Chapter 21- Best Friend

176 7 2
                                    


Chapter 21

Tammy's POV

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Patrick here with me again. Sobrang saya lang sa pakiramdam na yung taong akala ko mawawala na sa akin ay nandito ngayon sa tabi ko

"Baby girl..."

Napatingin ako kay Patrick nang magsalita siya, agad siyang ngumiti at hinalikan ang pisngi ko. He's really my Patrick. Yung Patrick ko na makulit at sweet, Patrick na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko din.

Nandito kami ngayon sa park. Namiss niya daw ako kaya nagyaya siya ng date, bakit pa ako tatanggi? Boyfriend ko maman siya at girlfriend niya ako. Bago nga niya ako idate, kila Mama muna siya nagpaalam.

"Baby girl, wag ka magseselos ha?"

Napakunot-noo naman ako. Ha? Anong magseselos? May kalokohan ba siyang ginawa? Naku, Patrick. Pag ikaw nangbabae, lagot ka sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Parang ang tagal ko na kasing hindi nakikita si Ella. Medyo nakonsensiya din ako kasi sa huli namin pagkikita nasigawan ko siya, kahit naman ginawa niya yung mga yun kahit papano naging kaibigan ko din siya."

Napangiti naman ako. Napakabait na tao talaga ng baby boy ko.

"Ano ka ba, hindi ako magseselos. Kahit na ginawa niya yun, best friend ko pa rin naman siya, kahit na kinalimutan niya ako bilang best friend niya. Na kahit sa kabila ng pagiging best friend namin mas pinili niyang traydurin ako. Siguro nga ganun ka lang talaga niya kamahal. Na kahit ako na best friend niya nagawa niyang talikuran."

Napayuko naman si Patrick. Tinaas ko ang ulo niya upang magkatinginan kami.

"Sorry. Sorry dahil sa akin nasira ang friendship niyo. Sorry kung ginamit ko siya. Sorry kung naging manhid ako."

Umiling ako.

"Patrick, pare-parehas lang tayong naging manhid sa mga damdamin natin. Parehas lang tayong nagkamali sa mga desisyon natin. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang friendship namin ni Ella, okay? Kaming dalawa ang may kasalanan nun. Pinabayaan namin. Hindi kami naging tapat sa isa't isa kaya nawalan na din kami ng tiwala sa isa't isa. Isa pa, thankful ako na minahal ka din niya, kasi kahit noon na duwag ako, andyan siya para alaagaan ka."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang pisngi ko napangiti naman ako. Hinalikan niya ako sa noo. Wala nang sapat na salita para maipaliwanag ang nararamdaman kong saya.

"I love you so much, Tammy."

"I love you too... so much."








Ella's POV

"Ella, anak. Andyan si Zharm sa baba. Gusto ka niyang makausap."

"Ma, pakisabi wala akong gana. Thank you."

Humiga na ulit ako sa kama. Nawawalan na ako ng ganang kumilos. Wala na din lahat sa akin. Wala na akong best friend, wala na ako mga kaibigan, nagalit sila sa akin, at lalong wala na din si Patrick sa akin. Hindi naman siya naging sa akin. Ayoko nang mabuhay.

Tumayo ako at lumapit sa drawer. Wala na. Wala na lahat sa akin. Kinuha ko ang isang boteng sleeping pills. Alam ko na solusyon sa mga problema ko.

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon