Chapter 14 - What Happen to Her?

481 18 7
                                    

Chapter 14

Patrick's POV

"P-Patrick

Mahal k---

Mahal kita. Ako nalang please?"

Napahiwalay ako sa yakap ni Ella nung sabihin niya yan. Ano? Mahal ako ni BABOY? Este ni Ella?

"E-ella"

"Patrick, mahal kita. Seryoso ako. Gusto kitang tulungan. Alam ko kung gaano mo kamahal si Tammy, iiyak ka ba ng ganyan kung hindi mo siya mahal? Diba hindi. Okay lang sakin kung gawin mo akong rebound, wala akong pakialam kung masaktan ako, Patrick MAHAL KITA. Sabihin mo nang napaka-desperada ko. WALA EH! MAHAL KITA. Hayaan mo akong tulungan kang kalimutan si Tammy... Hayaan mo akong iparamdam sayo na mahal kita." 

Sunod-sunod ang luhang tumutulo sa mga mata ni Ella, pero ako? Nakatulala parin. Ayaw ko siyang saktan. Gawin siyang rebound? Hindi ko kaya, kaibigan ko siya, ayaw ko siyang gamitin. Oo nagamit ko yung pangalan niya dahil torpe ako kay Tammy, pero hanggang dun lang yun, hindi ko kayang gawing REBOUND ang KAIBIGAN ko.

"Ella, kaibigan kita. Ayokong saktan. Hindi ko kayang gawin kang rebound"

PInikit niya ang mata niya at may luha nanamang lumabas galing sa mga ito.

"Pat, hindi ko naman hinihiling na maging tayo. Pero sana, hayaan mo akong tulungan kang kalimutan si Tammy. Patrick hindi mo ba nakikita? Ikaw at ako nalang yung nasasaktan dito, sigurado akong nakikita mo kung paano tignan ni Francis si Tammy, nakikita mo naman kung paano ngumiti si Tammy dahil kay Francis. Patrick, nasasaktan ka lang, at ako nasasaktan din kasi nakikita kitang nasasaktan. Kalimutan mo na si Tammy. Hayaan mo naman ako na iparamdam sayo na mahal kita. Patrick, tutulungan kitang kalimutan siya."  

Napayuko nalang ako. Tuwing titignan ni Francis si Tammy, nakikita ko na may nararamdaman talaga siya para dito. Si Tammy pag nakikita kong ngumingiti siya dahil kay Francis, alam kong tunay na saya ang nararamdaman niya. Siguro tama si Ella, kailan ko na talagang kalimutan si Tammy.

Goodbye Tammy...

Tammy's POV

"Asan na ba yung pinsan ko?" tanong ni Francis sa sarili niya. Kanina pa kasi sila nawawala ni Ella. Hindi kaya..

Hindi kaya umamin na si Patrick?

Kanina habang kino-congratulate kami ng barkada, nakita ko silang dalawang nag-uusap, kinurot ni Francis yung pisngi ko kaya napalingon ako saknya, pero paglingon ko kila Patrick.

Magkahawak kamay na silang naglalakad palayo...

Ang SAKIT. Best Friend ko? Tsaka yung TAONG MAHAL ko?

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang mawala pa ulit si Patrick sakin...

"Oo nga eh. Kahit si Ella wala pa" sabi ni Tikoy habang naglalaro ng Temple Run.

"Hala! Baka nag-date na yun!" singit naman ni Winston, binatukan agad siya ni Jason, ngumiti nalang ako ng malungkot.

Nagda-date si Ella at si Patrick?

Parang hindi ko kayang isipin.

"ANDYAN NA SILA!" biglang sigaw ni Britney.

Naglalakad silang magka-hawak ang kamay.

Ella, hindi mo naman ako sasaktan diba?

Nakita kong bumitaw sa holding hands si Patrick tsaka siya umiwas ng tingin sakin..

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon