Chapter 18 - A Fight for Love

377 12 4
                                    

Chapter 18

Tanmy's POV

"Tammy.."

Humiwalay ako ng yakap at yumuko..

"Anong problema?"

Nakayuko pa rin ako. Naramdaman ko mga tingin niya sa akin. Patrick, please dito ka lang sa tabi ko.

Hinawakan niya ang baba ko, tinaas niya ang mukha para magkaharap kami..

"Tammy, anong problema?"

Tahimik pa rin ako at hindi umiimik.

"Tammy, alam ko may problema, kaibigan mo ako, sana naman kausapin mo ako. Sabihin mo sa akin kung ano problema mo at baka matulungan kita."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi. Bumuntong hininga lang siya.

"Patrick.."

Biglang siyang napatingin sa akin ng magsalita ako.

"Tammy? Ano? Sasabihin mo na? Ano nangyari? Baby girl naman oh! Para na akong tangang nag-aalala dito oh! Tammy naman! Isipin mo naman ako!"

Napatingin ako sa kanya. Namumula na yung mata, kita dito na sobrang nag-aalala siya. Bakit Pat? Bakit ganyan ka ka-concern? Ako na ba ulit? Akin na ba ulit yung puso mo?

"P-pat.."

"Ano Tammy?"

Magsasalita pa lang sana ako nang...

"Patrick.."

Si Ella.

Best friend ko. Pero pinagpalit lang ako. Pinagpalit ako para sa sarili niyang kasakiman. Bakit Ella? Ano nagawa ko? Naging mabuti naman akong kaibigan diba? Ginawa ko naman ang best ko para maging best friend mo...

Napatingin sa kanya si Patrick. Tinalikuran ako ni Patrick at lumapit kay Ella. Napayuko na lang ako. Sabay ng pagyuko ko, ay ang pagtulo ng luha ko. Stupid Tammy. Hindi na ikaw ang mahal niya. Hindi na ikaw nasa puso niya..

Si Ella na.

Si Ella na best friend mo.

Tumalikod ako at naglakad na palayo sa kanila..

"Tammy!"

Napatigil ako.

Boses ni Patrick.

Lumingon ako at nakita ko si Patrick tumatakbo papalapit sa akin..

"Bat mo ako iniwan?"

Agad niyang tanong nang makalapit siya sa akin.. Iniwan? Pat, diba ako yung iniwan mo?

"Kinausap ko lang si Ella. Ang sabi ko, hindi kita kayang iwan."

Napatingin ako sa mga mata niya at ganun din siya. Pinunasan niya ang luha ko at ngumiti.

"Baby girl na iyakin."

Ngumisi siya at kinurot ang ilong ko.

"Pat.. Paano si Ella?"

"Tara. Kain na tayo!"

Hinila niya ako papunta sa canteen. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa mga kamay namin na magkahawak. Sobrang tagal na simula ng hawakan niya ng ganito ang kamay ko. Parang lahat ng nararamdaman kong lungkot napalitan ng saya dahil kasama ko ngayon ang lalaking mahal ko.

"Anong gusto mo?"

Napatingin ako sa kanya. Yung ngiti niya. Yung ngiting sobrang namiss ko.

"K-kahit ano na lang."

Feelings Back (JulNiel) [Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon