The Hitchhiker
BREAKING NEWS: Isang jeepney drayber ng Camp John Hay ang binawian ng buhay matapos mawalan ng preno ang minamaneho nitong jeep at sumalpok sa isang puno. Maging ang mga pasahero ay binawian na rin ng buhay,
Likas sa pagiging mabuti sa kapwa si Browner. Maging ang mga hayop man ay kanyang tinutulungan. Ngunit sa kanyang pagiging mabuti ay kinaugalian niya na ang hindi pagbabayad nito ng pamasahe sa jeep dala na rin ng kahirapan. Ang kanyang baon ay hindi sapat. Madalas nga ay hindi siya nakakakain ng pananghalian sa paaralan sa dami ng mga requirements sa kanyang paaralan. Mabuti na lamang ay meron siyang mga kaibigan na mapagbigay. Ibig man tanggihan ni Browner ang mga iniaalok na pagkain ng kanyang mga kaibigan ay hindi niya magawa sapagkat mapilit ang mga ito.
Uwian na naman, ito na naman ang kinatatakutan ni Browner sapagkat gagawin niya na naman ang hindi pagbabayad ng pamasahe. Gustuhin niya man ang maglakad ay hindi niya kakayanin dahil na rin sa kalayuan ng kanilang tirahan. Pamilyar sa kanya ang jeep pero isinawalang bahala niya na lamang iyon, wala ng jeep na masasakyan pauwi iyon na lamang ang last trip. Mabuti na lamang at may bakante sa likuran kung kaya't walang alinlangang sumakay na siya at pinaurong ang ibang pasahero na nakasakay sa jeep sa dulo.
"Manong para!"
Sabay hinto ng jeep. Nakarating siyang magulo ang isip. Binabagabag siya ng kanyang palagiang hindi pagbabayad ng pamasahe sa jeep. Paano na lamang 'pag nalaman ito ng kanyang mapagmahal na mga magulang at mga kaibigan? Marahil ay wala na siyang mukhang maihaharap sa kanila.
"Anak kamusta ang araw mo ngayon sa school?" usisa ng kanyang ina.
"Nay okay naman po."
"Pasensiya ka na anak kung kulang man ang ibinibigay namin na baon sa iyo."
"Hayaan mo anak simula bukas dadagdagan ko na ang iyong baon." ang wika ng kanyang ama.Ang kaninang pagkabagabag na nararamdaman ni Browner ay bigla na lamang nawala at niyakap nito ang kanyang mga magulang. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay nabunutan siya ng tinik. Sa wakas ay makapagbabayad na siya ng kanyang pamasahe sa jeep. Maagang nagising s Browner at kagaya nga ng ipinangako ng kanyang ama ay dinagdagan nito ang kanyang baon. Masayang-masaya si Browner na umalis ng kanilang bahay at taas-noo na sumakay ng jeep. Sa harapan siya sumakay.
Ang lahat ng mga pasahero ay nakapagbayad na maliban sa kanya habang ang jeep na kanyang sinasakyan ay patuloy lamang sa pagpapaandar hanggang sa makarating sa destinasyon nito.
"Manong para!" sabay abot ni Browner ng pamasahe sa drayber. Parang walang narinig ang drayber at ang pamasahe nito ay hindi man lang kinuha. Maging ang mga pasahero ay parang walang narinig at kibit-balikat lamang ang mga ito.
"Manong para!" muling ulit ni Browner ngunit hindi pa rin siya pinansin ng drayber. Mabilis ang pagpapatakbo ng drayber pero wala ng magagawa si Browner kundi ang tumalon mula sa kanyang sinasakyan na jeep. Ginawa niya nga iyon at nagtamo siya ng mga sugat sa katawan. Laking gulat niya na lamang na ang kaninang kanyang sinasakyan ay nawalan ng preno at sumalpok sa isang puno. Bigla na lamang naglaho na parang bula ang jeep.Maging sa panaginip ay hindi tinatantanan si Browner. Mananaginip siyang nakasakay sa jeep tapos magpa-para pero hindi siya maririnig ng drayber. Ang mga pasahero ay kibit-balikat lamang at palagi na lamang tatalon si Browner sa sinasakyang jeep. Mawawalan ito ng preno at sasalpok sa isang puno. Bigla na lamang itong mawawala na parang bula. Paulit-ulit lamang iyon na napapanaginipan niya.
Sasakay ulit siya ng jeep at pinagdadasal niya na sana'y 'wag na mangyari ulit ang nangyari 'nung isang araw. Mapapansin sa mukha ni Browner ang pag-aalinlangan pero sa huli ay nagawa niya pa ring sumakay ng jeep dahil na rin sa sinabi ng drayber.
"Ito na ang last trip."
Sa harapan lang ang bakante kung kaya't napilitan siyang sumakay dito. Ang kanyang sinasakyan na jeep ay iba sa kanyang panaginip maging ang drayber at mga pasahero ay iba rin. Mabilis ang pagmamaneho ng drayber at malapit na rin marating ni Browner ang kanilang tirahan. Nagdesisyon siyang magbayad at kinuha naman ng drayber ang kanyang pamasahe."Manong para po!"
Ngunit hindi huminto ang kanyang sinasakyang jeep at sa halip ay patuloy lamang sa pagmamaneho ang drayber. Babasagin ni Browner ang salamin ng jeep at tatalon siya rito ngunit bigo siya sapagkat pinigilan siya ng drayber.
"Wag mo ng takasan ang iyong kamatayan, hindi mo mababago ang iyong tadhana. Katulad namin, ikaw din ay kasama sa mga nasawi. Maawa ka sa iyong sarili, tanggapin mo na ang iyong kamatayan."
Hindi na nagdalawang-isip si Browner na basagin ang salamin ng jeep. Tumalon siya rito at nagtamo ng mga sugat. At nang siya'y makatalon, unti-unting nagbago ng anyo ang jeep at katulad sa kanyang panaginip ay ito rin ang itsura ng jeep na kanyang sinasakyan. Ito ay nawalan ng preno at sumalpok sa isang puno. Bigla na lamang itong naglaho na parang bula.Kamatayan? Walang alam si Browner sa sinabi ng drayber sa kanya. Bigla siyang nanghina sa ginawa niyang pagtalon sa sinakyang jeep at unti-unting pumikit ang kanyang mga mata. Sa pagmulat ng kanyang mga mata'y nakita niya na siya'y nasa kanilang tirahan na at nakita niya ang kanyang mga magulang.
"Panaginip lamang pala iyon." ang nasabi ni Browner sa kanyang sarili.
"Anak tanggapin mo na."
"Ang alin po nay?"
"Ang iyong kamatayan."
"Ano po?"
Naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari.
"Patay ka na anak, kasama ka sa mga binawian ng buhay. Maging kami ng iyong ama ay kasama sa aksidenteng iyon. Sinundan ka namin, sakay din kami ng jeep na iyong sinasakyan ng araw na iyon upang malaman kung totoo bang hindi ka nagbabayad ng iyong pamasahe at totoo nga ang balitang aming narinig tungkol sa iyo anak."
"Nay patawarin niyo po ako ni itay."Niyakap si Browner ng kanyang mga magulang at matapos noon ay sumakay sila ng jeep, ang jeep na kumitil sa kanilang buhay. Katulad ng mga pasahero at ang drayber ay sugatan din sila. Malinaw na sa kanya ang lahat, tanggap niya na ang kanyang pagkamatay. Mabilis ang pagmamaneho ng drayber, nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan at sumalpok ito sa isang puno. Nawala ito na parang bula at simula noon ay natahimik na ang kanilang mga kaluluwa.
Masama ang hindi magbayad ng pamasahe. Bilang isang mamamayan, mainam na gawin ang ating responsibilidad. Ang pagiging isang drayber ay mahirap, para sa kanila maaaring ito lamang ang kanilang pagkunan ng pamumuhay. Atin silang pasalamatan dahil kung wala sila ay malamang hindi tayo makakarating sa ating pupuntahan.
-----WAKAS-----
https://www.facebook.com/pages/Pinoy-Horror-Stories/201230969913697
BINABASA MO ANG
KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)
Horror"Nasubukan mo na bang makipag-usap sa mga nasa kabilang buhay na?" - Manang ~~~ Written by different writers.