The Underground
Kung titingnan mo ang isang computer services shop na iyon ay parang normal lang. Pero sa kabila nito may malaking lihim ang lugar na iyon. Ang katabing building nito ay isang mini-groceries. Iisa lang ang may-ari ng computer services shop at mini groceries na iyon, sina Ma’am Macaria at Sir Ernesto. Nasa late 40’s na sila pero hindi biniyayaan ng anak.
Si Chelsea ay 25 years old, nursing graduate pero dalawang beses ng bumagsak sa licensure exam. Kaya napadesisyonan na lang nito na ‘wag munang mag take ng exam this year. Sa halip, maghahanap na lang siya ng ibang trabaho. Kaya naman sa araw na iyon ay sinimulan na niya ang paghahanap ng trabaho. Nagpalibot-libot siya sa siyudad. Maraming nag ha-hiring pero ‘di naman siya kwalipikado. Accounting staff, project manager, engineer, front desk officer at kung ano-ano pa ang mga nakikita niyang available na work. Ayaw naman kasi niyang mag call center agent, hindi dahil hindi siya marunong mag ingles pero alam niya na makakasama sa kalusugan ang trabahong ito. Naging call center kasi ang pinsan niyang si Irish pero kalaunan bumigay din ang katawan nito. Naka grave yard shift kasi ito, kaya nag kasakit ito ng pulmonya at malaki ang nagastos ng parents nito sa hospital bills. “Hayyy! Ang hirap talaga maghanap ng trabaho, sana naman next year ay papasa na ako sa licensure exam,” sabi nito sa isip.
Nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap ng trabaho ng araw na iyon. Hanggang sa may nakita siyang nakapaskil sa poste na dinaanan niya. Binasa niya ang impormasyon nito. Naghahanap ng data encoder! Walang sinasabing ibang kwalipikasyon basta lang daw may basic knowledge sa computer like MS Word, excel at power point. Wow! Alam na alam niya itong gawin dahil meron siyang sariling netbook, regalo ito ng tita niya sa abroad noong ikadalawampung taon niya. Agad niya pinuntahan ang address na iyon para mag submit ng resume.
3 days after, may natanggap siyang text galing iyon sa pinasahan niyang computer services shop na naghahanap ng worker. Pwede na daw siya magsimula bukas, Wow! Ang bilis naman ng pagtangap sa akin. Maaga siyang gumising ng sumunod na araw, excitement na may halong kaba ang nararamdaman niya para sa bagong trabaho. Lumipas ang mga araw, alam na ni Chelsea ang pasikot-sikot ng trbaho nito. Hanggang isang araw, hindi niya sinadyang narinig ang pag-uusap ng dalawang amo sa kitchen ng shop na iyon. Nag CR kasi siya at malapit lang ang kitchen dito.
“Ernesto, mukhang gutom na gutom na ang anak natin, kaylan pa natin siya pakakainin?
“Maghintay lang tayo ng magandang tiyempo Macaria, malapit na rin”, among lalaki niya iyon.
Naging palaisipan kay Chelsea ang naririnig mula sa mga amo nito. Sa pagkakaalam kasi niya walang anak ang dalawa. Kaya agad nitong inusisa ang kasamahang si Daniel.
“Wala ba talagang anak sina Sir?”, tanong nito.
“Wala, bakit ba Chelsea?"
“Kuwan kasi di ko sinadyang narinig ang pag-uusap ng dalawa na gutom na gutom na diumano ang anak nila”, paliwanag ni Chelsea.
Sa puntong iyon, napamaang si Daniel kitang-kita iyon ni Chelsea pero agad naman itong nakabawi.
“Wag kang makialam sa pinag-usapan ng iba, ang gawin mo ang trabaho mo,” tiim-bagang sabi nito.
BINABASA MO ANG
KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)
Horror"Nasubukan mo na bang makipag-usap sa mga nasa kabilang buhay na?" - Manang ~~~ Written by different writers.