Till do us part.

2.1K 43 4
                                    

Till do us part
Written by: FujiwaraHanazona

Ako si Deejay Aniel. 23 years old na ako.

Ilang months na akong hindi pinapansin ng girlfriend ko, siguro mga nasa apat na buwan na ata. Nagalit kasi siya sa akin nung hindi ko naalala yung 6th Monthsarry namin. Haist! Galit pa rin siguro sya hanggang ngayon.

Lagi ko syang pinupuntahan sa bahay nila pero di naman niya ako pinapansin para ngang di na ako nag-eexist sa kanya eh. Pinuntahan ko ulit siya sa bahay nila at nakita ko na naman siyang umiiyak. Naaawa ako sa kanya, ako na naman ang dahilan kung bakit siya umiiyak. "Elaine..sorry na. Bati na tayo please. Promise babawi ako, wag ka ng umiyak. Sorry talaga kung di ko naalala..di na mauulit." Sabi ko, pero tulad ng dati ganun pa rin ang reaksyon nya umiiyak pa rin. Ni parang wala nga siyang naririnig eh.

Kinabukasan, nakita ko si Elaine na bihis na bihis at may dala pang bulaklak. Sinundan ko siya kung saan sya pupunta.

Heaven Cemetery

Bakit nandito sya? Sinong dadalawin niya dito?

Tumingin ako sa hinahaplos-haplos nyang lapida at napatigalgal ako sa nakita.

Deejay Aniel
Jan.12, 1992-Oct.03, 2015
R.I.P

"Deejay... Pasensya na kung nagalit ako sa'yo nung monthsarry natin dahil nakalimutan mo. Sana di na lang ako nagtampo para di ka na nag-effort na sorpresahin at sundan ako sa Bicol edi sana wala ka dyan. Huhuhu. Alam mo ba feel ko nga lagi kang nasa tabi ko, baka nga ngayon nasa tabi kita eh. Deejay tandaan mo kahit wala ka na. Mahal na mahal na mahal pa rin kita." Naiyak na wika ng mahal ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Mahal na mahal din kita Elaine.."

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang unti-unting paghigop sakin ng hangin.

-wakas-

KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon