Ghost Talk

3.7K 54 4
                                    

GHOST TALK
By Admin Neptune

“CLAUDIA: PIECE OF SCENE”

PATOK na patok ngayon ang bagong pakulo ng Smartphones Company sa mga smartphone users. Ang pinakabagong ghost talk kung saan maaaring makipag-usap ang isang tao sa isang multo sa pamamagitan ng pagdial sa numerong *666#. Libre lang ang pagtawag dito at no time limit. Isa si Claudia sa mga sumubok nito. Gamit ang kanyang smartphone, tinawagan niya ang numerong *666# habang siya’y nakahiga sa kama ng gabing iyon. mag-isa siya sa kwarto niya dahil ang kapatid niyang si Dencio ay nasa kabilang kwarto at mahimbing nang natutulog. Mayamaya ay may ringback na siyang narinig na galing sa kabilang linya.

“I’m a bad ghost and I’m going to do what I want to do, I can take your soul and eat it too. A ghost like me will coming on your dreams ‘cuz that’s what bad ghost do! I’ma, I’ma bad ghost. I’ma I’ma bad ghost. Mr. D is answering your call. Mr. D is answering your call.”

Pagkatapos ng ringback ay may sumagot sa kabilang linya. “Hello! I am Mr. D ang pambansang ghost ng bayan. Wanna chat with me?” natawa si Claudia ng marinig ang boses ng kausap. Para itong robot na nakakatakot ang boses.
“Hello I am Claudia. Are you a ghost Mr. D?” nakangiting tanong ni Claudia sa kausap sa cellphone.
“Oo multo ako. Bakit gusto mo ba akong makita?” muling natawa si Claudia. tiyak niyang mag-eenjoy siya sa ghost talk na iyon.
“Oo naman gusto kitang makita! Ano bang hitsura mo Mr. D? Gwapo ka ba? Hehehe!” biro pa ni Claudia, hindi nawawala ang ngiti nito habang nagsasalita. Puno ng excitement ang kanyang pakiramdam. Natatawa kasi siya sa kakaibang boses ng kausap niya.
“Bago yan, may itatanong lang sana ako sayo Claudia. Anong mga bagay ang kinakatakutan mo?” tanong ng nasa kabilang linya. Natawa na naman si Claudia, hindi siya makapaniwalang binanggit pa ang kanyang pangalan.
“Alam mo ba takot ako sa ipis at daga? Nakakadiri kasi sila, eh! Bakit mo naman natanong Mr. D?”
“Wala lang… tutal nasagot mo na rin ang tanong ko kaya pagbibigyan kona ang hiling mo. Magpapakita nako sayo. Huwag kang mabibigla, ha?” tugon ng nasa kabilang linya. Tumawa ng malakas si Claudia. palabiro pala ang ghost talk na iyon. para lang siyang nakipag-usap kay Simsimi. Puro kalokohan ang mga sinasabi. Mayamaya ay bigla na lamang namatay ang ilaw sa kwarto ni Claudia. “brownout yata!” sambit niya. sa isang iglap ay may lumitaw na lalaki sa kanyang harapan. Nakapula ito at natatapkan ng dilim ang mukha nito. May hawak itong cellphone at nakatutok sa kanan niyang tenga.
“Hindi brownout Claudia. Tulad ng pinangako ko sayo. Magpapakita ako…” ang sabi ng lalaki. ang sinabi nito ay narinig din ni Claudia sa cellphone niya. Ibig sabihin ay nasa harapan na pala niya ngayon ang kausap niya kanina! Papaano nangyari iyon? Nagtaka si Claudia at napakusot ng mata. Pero totoo ang nakikita niya. Pati ang mala-robot na boses nito ay parehong-pareho din sa boses ng lalaking iyon. nabitawan ni Claudia ang cellphone at napabalikwas ng bangon sa kama.
“M-mr. D? Ikaw ba yan…?” nanginginig ang kanyang tinig. Nasindak siya sa sumunod na eksena. Biglang nahati sa dalawa ang katawan ng lalaking nakapula. Ang kalahati ay lumipad sa ere at nagpira-piraso hanggang sa maging mga ipis. Isang daang ipis! Samantalang ang kalahati nitong katawan na naiwan sa lupa ay unti-unting bumagsak sa sahig hanggang sa maging mga daga. Sinugod nila si Claudia. todo ngatngat ang mga daga sa kanyang hita at ang mga ipis naman ay dumadapo sa buo niyang katawan. ang iba ay lumusot pa sa bibig niya. sindak na nagsisigaw si Claudia. tuluyan ng binalot ng kilabot ang buo niyang katawan.
“Aaaaaaaaahhh!!!”

KINAUMAGAHAN ay natagpuan ang bangkay ni Claudia sa kwarto nito. Agad itong ipinaalam ng kapatid niyang si Dencio sa mga pulis. Nang puntahan ito ng awtoridad, labis nilang ipinagtaka kung bakit halos kalansay na lamang ang natira sa katawan ng dalaga at nagkalat din sa kama nito ang dugo na halatang natuyo dahil nalipasan na ng gabi. Labis na dinamdam ni Dencio ang pagkamatay ng kapatid niya. Sa burol ni Claudia, inakbayan siya ng girlfriend niyang si Fatima. “Huwag ka nang umiyak, babe. Nandito naman ako, eh. Hindi kita iiwan…” sabi sa kanya ni Fatima sa manumayang tinig. Inihatid siya ng kasintahan sa bahay niya. gusto sanang samahan ni Fatima ang boyfriend dahil mag-isa lamang ito sa bahay pero tumanggi ang lalaki. Gusto daw muna niyang mapag-isa.

“DENCIO: PIECE OF SCENE”

MAG-ISA si Dencio na nakaupo sa malaking sofa sa sala nila habang nanonood ng telebisyon upang libangin ang sarili. Naboboring siya sa palabas ng mga oras na iyon kaya pinatay niya ang TV at umisip ng pagkakaabalahan niya. biglang sumagi sa isipan niya ang ghost talk na bagong pakulo ng smartphone company sa mga smartphone users. Sa ghost talk ay maaaring makipag-communicate ang mga tao sa di-umanong multo… Kaya sinubukan ni Dencio kung malilibang ba siya doon. Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan ang numerong *666#. Ringback ang una niyang narinig.

“I’m a bad ghost and I’m going to do what I want to do, I can take your soul and eat it too. A ghost like me will coming on your dreams ‘cuz that’s what bad ghost do! I’ma, I’ma bad ghost. I’ma I’ma bad ghost. Mr. D is answering your call. Mr. D is answering your call.”

Mayamaya ay may sumagot na sa kabilang linya. “Hello! I am Mr. D ang pambansang ghost ng bayan. Wanna chat with me?” ang sabi ng mala-robot na boses ng isang lalaki.
“Hello? Pwede bang makahingi ng payo sayo pare?” wala sa loob na sagot ni Dencio.
“Bakit ano bang problema mo?” seryosong tanong ng nasa kabilang linya.
“Kasi, hindi alam ng girlfriend ko na may nabuntis akong isang babae. Pagkatapos namatay naman yung kapatid ko. Sa tingin ko nakarma ako nun, eh. Ewan ko ba kung bakit. Maaari mo ba akong tulungan?” pagmamakaawa ni Dencio sa kausap kahit alam niyang wala naman itong maitutulong. Nililibang lamang talaga niya ang sarili.
“Ganun ba? Pero bago yan, may itatanong muna ako sayo. Anong mga bagay ang kinakatakutan mo?”
“Ano pa? Edi syempre yung dalawang girlfriend ko! Natatakot ako na malaman ng isa na may nabuntis akong babae. Wala na nga akong pamilya, eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka makulong pa ako nito pag nagkataon!”
“Lagot ka… Isusumbong kita sa girlfriends mo!” pananakot ni Mr. D sa kanya.
“Gago ka pala, e!” di napigil ni Dencio ang magmura. Mayamaya ay may kumatok sa pintuan niya. ibinaba na lamang ni Dencio ang telepono at binuksan ang pinto. Laking gulat niya ng bumungad sa kanya ang isang lalaking nakapula. Ang mukha nito ay natatakpan ng dilim. Sa likod ng mahiwagang lalaki ay nakatayo doon ang dalawang girlfriend niya. si Fatima, at ang nabuntis niyang si Rose. Nakakatakot ang hitsura ng mga ito. Kulubot ang mga balat at may maliit na sungay sa magkabilang noo!
“Sinabi ko naman sayo, diba? Isusumbong kita!” wika ng lalaking nakapula, nanghilakbot si Dencio at napaatras. Bago pa man siya makagawa ng aksyon ay sinugod siya ng dalawang babae. Inatake, kinalmot, nilapa at pinatay!

PAGSAPIT ng umaga ay natagpuan ang bangkay ni Dencio sa harapan ng pintuan. Wakwak ang tiyan, naubusan na ng dugo at puno ng pasa at kalmot ang katawan. Nagtaka ang mga pulis sa kakaibang kasong iyon. Una, ang kalansay ni Claudia na natagpuan sa kwarto nito, pangalawa, ang wakwak na tiyan ni Dencio. “Sinong halimaw ang gagawa nito?!” takang tanong ng isang pulis. Nagpunta ang girlfriend ni Dencio na si Fatima doon dahil nabalitaan niya ang pagkamatay ng nobyo. Paglapit niya sa bangkay ay may isa pang babae ang nakayakap kay Dencio at humahagulgol sa iyak. Tinanong ni Fatima ang babae.
“Excuse me, Miss. Sino ka? Kakilala mo ba si Dencio?”
“Oo bakit? Boyfriend ko siya! Hindi niya ako pwedeng iwan dahil kailangan siya ng batang dinadala ko sa sinapupunan ko…” pagtatangis ng babaeng nangangalang Rose. Ang babaeng nabuntis ni Dencio! Sadyang mapaglaro ang tadhana. Nagtagpo pa ang dalawang babae ni Dencio kung kailan patay na siya. Hindi na nakapagsalita si Fatima sa sobrang pagkabigla. Napako siya sa kinatatayuan. Parang nagunaw ang mundo niya sa sinabi ng babaeng si Rose. Hindi niya alam kung magagalit pa ba siya kay Dencio gayong wala na ito. Patong-patong ang sakit na kanyang nararamdaman…

“FATIMA: PIECE OF SCENE”

NANG gabing iyon ay nagkulong si Fatima sa kanyang silid at walang tigil sa pag-iyak. Labis na dinamdam ng babae ang panloloko na ginawa sa kanya ng yumaong nobyo. Sa kanyang coffee table, kinuha niya ang maliit na box na lalagyan ng bagong cellphone na iniregalo sa kanya ni Dencio noong last monthsarry nila. Napapikit si Fatima at dahan-dahang tumulo ang kanyang luha at bumagsak sa kahon na iyon. habang pinagmamasdan niya ang kahon ay may umagaw sa atensyon niya. sa ilalim ng kahon ay may isang sticker na nakadikit noon at may nakasulat na “Talk with Mr. D the ghost of our town! Just dial *666# to enter the chat call! Every call is free. Exclusive for smartphones only!” parang nabuhayan ng dugo si Fatima at saglit na nakalimutan ang problema. Ang ghost talk na iyon ay isang bagong hotline na binuo kung saan maaaring makipag-chat sa isang multo. Hindi man kapani-paniwala ay sinubukan pa rin ni Fatima na tawagan ang numero, hindi naman kasi pwedeng magdamag lang siyang umiiyak ng umiiyak. Kailangan din niya ng makakausap. Pagtawag niya sa numero ay una niyang narinig ang ringback.

“I’m a bad ghost and I’m going to do what I want to do, I can take your soul and eat it too. A ghost like me will coming on your dreams ‘cuz that’s what bad ghost do! I’ma, I’ma bad ghost. I’ma I’ma bad ghost. Mr. D is answering your call. Mr. D is answering your call.”

Pagkatapos ng ringback ay may sumagot na sa kabilang linya. “Hello! I am Mr. D ang pambansang ghost ng bayan. Wanna chat with me?”
Nagsalita si Fatima. “Isa ka ba talagang multo? O gimik lang ito sa nalalapit na Halloween?” tanong niya.
“Ano bang gusto mong ebidensya para mapatunayan kong multo ako?”
“Magpakita ka sa akin!” hamon ni Fatima sa kausap.
“Bakit gusto mo akong makita? Hindi ka ba natatakot sa akin?”
“Hinde!” ang tanging naitugon ni Fatima sa galit na tinig.
“Eh ano namang mga bagay ang kinakatakutan mo?” si Mr. D naman ang nagtanong.
“Bangungot. Takot ako sa bangungot. Ayoko mabangungot. Bakit mo naman natanong?”
“O sige… Hintayin mo ako. Magpapakita na ako sayo.”
Sa inis ni Fatima ay pinatay na lamang niya ang tawag. Boring kausap. Imbes na mabawasan ang kalungkutan niya ay napapatungan pa ng pagkainis kaya naman minabuti niyang idaan na lamang sa tulog ang lahat para bukas ay makahinga na siya ng maluwang.
Nang makatulog na si Fatima ay bigla siyang nanaginip. Nasa isang kuweba daw siya. Ang paligid ay napakatahimik at napapalibutan ng mga nakasinding puting kandila. Nakagapos siya sa isang papag. Mayamaya ay may narinig siyang mga yabag at mula sa liwanag ng kandila na tumatama sa mga bato ng kuweba sa itaas ay nakakita siya ng isang anino. May papalapit!
“Tulungan nyo akooo!” sigaw niya. may lumapit sa kanyang isang lalaking nakapula. Ang mukha nito ay kasing kulay ng dilim. Hindi mahalata ni Fatima kung sino ang lalaking iyon. “S-sino ka?” nanginginig ang kanyang tinig. Mayamaya ay naghubad ang mahiwagang lalaki pagkatapos ay ipinatong nito ang katawan niya kay Fatima. Lalong kinabahan si Fatima ng bigla siyang hubaran ng mahiwagang lalaki at siya’y hinalay! Hindi na siya makagalaw ng lingkisin siya ng mahiwagang lalaki. Sa buong buhay niya, iyon na ang pinakamasaklap na bangungot na naranasan niya.
“Aaaaaaaahhhh!!!” ang malakas niyang sigaw ay umalingawngaw sa buong kuweba…
Kinaumagahan ay nanlumo ang mga magulang ni Fatima ng makita siya sa sariling silid nito. Wala ng buhay. Dilat ang mga mata. Bakas sa mukha ang pagkasindak. Parang nakakita ng multo. Nanlumo ang mga ito at naging emosyonal. Hindi nila alam na sa ganoong paraan lang magwawakas ang buhay ng kaisa-isa nilang anak. Ang pinakamamahal nilang anak…

“ROSE: PIECE OF SCENE”

GABI. Nakatambay si Rose sa isang kubo. Mag-isa lamang siya. Dati-rati ay kasama niya si Dencio tumatambay sa labas, lalo na doon sa bakanteng kubo sa gitna ng damuhan na malayo sa maraming tao. Katunayan, doon nga sa lugar na iyon naganap ang pagtatalik nila kaya siya nabuntis. Kaya naman muli siyang nagpunta doon para mapag-isa muna. Marami siyang masasayang ala-ala doon. Pagtingin niya sa oras sa kanyang cellphone ay alas-dyes na pala ng gabi. Naalala niya ang nakasulat noon sa mga poster na nakita niya ang tungkol sa isang bagong hotline kung saan pwedeng tawagan ang isang multo. Naalala pa niya ang numero ng hotline na iyon. “Tamang-tama!” sambit niya na medyo na-eexcite. Tinawagan niya ang numerong *666# na nakita niya noon sa poster. Susubukan niya kung makakausap ba niya doon si Dencio. Una niyang narinig ang ringback ng numerong iyon.

“I’m a bad ghost and I’m going to do what I want to do, I can take your soul and eat it too. A ghost like me will coming on your dreams ‘cuz that’s what bad ghost do! I’ma, I’ma bad ghost. I’ma I’ma bad ghost. Mr. D is answering your call. Mr. D is answering your call.”

Mayamaya ay may sumagot na sa kabilang linya. “Hello! I am Mr. D ang pambansang ghost ng bayan. Wanna chat with me?” nawirduhan si Rose ng marinig ang mala-robot na boses ng lalaki, na medyo nakakatakot.
“Hello, are you a ghost?” tanong ni Rose.
“Yes!” sambit ng nasa kabilang linya.
“May namatay kasi akong boyfriend. Gusto ko sana siyang makausap. ‘Diba hotline ito ng mga ghost? Pwede ko ba siyang makausap? Dencio Ramirez ang pangalan niya. Gwapo siya, Moreno, chinito at matangkad!” seryosong wika ni Rose, akala’y may mapapala.
“Sorry, wrong number ka. Ang pangalan ko ay Mr. D hindi Dencio. Wala akong kilalang Dencio.” Supladong sagot ng nasa kabilang linya.
“Wala naman palang silbi ito! Ibig sabihin ikaw lang ang pwede naming makausap? Hindi pwede yung ibang multo? Eh hindi nga ako nakakasigurado kung multo kang talaga, eh! Hay nako I’m just wasting my time on you!” mataray na sagot ni Rose.
“Huwag mokong balewalain. Hindi mo ko lubusang kilala. At huwag na huwag moko tatapangtapangan baka ipakain pa kita sa aswang!” pananakot ng kausap niya.
“Kahit isang milyong aswang pa ang dalhin mo dito, hindi ko kayo uurungan! Baka gusto nyong makatikim ng sampal na mala-Maricel Soriano ang style, eh!” pagmamayabang ni Rose. Ganun talaga ang tipo niya, mayabang na babae. Sa di-kalayuan ay may nahagip ang kanyang mga mata. May nakita siyang isang lalaking nakapula na tila nakatanaw sa kanya. Kasabay noon ay muling nagsalita ang kausap niya sa cellphone.
“Gera na ito!” makahulugang wika ng nasa kabilang linya. Mayamaya ay nakarinig siya ng pagaspas ng mga pakpak sa kalangitan. Bumaba siya sa kubo at tumingala. Nakita niya ang iba’t-ibang klase ng mga lumilipad na nilalang sa langit. Mga manananggal na humahaba ang dila. Mga aswang! Papalapit sa kanya!
Kasunod noon ay biglang yumanig ang lupa hanggang sa umahon mula doon ang mga lamang-lupa. Mga uri ng halimaw na may kaanyuang lupa. Ang iba naman ay mga tiyanak. Nabitawan ni Rose ang cellphone. napaliligiran na siya ng isang milyong mga aswang! Hindi na niya nagawang makatakas pa ng atakihin siya ng mga ito. Unang kinain ang sanggol sa kanyang sinapupunan, pagkatapos ay siya naman ang pinag-piyestahan. Patid-patid ang sigaw niya. nagdilim ang kanyang paningin hanggang sa unti-unti siyang nanghina. At sa kanyang nagdidilim na diwa, natanaw niya sa di-kalayuan ang lalaking nakapula. Kung titignan ng malapitan ang mukha ng lalaki na nagkukubli sa dilim, mahahalatang nakangiti ito. Isang nakakapangilabot na ngiti. Paglaho ng mahiwagang lalaki, iniwan nitong pinagpipyestahan ng mga aswang ang katawan ni Rose…

THE DEADLY ENDING

KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon