Lagnat
PAALALA: Ang kwentong ito ay Rated SPG. Naglalaman ng mga “Tema” “Lenguwahe” “Sexual” “Horror” at “Droga” na hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng nakatatanda ang kailangan.
INIT na init na si Edwardo sa ka-chat niyang babae sa computer. Saradong-sarado ang pintuan ng kanyang silid pati mga bintana kaya walang sinuman ang makakapasok O makakarinig sa kanya doon. Masaya niyang pinapanood ang nakahubad na babaeng nasa video habang sinasayawan siya nito. Aliw na aliw siya sa alindog ng katawan nito habang ipinapakita ng babae ang private parts ng kanyang katawan na lalong nagpapainit at nagpapatigas kay Edwardo.
Inabot na siya ng umaga ay hindi pa rin nagbubukas ng pintuan. Nagtataka na tuloy ang mga magulang niya kung bakit hindi pa lumalabas ng kwarto ang binata para kumain. Datirati ay alas sais palang ng umaga kung ito’y maglakwatsa subalit ngayon…
“Edwardo ano ba tanghali na bakit tulog ka pa?! Nagpapatulong sa iyo ang tatay mo samahan mo raw siya sa bukid,” pasigaw na sabi ng ina niya habang kinakatok ng malakas ang pinto subalit walang tumugon mula sa loob.
“Edwardo, ano ba!” galit na ang babae. Kanina pa kasi ito pabalik-balik para katukin ang kwarto ng anak pero hindi siya nito pinakikinggan kaya hindi na ito nakatiis.
“Ayaw mo talagang lumabas dyan? Sige hintayin moko kukunin ko ‘yung susi.”
Nagkandarapa ang babae sa kakahanap ng susi sa loob ng kanyang aparador sa isang kwarto at nang mahanap niya ito ay agad niyang ipinasok sa door knob at pagbukas niya ng pinto…
“Aaaaaaaaah!!!!”
Isang bangkay ni Edwardo ang nakita niyang nakabulagta sa sahig. Namumula ang hubad nitong katawan at bakas sa mukha ang pagkasindak. Parang nakakita ng multo.
ISANG araw iyon nang mabalitaan ni Arjay na patay na ang kanyang kaibigang si Edwardo. Pati ang iba nilang mga kabarkada ay nagulat din sa pangyayari. Ang kwento ng ina sa mga pulis ay hindi naman daw lumabas ng kwarto ang anak nila. Maghapon itong nasa bahay at nagkokomputer pero pagbukas nila ng pintuan ng tanghaling iyon ay nalaman nilang patay na pala ang binata. Hindi nila alam kung anong oras ito namatay pero nang makita ng mga pulis ang bangkay ay nahiwagaan sila.
“Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng bangkay!” sabi ng isang pulis habang pinagmamasdan ang bangkay sa morgue dahil iniimbestigahan nila kung ano ba ang sanhi ng pagkamatay nito. Maging sina Arjay at Jojo ay hindi makapaniwala sa nakikita. Pulang-pula ang katawan ni Edwardo. Para siyang nilagnat na nasobrahan sa init kaya namula at kulang nalang ay gustong sumabog.
“Ano kayang nangyari kay pare? Kawawa naman,” ani Jojo habang nakaakbay ito sa balikat ng kaibigan. Lumabas sila ng morgue saka nag-usap. Kinuwento ni Arjay ang huling pag-uusap nila ni Edwardo noong gabing iyon.
“Pare imposible talagang may nakapasok sa bahay nila at pinatay si Edwardo. Una, wala naman siyang mga nakaaway, pangalawa, katext ko palang siya noong isang gabi. Ang sabi niya pa nga ay may ka-chat daw siya sa isang website na seksing babae kaya nga hindi kona siya nireplayan noon para hindi ako makaistorbo. Yun ang huling pag-uusap namin,” ang kwento ni Arjay.
“Eh paano siya namatay? Baka may iba siyang sakit na hindi natin alam?”
“Walang kahit anong sakit si Edwardo. Sa tagal ba naman ng panahon na kasama natin ‘yan bihira lang yan magkasakit at kung dapuan man ng sakit ay ubo lang O sipon. Bihirang-bihira lang din siya lagnatin at hindi pa nagka-allergy kaya imposbileng sakit ang ikinamatay niya,”
“Kung hindi sakit paano siya namatay?”
“Yun nga ang hindi ko alam, eh! Halika na umalis na muna tayo.”
Pagkaalis nila ay nagpunta naman ang dalawa sa bahay ng isa pa nilang kabarkada. Si Yoga, ang pinakamatanda sa kanilang lahat, at ang pinakamabisyo. Ikinuwento ni Arjay ang nangyari kay Edwardo pati ang huli nilang pag-uusap.
“Dito tayo sa labas ng gate tumambay, mainit dyan walang kuryente. Brownout,” yaya ni Yoga at lumabas sila ng bahay at umupo sa tatlong silya na nakapuwesto sa harap ng gate.
“ulitin mo nga ‘yung sinabi mo.” Wika ni Yoga kay Arjay.
“Si Edwardo, nakatext ko noong isang gabi. Ang sabi niya may ka-chat daw siyang babae. Ka-SIO niya! Sex In Online,” tugon ni Arjay.
“May ibabalita pala ako sa inyo mga tol. May nakita akong website dati. Isa siyang website kung saan pwede kang makipag-chat sa mga babae at makipag-sex online. May nakapagsabi sa akin na may sumpa daw ‘yun!”
“Anong sumpa?”
“Amm… Ganito yun. Meron daw isang babae doon na may username na ‘Magdalena’ sa kanyang account. Napakaganda raw ng babae. Napaka-sexy at napakaputi. Sobrang amo ng mukha at nakaka-in love ang boses. Pero may dala raw siyang malas sa kung sinuman ang lalaking makipag-chat sa kanya.”
Nagkatinginan sina Arjay at Jojo. Parehong nagtataka.
“Oh tapos?” sambit ni Arjay at muling nilingon si Yoga.
“Tapos, lahat daw kasi ng mga nakikipag-chat sa kanya ay namamatay. Puro mga lalaki ang binibiktima. Ang usap-usapan nga raw, may naging kasintahan noon si Magdalena na isa raw engkanto. Nabuntis pa nga raw siya nito, eh. At nang mailuwal na niya ang bata, kinuha raw ito ng engkanto sa kanya at isinama sa kanilang kaharian. Iniwan niya ang babae kaya magmula noon, nawalan na ng tiwala si Magdalena sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Kaya naman gumawa raw siya ng isang account sa porn website at doon siya naghanap ng magiging kasintahan niya. Ayaw na niya sa mga lalaking nakakausap niya sa personal. Ang gusto raw niya, sa online nalang dahil wala naman daw engkanto na may account sa online diba? Pero lalo raw siyang nawalan ng pag-asa dahil nang matuklasan niya na bago pala siya iwan ng engkanto ay binigyan siya nito ng sumpa. At ang sumpang iyon ay mamamatay ang sinumang lalaki na magtangkang manligaw sa kanya O makipagtalik sa kanya.” Mahabang kwento ni Yoga. Napanganga nalang ang dalawa niyang kaibigan habang nakatingin sa kanya.
“Hoy ano ba kayo bakit kayo natulala ng ganyan sa akin!” gulat niya sa mga ito.
“P-pasensiya na tol. Pero mukhang imposible naman ‘yang sinasabi mo.” Halatang hindi pa kumbinsido itong si Jojo.
“Kung ayaw mo maniwala edi tignan mo nalang kase yung mismong website!” suhestyon ni Yoga.
“Ano ba yung link ng website na sinasabi mo?”
“www.pinoylibog.com”
“Sige. Susubukan ko mamaya kung totoo ‘yan!” pangako ni Jojo kay Yoga.
“Kapag napatunayan kong hindi totoo ‘yan, ikaw ang ipapalapa ko sa engkanto!” biro pa nito bago sila umalis ni Arjay.
“NANINIWALA ka ba sa sinabi ni pareng Yoga?” tanong ni Arjay habang naglalakad sila pauwi sa bahay ni Jojo.
“Hindi, ah! Gumagawa lang ng kwento ‘yun!”
“So ibig sabihin ba nyan talagang hahanapin mo pa yung babaeng sinabi niya kanina doon sa website?”
“Syempre!”
Pagkauwi sa bahay ay tiyempong paalis ang kanyang ina. May dala itong basket at payong.
“Anak, mamamalengke lang ako. Huwag ka munang aalis nang bahay, a? Iiwan kona itong susi sayo akala ko kasi hindi ka pa babalik.” Bilin ng kanyang ina at iniabot sa kanya ang susi na balak sana isara ang bahay dahil walang tao. si Jojo ay ulila na sa ama. Namatay ang kanyang ama noong nakaraang limang taon dahil sa pakikipag-inuman at napaaway, nasaksak. Like father like son, wika nga kaya hetong si Jojo ay lumaki ring may bisyo. Lumaking umiinom at naninigarilyo. Buti nalang ay may ginintuang puso ang ina nito kaya palagi siyang pinagpapasensiyahan at hindi nagsasawang alagaan kahit malaki na. Natatakot kasi ito na baka lalong mapariwara ang buhay ni Jojo kung hahayaan lamang niya itong gumagala-gala sa kalsada at nag-iinom araw-araw.
“Halika sa kwarto, Arjay.” Yaya ni Jojo.
“Anung ‘halika’ ka dyan! Bakit ano bang gagawin natin dyan? Ayokong makisali sa kalokohan mo kaya dito nalang ako sa salas at manonood ng TV kaysa manood ng kalibugan.” Paramdam ni Arjay at hindi na tumuloy sa kwarto. Hindi na kasi lihim sa kanilang magkakaibigan na siya lamang ang wala pang karanasan sa mga ganoong bagay. Matino siyang tao at kahit malaki na ay todo iwas pa rin sa kinahuhumalingan ng mga kaibigan.
Pagka-start ng computer ni Jojo ay binisita niya ang link na binanggit kanina ni Yoga. Nakita niya kung gaano kasarap sa paningin ang porn website na iyon. napakaraming mga categories na pagpipilian, mga chat rooms, chat groups, video chat at mga porn pictures and videos collection. Sa search bar ng website, hinanap niya ang username na ‘Magdalena’ tulad ng nabanggit ni Yoga. At ‘di niya inaasahang makikita niya agad ang account ng babaeng iyon. napakaganda nito sa DP at naka-online pa. Swerte nga naman niya.
Agad siyang gumawa ng account para magkaroon siya ng komyunikasyon sa babae.
Una, bago siya makipag-video chat, nagpadala muna siya ng mensahe sa babae. Mayamaya ay nagreply ito sa kanya. Nakipagkwentuhan muna siya sa babae at nang makuha na niya ang atensyon nito, hindi na niya pinatagal pa.
“Video Chat please?” mensahe ni Jojo.
“Sure baby!”
Itinutok ni Jojo ang webcam sa kanyang katawan pagkatapos ay hinubad niya ang soot na damit. Mula T-shirt hanggang Short.
Pagkaraan ng ilang minuto, tulad ni Edwardo ay init na init na rin siya.
Habang nanonood naman ng telebisyon si Arjay ay biglang nag-flash back sa kanyang isip ang nangyari kay Edwardo, kung paano niya ito nakitang patay at kung ano ang hitsura ng bangkay nito, pati na rin ang kinuwento sa kanila ni Yoga.
“Tanga!” sambit ni Arjay sa sarili. Agad niyang kinatok si Jojo sa pinto. Natatakot siya na baka ito naman ang sumunod. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya naniniwala sa kinuwento ni Yoga pero nang maalala niya ang nangyari kay Edwardo, naging palaisipan sa kanya iyon kaya naman parang nakukumbinsi na rin siya ng kwentong narinig.
“Jojo buksan mo!” sigaw nito. Halos gibain na ang pinto sa pagkatok. Tinulak-tulak pa ni Arjay ang pintuan subalit sa biglaang pagbukas ni Jojo ng pinto, natilapon pababa si Arjay at natumba. Nakita tuloy siya ng babaeng si Magdalena sa video chat.
“Wow! May kasama ka pala, Jojo… Bakit hindi mo sinabi kaagad?” iyon ang pagkakarinig ni Arjay sa speaker ng computer ni Jojo. Tumayo siya at napalingon doon.
“Magdalena?” aniya nang makitang nakaupo ang babae sa isang kwarto nito habang nakatingin sa video.
Bilang pagtugon, inalog-alog ni Magdalena ang dalawa nitong dibdib. Parang gustong masuka ni Arjay, tinakpan nito ang bibig at lumabas ng kwarto at hinila ang lalaki.
“Ano bang nangyayari sa’yo, tol? Bakit ganun ka maka-react? Babae naman ‘yan, a? Bakit bakla ka ba?” ginantihan ng suntok ni Arjay sa mukha ang lalaki.
“Sira! Gusto lamang kitang iligtas dahil naalala ko yung sinabi ni Yoga. Baka matulad ka rin kay Edwardo. Malay mo totoong isinumpa nga ‘yang Magdalenang ‘yan kaya wala siyang lalaking nakakatuluyan,”
“Ano ka ba naman, Arjay?!”
“Ano ka rin ba naman, Jojo?! Mabuti na ang nag-iingat,” paalala ni Arjay.
“Atsaka pwede ba magdamit ka!” dagdag nito at muling natungo sa salas.
Natawa lang si Jojo sa lalaki at muling pumasok ng kwarto.
GABI. Para makasiguradong ligtas ang kaibigan, sinubukang tawagan ni Arjay si Jojo.
“Hello?”
“Hello, Pare? Bakit napatawag ka?”
“Buhay ka pa ba, Jojo? Ikaw pa ba yan?”
“Aba syempre naman! Anong ibig mong sabihin, patay nako?”
“Wala! Naninigurado lang akong buhay ka pa. Sana nga umabot ka pa bukas. At huwag na huwag ka nang makikipag-chat kay Magdalena, ah?”
“Sige na sige na matutulog nako gabi na, eh.”
“Himala! Alas dose palang, ah? Dati hanggang alas dos ng gabi nasa kalsada ka pa. Bakit nasa bahay kana ngayon?”
“Busy ako may ginagawa lang ako sige na bye!” agad tinapos ni Jojo ang tawag. Hindi lang kasi maiwasan magtaka ni Arjay dahil ang aga naman yatang umuwi ng bahay ngayon ng kanyang kaibigan. Dati kasi ay lampas alas dose na ay tumatawag pa rin ito sa kanya at niyayaya siyang lumabas at uminom ng alak.
Sa totoo lang, nagsinungaling si Jojo. Ang totoong dahilan kung bakit hindi na siya lumabas ng bahay ng ganoong oras ay dahil masama ang pakiramdam niya. Nilalagnat. Nagkulubot siya ng kumot sa sobrang lamig. Halos mapaso siya kapag nasasagi ng kanyang kamay ang isa pa niyang kamay. Napakataas ng kanyang lagnat. Heto na nga ba ang kinatatakutan niya?
KINAUMAGAHAN ay isang patay na Jojo ang nakita sa kwarto. Mangiyak-ngiyak na niyakap ng ina ang anak. Tanghali iyon ng makarating kay Arjay ang balita kaya nagmadali siyang nagpunta sa bahay ng kaibigan at pagkarating niya ay naabutan niyang inilalabas na ang bangkay ng lalaki. nakipagsiksikan siya sa mga tao at nilapitan ang bangkay na isasakay na sana sa ambulansya. Inawat pa siya ng isang pulis pero nagmatigas siya at pilit na inalis ang kumot. Nang maalis ang nakabalot na kumot malapit sa uluhan ni Jojo, nakita ni Arjay ang kaparehong kaso ng pagkamatay ni Edwardo. Parehong namula ang kanilang mga katawan.
“Ano ho ba ang nangyari kagabi manang?” tanong ng isang pulis sa umiiyak na ina.
“Hapon po kasi iyon nang sabihin ng aking anak na masama raw ang pakiramdam niya. Nilalagnat po kaya bumili ako ng gamot para ipainom sa kanya. Nakahiga lamang siya sa kwarto noon at hindi naman lumabas ng bahay magmula nang umuwi siya kahapon ng tanghali nung papunta ako ng palengke,”
“Wala ho ba siyang ibang sakit O komplikasyon tulad ng cancer sa balat O anupaman?”
“Nanay ho niya ako. Alam ko ho na walang sakit ang anak ko,”
Iyon ang pagkakarinig ni Arjay sa usapan sa kanyang likuran. Nagduda na siya. Maaaring may katotohanan nga ang ikinuwento ni Yoga na isinumpa ng isang engkanto si Magdalena kaya lahat ng mga lalaking nagkakagusto dito ay dinadapuan ng lagnat at namamatay.
NAGPUNTA siya sa bahay nina Yoga at nanghiram ng laptop at webcam.
“Aanuhin mo ba, tol? May icha-chat ka ba?”
“Oo emportante lang,”
“Sino naman?”
“basta’t pahiram muna ako! Isasauli ko naman agad. Please?”
“O sige sandali lang kukunin ko muna.” Nagtungo ng kwarto si Yoga at kinuha ang kanyang laptop, broadband at web camera.
“O heto na, tol. Ingat sa paggamit ha dahil mahal ‘yan.” Bilin sa kanya ni Yoga.
“Sige salamat. Nga pala patay na rin si Jojo. Kaninang umaga lang. Huwag mo na itanong sakin mabuti pa pumunta kana lang sa kanila sige uwi nako nagmamadali ako, eh!” nagmamadaling sabi ni Arjay at lumakad na pauwi.
“Hoy teka lang! Anong patay? Ano? J-Jojoy? B-bakit anong nangyari?” halos mabulol-bulol na sabi ni Yoga subalit nakalayo na ang lalaki at imposibleng marinig pa siya nito.
PAGKAUWI sa bahay ay agad nagkulong sa kwarto si Arjay at idinugtong ang web cam sa laptop at isinaksak rin ang broadband para gumana ang internet nito. Buti nalang ay natatandaan pa niya ang link ng website na nabanggit ni Yoga kaya ito ang agad niyang hinanap. Nang lumitaw na ang website ay gumawa agad si Arjay ng account at nang matapos ay hinanap niya sa search bar ang username na ‘Magdalena.’
Pagkalitaw ay agad niyang clinick ang profile nito, naka-online ang babae kaya agad nagpadala ng mensahe ang lalaki. Ilang sandali ay nagreply ang babae. Una niyang hiningi ang address nito na agad naman ibinigay ng babae at tinanong pa siya kung may balak ba siyang makipag-meet. Hindi niya sinagot at agad niyang tinawagan ang babae via video call. Ipinokus na ni Arjay ang webcam sa kanyang sarili. Mayamaya ay tinanggap na ng babae ang video call niya. Nagkita sila ng harap-harapan sa screen ng laptop.
“Teka lang, hindi ba’t ikaw ang kaibigan ni Jojo?” malandi ang boses ng babae. Para bang naghahamon talaga ng sex. Pero hindi nagpadala si Arjay doon. Ang tunay na lalaki ay hindi uto-uto.
“Oo kaibigan ko siya. Maaari ba akong magtanong?”
“Yes, kung anuman ang tanong mo, Oo lang ang sagot ko dyan…” malanding tugon ni Magdalena, ang inaakala kasi niya ay magtatanong lamang ang lalaki kung gusto siya nitong maka-sex sa personal kaya hiningi nito ang address niya pero iba ang itinanong ni Arjay.
“Ano ang tunay mong pangalan?”
“Ako si Aileen Joan. Bakit ikaw ba?”
“Kung ang pangalan mo ay Aileen Joan, bakit Magdalena ang gamit mong pangalan?”
“Dahil ako’y sawing palad. Kailan kaya nila ako maiintindihan?”
Napabuntong hininga si Arjay. “Parang kumakanta lang ‘te?” sabi pa niya sa isip niya.
Bigla ay pinatay ni Arjay ang laptop. Nagtaka tuloy si Magdalena nang maging black ang screen ng kanyang computer at may lumitaw na ‘error.’
“Grabe naman yung lalaking ‘yun! Isnaban pa naman ako ng ganoon?” aniya sa sarili habang nakataas ang kaliwang kilay.
Paglabas ni Arjay ng kwarto ay nakabihis siya ng pang-alis.
“O anak saan ang lakad mo bakit biglaan yata?” tanong sa kanya ng ina nang maabutan nitong palabas na ng bahay ang lalaki.
“Nay emportante lang ho. Tumawag kasi yung kaibigan kong nag-offer sa akin ng trabaho sa San Fernando. Pupuntahan ko lang dahil gusto raw akong makausap nung amo.” Palusot niya at agad lumabas ng bahay. Hindi na nasabi pa ng ina niya na mag-ingat siya.
Sa San Fernando, Pampanga matatagpuan ang address na ibinigay ni Magdalena sa kanya. Bigla kasi siyang nakaramdam ng kaba ng makausap niya ang babae. Mayroong six sense si Arjay kaya nararamdaman niya kung ano ang posibleng mangyari sa hinaharap. Ang pakiramdam na ganoon ay dapat niyang tuklasin bago mahuli ang lahat. Isang oras lamang ang biyahe papunta sa San Fernando at dalangin niya’y sana hindi siya mahuli.
Samantala, si Magdalena naman ay inaayos ang picture ni Arjay sa computer. Habang ka-chat niya kasi ito kanina ay lihim niyang ini-screen shot ang computer kaya nakuha pati larawan ni Arjay sa video chat. Buti nalang ay nagawa niya iyon bago namatay ang video kanina sa kabilang linya kaya nang mai-print niya ang litrato ay nagpunta si Magdalena sa likod ng bahay na nahaharangan ng matataas na pader at may bubong kaya madilim doon. Nakatambak doon ang mga gamit niya sa pangkukulam. Hindi totoo ang mga balitang isinumpa siya ng engkanto kaya lahat ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya ay nilalagnat at namamatay. Ang totoo ay siya ang nagbibigay ng sumpa sa mga lalaki para dapuan ng sakit at bawian ng buhay. At sa pamamagitan ng screen shot ay nakakakuha siya ng litrato ng mga lalaking nakaka-chat niya at iyon ang ginagamit niya sa pangkukulam.
“Espederiyas tasur de muryento, as helere kahere mestisar…” paulit-ulit na bulong ni Magdalena sa manikang itim at inihulog niya ito sa malaking kawa na kumukulo. Mainit ang tubig na nandoon, kasing init ng isang taong may mataas na lagnat. Binudburan niya ng pamintang durog ang kumukulong kawa at pinatakan ng dugo na nanggaling sa kanyang hiniwang palad pagkatapos ay akmang ihuhulog na niya ang litrato ni Arjay sa kawa ng biglang…
“Magdalena! Napapaligiran na kita!” boses ng isang lalaki ang gumulat sa kanya. Pagkaharap niya ay laking gulat niya ng makitang si Arjay iyon! Kinabahan si Magdalena. Sana ay hindi nalang pala niya binigay ang buong address niya at mga detalye kung saan matatagpuan ang tirahan niya. Hindi niya alam na may binabalak pala ang lalaking iyon.
“Bisto na kita! Sabihin mo nga sa akin ang katotohanan… Bakit may mga ganyan kang gamit? Parang gamit ng mga mangkukulam?” galit na tanong ni Arjay sa babae. Nang hindi makapagsalita si Magdalena ay hinawakan niya ito ng mahigpit sa mga braso at halos sigawan na.
“Magsalita kaaaaa!!!”
“B-bitawan mo ako at magsasalita ako!” nanginginig ang boses ni Magdalena. Binitawan siya ng lalaki. Huminga ng malalim si Magdalena saka tumingin kay Arjay. Ikinuwento nito ang katotohanan.
Isang simpleng babae si Aileen Joan. Lahat ng katangian ng isang babae ay nasa kanya na subalit walang lalaki ang lumalapit sa kanya para manligaw. Iyon ay dahil alam ng tagaroon na may lahi siyang mangkukulam. Matagal nang patay ang ina niya at sa kanya ipinamana ang kapangyarihang itim na nagmula sa kanilang lahi. Dahil sa walang lalaking lumalapit O nakikipag-usap man lang sa kanya ay nakaisip siya ng paraan. Gumawa siya ng account sa isang porn website at gumamit ng pangalang Magdalena. Pinili niyang doon na lamang maghanap ng lalaki dahil alam niyang walang tanggi-tanggi pagdating sa mga ganoong websites hindi katulad ng facebook na hindi lahat ng mga male users ay interesadong makipagtalik sa isang taong hindi naman nila kilala. Ginamit ni Magdalena ang kanyang angking ganda para akitin ang mga lalaking nakaka-video chat niya hanggang sa may natagpuan siyang isang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso. Iyon si Anthony Calacat Aguiire alyas Mark Calacat. Sa lahat kasi ng mga lalaking nakaka-chat niya ito kay Anthony lamang niya natagpuan ang isang katangiang gusto niya sa isang lalaki kaya naman nang hiningi ng lalaki ang address niya ay hindi tumanggi si Magdalena na ibigay ito. Nang magkita sila ng lalaki sa bahay niya ay agad nilang ginawa ang kanilang kaligayahan. Nakipagsex siya kay Anthony tulad ng ipinangako nila sa isa’t-isa at hindi lang iyon. Nangako rin ang lalaki na hindi na siya aalis kay Magdalena. Magsasama na sila habang buhay kaya lalong natuwa at napamahal ang babae sa kanya subalit isang araw ay naglaho na parang bula ang lalaki. Nag-iwan ito ng sulat sa kanya:
“Hindi na kita kayang mahalin. Ngayon ko lang nalaman na may lahi kang demonyo. Ang babaeng katulad mo ay hindi dapat minamahal at pinapatulan. Pasalamat ka mabait ako at hindi ko ipagsasabi ang sikreto mo pero ipagkakalat ko naman na may asawa kang engkanto.”
Ikinagalit iyon ni Magdalena. Labis-labis na poot ang kanyang naramdaman kaya magmula noon ay palagi siyang naghahanap ng biktima sa porn website na iyon. inaakit niya ang mga kalalakihan, inii-screen shot ang litrato ng mga ito at iyon ang ginagamit niya sa pagsasagawa ng pangkukulam.
“Sinukang lalaki ka para sulatan ako ng ganito. Kung hindi ka ba naman isang malaking tanga! Dahil sa pagtakas mo ay lalo mo lang akong binibigyan ng pagkakataon para maghasik ng lagim! Dapat sana ay pinatay mo na ako habang natutulog ako pero anong ginawa mo? Tumakas ka! Kaya heto ako at gaganti sa inyong lahat na mga lalake. Mga manloloko! Mga inutil! Kayo ang tunay na salot! Kaya matitikman ninyo ang bagsik ng kapangyarihan ng isang dakilang mangkukulam! Sa aking ganda, siguradong mag-iinit kayo. Tama! Mag-iinit kayo sa sobrang sakit at mamamatay!” banta ni Magdalena.
At doon nagtatapos ang kanyang kuwento kay Arjay. Pagkatapos niyang magkwento ay tuluyan siyang napaiyak.
“Kaya ko lang naman ginagawa ito dahil walang lalaking gustong magmahal sa akin. Nahihiya akong ipagtapat ang tunay kong pagkatao dahil sa takot na baka hindi nila ako tanggapin! Pero mali sila, eh! Handa naman akong magbago at talikuran ang madilim kong buhay, ‘yun ay kung mamahalin nila ako,” mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Magdalena. Makikita ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Nakaramdam ng awa si Arjay sa babae at niyakap niya ito.
“Kung iyon lang ang paraan para mahinto na ang pagpatay mo sa mga kalalakihan, sige mamahalin kita,” mula sa pusong sabi niya.
Natigilan si Magdalena sa pag-iyak. “T-talaga? H-hindi mo rin ba ako iiwan katulad ng ginawang pag-iwan sa akin ni Anthony noon?”
“Hindi kita iiwan. Pangako ko ‘yan sa’yo. ‘Yan ay kung ipapangako mo rin sa akin na ititigil mo na ang pangkukulam sa mga lalaki. Nandito ako at handang magmahal sa iyo. Matagal na rin akong naghahanap ng babaeng para sa akin.”
Ramdam ni Magdalena na parang may katauhang humiwalay sa kanyang katawan. Nagbago ang takbo ng kanyang utak. “S-salamat, Arjay. Oo handa nakong magbago, para sa’yo.” Tugon niya at napayakap siya ng mahigpit sa lalaki. Nang mga sandaling iyon ay parang nanumbalik siya sa dati niyang katinuan. Nawala ang poot na naghahari sa kanyang katauhan.
“A-arjay, may nais nga lang pala akong aminin pa.”
“Ano iyon, Magdalena?”
“Sigurado ka ba sa gusto mo na mahalin ako? Tatanggapin mo pa rin ba ako kahit may anak na ako? Yung anak namin ni Anthony ay handa mo ba iturin bilang ating anak?”
“Nasaan ba ang anak mo?”
“Itinago ko siya sa probinsya namin sa Davao. Kung gusto mo puntahan natin para masundo ko siya at maipakilala sa’yo. Huwag kang mag-alala dahil mga pinsan ko lang naman ang nandoon. Kasali rin sila sa aming lahi pero wala silang alam sa pangkukulam kaya siguradong rerespituhin nila ang aking desisyon na mapangasawa ka,”
“Sige. Hindi ko naman sila kamumuhian, eh. Basta’t ang gusto ko lang ay linisin mo na ang pangalan mo magmula ngayon,”
“Oo Arjay. Mula ngayon kalilimutan kona ang pangalang Magdalena. Ako na muli si Aileen Joan.”
NAPAGKASUNDUAN nina Aileen na hindi na muna ipaalam sa mga magulang ni Arjay ang tungkol sa kanilang dalawa. Sa oras na masundo ni Aileen ang kanyang limang taong gulang na anak ay aalagaan niya ito sa bahay nila sa San Fernando. Bibisitahin na lamang siya doon ni Arjay at kapag may oras ang lalaki ay papasyal sila sa masasayang lugar. Gagawin nila iyon sa loob ng isang taon hanggang sa tuluyang maka-recover si Aileen at tuluyan nang iwanan ang kanyang lahing mangkukulam. At pagdating ng takdang araw, ipakikilala na siya ng lalaki sa mga magulang nito at doon na sila magsisimula ng bagong buhay.
THE END.
BINABASA MO ANG
KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)
Horror"Nasubukan mo na bang makipag-usap sa mga nasa kabilang buhay na?" - Manang ~~~ Written by different writers.