A/N: Pasensya na po kung sumobra sa tagal ang pag uud ko ha? Sorry~ :( This is inspired sa nabasa kong nagconfess sa FEU Secret Files. I'm an avid reader of it! ♥ Nilagyan ko lang ng twist para goosebumps. Enjoy reading! :)
SUCCUBUS
by: Fujiwara Hanazona
May boyfriend ako na laging nag-i-sleep paralysis sa dorm nya. Iyon ay yung tulog ang katawan mo pero ang diwa mo ay gising na gising, nakikita mo paligid mo pero di ka makagalaw kahit na pagpikit ng talukap ng mata ay hindi mo magagawa.
Nung una, nangyari sa kanya yun, he can't move. Babalewalain na lang sana ng boyfriend ko kung wala lang syang napansin na parang may anino ng isang babae sa banda bintana ng room kaharap nya pero malayo. Kinabahan sya, Iniisip nya na baka guni-guni lang nya. Pinilit nyang igalaw ang kamay nya ngunit ni daliri nya ay di nya maigalaw. Nag dasal na lang sya sa isip nya.
Pangalawa ay nangyari ulit sa kanya. Same scene pero banda na sa higaan ng boyfriend ko yung anino ng babae, may nakapagsabi sa kanya na kapag nag-i-sleep paralysis ka daw ay dapat na pilitin mong maigalaw ang mga paa mo tapos mag pray ka, then ginawa naman nya yun and it works!
Akala namin ng boyfriend ko ay di na uli magpapakita ang babae sa kanya pero nagkamali kami, mas lumalam pa pala. Yung itim na anino ng babae ay katabi na ng boyfriend ko! Mas nanghilakbot siya ng makitang nakatingin pa ito sa kanya.
One time, nangyari ulit sa kanya. Yung mukha ng babae napakalapit sa mukha ng boyfriend ko. Kumbaga face to face!
Sumigaw ang babae ng ubod ng lakas. Nanlalamig ang boyfriend ko, pinagpapawisan na sya. Butil-butil ang pawis nya sa noo. Di na nakakatulog ng maayos ang boyfriend ko. Pipikit lang sya saglit then didilat din naman agad, isang beses nga nakita ko syang dumilat ng nanginginig eh.
Sunod nun ay nagpakita ulit sa kanya yung babae ngunit agad na iginalaw ng bofriend ko yung paa nya kaya nagising din naman sya kaagad.
Aklala nya yun na yung huli na mangyayari yun sa kanya, pero nagkamali sya.
Gabi noo, mga bandang alas-dyis ng gabi, may kumatok sa pinto nya.
BABAE!
Nagyakapan sila!
"AAAAHHHHHHHHHH!" Malakas na sigaw ng itim na anino ng babae. Pinilit paghiwalayin ng itim na babae ang boyfriend ko at yung isa pang babae na kararating pa lang. Ngunit nabigo ang itim na babae.
Isang gabi, Sa dorm ulit ng boyfriend ko natulog ang babae nya. Narinig ulit ng babae nya at ng boyfriend ko ang malakas na palahaw ng itim na anino ng babae.
----
Magkayakap na natutulog ang boyfriend ko at ang babae nya. Mahimbing ang tulog nila. Sa galit ng itim na anino ng babae ay nagawa nyang hilain ang paa ng babae na nakayakap sa bf ko ngunit mas humigpit ang yakapan ng dalawa kaya hindi nahila ng tuluyan ang babae ng galit na galit na anino ng babae. May oras na hirap na hirap ang itim na babae na makalapit sa dalawa. Nangigigil ang itim na anino ng babae. Gigil na gigil.
Isang araw, may nakapagsabi sa boyfriend ko at sa babae nya na baka si INCUBBUS ang nagpapakita sa kanila, iyon daw ay isang babaeng demonyo. May naikwento pa sa kanila na pag nagpakita daw sayo ang isang Succubus habang nag-i-sleep paralysis ka ay gusto ka daw nya. Gusto ka nyang i-seduce o i-rape at dalhin sa mundo nya...
Pero totoo nga ba si Succubus o gawa-gawa lamang?
Siguro ay para matakot ang boyfriend ko at ang babae nya?
Pero paano kung totoo nga?
Totoo nga ba na ang itim na anino ng babae na nagpapakita sa boyfriend ko at sa babae nya ay si SUCCUBUS?
Kung ganoon nga, Ibig sabihin... Ako pala si Succubus?
Ngumiti ako. Isang nakakangilabot na ngiti. Lumapit ako sa boyriend ko at sa babae nya, dinaganan ko ang babae. Sa mukha. Para di makahinga. Saka nilapit ang mukha ko sa mukha ng boyfriend ko, Hindi na naman sya makagalaw, butil-butil na naman ang pawis sa noo nya. Nanlalaki ang matang tumingin nsya sa akin, pinilit nya na sa ibang direksyon itutok ang kanyang paningin, wag lang sakin. Ngunit nabigo sya dahil mas nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha nya. Kumbaga face to face.
Pinilit na lamang nyang pumikit. Pero di nya magawa. Malamang ay nanghihingi na sya ng tulong sa tinatawag nyang diyos.
Ngumiti ako sa boyfriend ko, naging malikot ang mga mata nya, iniiwasang mapatingin sa aking mga mata.
Ngunit nabigo sya.
Hinaplos ko ang mukha nya at saka mahinang nagsalita, "Akin ka. Ikaw ang aking .... INCUBBUS." Kasabay nun' ang pagtigil sa paggalaw ng malilikot nyang mata, senyales na sya'y nalagutan na ng hininga.
--WAKAS!--
x-x-xx-x-x
(A/N: INCUBUS- Counterpart ni Succubus. Male demon.)
BINABASA MO ANG
KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)
Horror"Nasubukan mo na bang makipag-usap sa mga nasa kabilang buhay na?" - Manang ~~~ Written by different writers.