Chapter 23 - Together

65 2 0
                                    


Tammy's POV

"Baby girl..."

Sa bawat hakbang niya palapit sa akin ay siyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Anong mukha ang maihaharap ko sa kanya pagkatapos ko siyang saktan? Pagkatapos ko siyang iwan? Naramdaman ko siya sa aking likuran, nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang kikibo. Narinig ko ang kanyang buntong hininga at ilang segundo lang ay naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ko. 

Maingat niya akong iniharap sa kanya, hindi ko magawang iangat ang tingin ko sa kanya. Nahihiya ako. Nakokonsensya. Bakit siya ganito? Nasaktan ko siya ngunit nandito pa rin siya para sa akin. Dahan-dahan niyang iniangat ang aking mukha. Nang maagkatapat ang aming mukha ay hindi ko na napigilan ang aking mga hikbi. Nasilayan ko muli ang mukha ng taong minamahal ko. Mukha ng taong nasaktan ko. At mukha ng taong hindi ko kakayanin mawala sa akin. 

"S..Sorry. Sorry.. Sorry..." Paulit-ulit kong sambit at kahit ilang beses kong sabihin ang mga salitang iyon ay hindi ako mapapagod. Hindi pa nga sapat ang mga salitang ito sa sakit na pinaramdam ko sa kanya. 

"Shh. Tahan na. Alam mo naman na ayokong umiiyak ka diba?" Pinunasan niya ang aking mga luha. Nakangiti siya sa akin na akala mo'y hindi siya nasasaktan. Hinaplos niya ang aking buhok at huminga ng malalim.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo para piliin na isuko ako. Masakit Tammy. Pero kahit masakit, mas masakit pag mawawala ka sa akin. Hihintayin pa rin kita, Tammy. Kahit pagtulakan mo ako sa best friend mo, hindi ako matitinag. Dito lang ako. Sayo lang ako." Ramdam ko ang sakit at sinseridad sa kanyang mga salita. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit at lungkot ngunit nakangiti pa rin siya sa akin. Paano ko nagawang saktan ang taong 'to? 

Hinalikan niya ako sa aking noo. Matagal iyon na parang hindi na matatapos. Ramdam ko ang pagmamahal at respeto niya sa aking desisyon sa halik na iyon, naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi naman pagiging makasarili ang piliin ang taong mahal mo diba? Hindi naman kasalanan ang ipaglaban ang pagmamahal diba? 

Bago pa siya humiwalay ay niyakap ko na siya ng mahigpit. Higpit na nagsasabing hindi ko na ulit siya bibitawan kahit anong mangyari. Mahigpit na yakap na nagsasabing akin siya at sa kanya ako. Ramdam ko ang pagkagulat niya nang gawin ko iyon ngunit agad din niyang sinuklian ang aking yakap.

"I'm sorry, Patrick. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung nasaktan kita, kung hindi ko naisip ang mararamdaman mo. Patawarin mo ako kasi naging mahina ako." Humihikbing sabi ko, ibinaba niya ang tingin niya sa akin at pinunasan ang aking mga luha.

"Tammy, lumaban ka noon para sa atin. Hindi ka mahina. Naging mabuting kaibigan ka lang. Kaya ngayon, ako naman ang lumalaban, tulad mo hindi ako susuko. Kasi naniniwala ako na sa bandang huli, tayo ang mananalo sa laban na ito. Mahal na mahal kita." 

Piniga ang puso ko sa mga salitang binitawan niya. Ngayon masasabi ko na sa sarili ko na ito ang tamang desisyon. Ang desisyon na ipaglaban ang pagmamahalan namin dalawa. 

"Mahal na mahal din kita, Patrick."

Nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata nang marinig ang mga salitang lumabas sa aking mga labi. Niyakap niya muli ako ng mahigpit at bumulong.

"Don't ever leave me again, Tammy. Para akong mamamatay nung tinalikuran mo ako. Alam mo ba 'yon?" Naramdaman ko ang bigat ng kanyang kalooban habang binabanggit ang mgasalitang iyon. 

"Hindi na ulit, Patrick. Hinding-hindi na ulit kita iiwan." Ngumiti ako at dinama ang kanyang yakap. Ang yakap na hindi ko pagsasawaan. Ang yakap na kailan man ay hindi ko papakawalan.


"Tammy!" 

Agad tumakbo palapit sa akin si Britney nang makita ako. Hinihingal pa siya nang makarating sa harapan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon