Balat ng Halimaw
Simula paman ay nakahiligan na ni Nikita ang mga mamahaling sinturon at bag. Hindi siya nanghihinayang na gumastos ng malaking halaga mabili lang ang bag na maibigan niya.
"Ano ka ba naman, Nikita. . . katumbas na yata ng halaga ng isang bahay ng mahirap ang halaga ng binili mong bag," ani Cedes nang ipagmalaki ng dalaga ang bag nito.
Larawan naman ng kasiyahan si Nikita. "Alam mo ba, Cedes, sa tuwing nagdadala ako ng bag na kasing mahal nito, pakiramdam ko ay kaya kong bayaran pati ang buhay mo," napalakas ang tawa ng babae.Alam naman ni Cedes ang ugali ni Nikita. Ang taong mahirap na hahara-hara sa daan ay kaya nitong sagasaan. Mayaman si Nikita. At kung umasta ito ay para bang kalahati na ng mundo ang nabili nito.
Basta, ginusto ni Nikita ay nakukuha nito.
"Kursunada ko iyang alaga mong sawa," sabi ni Nikita sakatipan niyang si Rey. Alam naman ni Nikita kung gaano kahalaga kay Rey ang mga exotic pets nito kagaya ng sawa.
"Kung gusto mo, ibibigay ko," sabi naman ng lalaki. "Basta alagaan mo lang kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko."
Napangiwi ang mukha ni Nikita. "Yuck! Kaya ko hinihingi ang alaga mong sawa ay para gawin kong bag at tsinelas ang balat."
"Ano!" Nanlaki ang mga mata ni Rey sa pagkagulat. Pero makakatanggi pa ba siya gayong nararamdaman niyang masama na naman ang hininga ng babae kapag hindi napagbigyan sa gusto nito. Isa pa ay mahal na mahal ng lalake ang nobya. "Sige. . . bahala ka na kung ano ang gusto mo."
Napangiti si Nikita. Wagi nanaman siya.
Lalong nakaramdam nang matinding kasiyahan si Nikita nang makakontak siya ng magaling na tagagawa ng bag. Wilmor ang pangalan nito at nagtatrabaho sa isang kompanya na gumagawa ng mga bag at sapatos.
"Kaya mo bang gumawa ng bag mula sa balat ng ahas?" tanong
nya.
"Of course! Kung gusto mo ay ipakikita ko pa mismo sa iyo kung paano balatan nang buhay ang sawa.""Magaling! Magaling!" tuwang—tuwa si Nikita.
Pumapalakpak pa si Nikita habang nakikita niya ang proseso sa paggawa ng bago niyang bag na gawa sa balat ang ahas. Pero dahil may tinanggap na tawag ay napilitan siyang iwan si Wilmor. Binalikan niya ito nang matiyak na yari na ang ipina-made-to-order bag.Isang napakalaking bag ang nagawa ni Wilmor para sa kanya. Sapat para isilid ang tao sa loob. Dismayado si Nikita.
"Para sa iyo, Magandang Binibini," mukhang kinukursunada pa siya ni Wilmor.
Sinupalpal niya ng pera ang mukha ng lalake. "Sa susunod, may ipagagawa pa ako sa iyo. Pero hindi ko sinabi sa iyo na igawa mo ako ng bayong... bobo!"
Napangisi ang lalaki. May kinuha sa gawing likuran. Pagkatapos ay iniabot kay Nikita ng isang bag na ubod ng ganda ang yari atdisenyo.
"Heto ang parte ng balat ng sawa na ginawa ko para sa iyo. Maganda
ba?"Napangiti si Nikita. Maganda nga ang bag. Isinukbit niya ito sa balikat at lumakad na.
Habang daan, ang pakiramdam ni Nikita ay nananaghili ang bawat makakita sa bag na sukbit niya kaya parang nakatapak siya sa ulap habang naglalakad...Sa loob-loob niya: Ano kaya kung ipatuklaw ko ang mga mata nila sa ahas ? Pagkatapos ay natawa ito sa bagay na naisip.
IBAYONG ligaya ang hatid kay Nikita ng bago niyang bag. Buong pagyayabang din niyang ipinakita sa katipan at sa kaibigang si Cedes ang bago niyang bag. Sa bahay niya nakatira si Cedes. Parang isang asambahay ang turing niya sa dalaga dahil may malaking utang sa kanya ang tiyahin na nagpalaki rito at hindi makabayad-bayad.
"Ano sa tingin mo, maganda ba?" at umikut-ikot si Nikita sa harap ng kasintahan na parang nagmamalaki pa.
Nalungkot si Rey dahil ang dating may buhay na alagang sawa ay pinatuyong bag na ngayon. Pero tumango na lang ang lalake kahit talagang masama ang loob.
BINABASA MO ANG
KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)
Horror"Nasubukan mo na bang makipag-usap sa mga nasa kabilang buhay na?" - Manang ~~~ Written by different writers.