Katuwaan Lang

2K 36 0
                                    

Katuwaan Lang
Katha ni: Cesar Salazar

Nasa isang Amusement Park ako nang makita ko ang Psychic Machine na ito. It's basically an arcade game kung saan patutunayan mo na mali lahat ang hula ng psychic master pero kapag natalo ang character mo, may card na lalabas sa machine kung saan may spell na ica-cast para sa iyo ang psychic master.

Just for fun, naisip kong subukan ito bilang katuwaan lang. Pahirap ng pahirap ang bawat stage pero enjoy at cool ang game, Nasa last at pinaccle stage ako ng game nang bigla akong ginulat ng aking mga kaibigan. Natalo ako kaya nag-cast ng spell ang psychic master.

"Spirits will follow you, terrify and kill you within a day."

Idinaan ko lamang sa tawa ang lahat dahil alam kong laro lamang ang card at maging ang mga kabarkada ko ay nagtawanan at pabiro pa akong tinakot. Di sinasadyang nasulyapan ko ang tagiliran ng arcade machine. Natakot ako nang mapansin kong di ito nakasaksak sa outlet.

Masyado na akong nabagabag at natakot ng pangyayaring iyon. Hindi ko lubos maisip kung paano gumana ang machine na iyon na walang kuryente.

Dahil doon, naisip ko nang umuwi ng maaga. Nawalan na ako ng ganang sumama sa mga kaibigan ko dahil pakiramdam ko may kakaibang nangyayari sa paligid ko. Habang ako ay papauwi ay di ko matanggal sa isip ko ang nangyari. Alas diyes na ng gabi noon. Napansin ko na ako lamang ang naglalakad sa mahabang covered walk na iyon pagkalabas ng amusement park. Isang itim na pusa ang biglang dumaan sa aking harapan. Napatakbo ako sa gulat at takot. Siguro dahil may pagka-mapamahiin din ako, inisip ko na may ibig sabihin ang pagsulpot ng pusa. Binilisan ko lalo ang aking mga hakbang. Pakiramdam ko, napakalayo pa ng lalakarin papunta sa daan kung saan ako makakasakay ng taksi. Natigilan ako nang may marinig akong footsteps sa likuran ko. Nilingon ko ito sa pag-aakalang may makakasama na ako sa paglalakad pero wala akong nakitang tao. Lalong nanginig ang laman ko sa takot. Dinoble ko ang bilis ng aking mga hakbang. Patakbu-takbo kong binagtas ang aking dinadaanan. Humihinto lang ako kapag medyo hinihingal na.

Pagdating ko sa ilalim ng isang street light aynagpasya akong huminto para magpahinga saglit. Maliwanag ang street light kaya nabawasan kahit papaano ang takot ko. Naisip ko na kung may lalapit man sa akin, madali kong makikita dahil maliwanag. Palinga-linga ako sa paligid. Nang makumbinsi ko ang sarili ko na maaring guni-guni ko lang ang lahat, tumuloy na ako sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo sa street light ay kumurap-kurap na parang mapupundi ang bombilya nito. Kumaripas uli ako ng takbo.

Mabuti naman at sa wakas ay may dumaang taksi sa aking harapan kaya dali-dali ko na itong pinara. Nagmamadali akong sumakay dito.

"Bakit kayo hinahabol ng mga 'yon, Sir?" Tanong sa akin ng drayber pagkatapos pasibarin ang taxi.

"Sinong 'yon?"

"'Yong dalawang lalaki?"

Sa sinabi ng drayber ay nagtayuan uli ang lahat ng balahibo sa aking katawan.

KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon