako susuko sayo, at kahit ano pang pagsubok, hihintayin kita.." - Tammy