Close your eyes

2K 28 1
                                    

Close your eyes
Written by: FujiwaraHanazona

(A/N: This is a True story, nangyari sakin 'to when I was twelve years old.)

***

Nilibot ko ang aking paningin. Madilim. Napakadilim. Wala akong makita. Nasaan ba ako? Naiiyak ako. Takot kasi ako sa dilim. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Natatakot ako... Wala akong maaninag. Bulag na ba ako?

"Tulong... Nasan ako? Huhuhu.." Tuluyan na akong napaiyak. Nakakabingi ang katahimikan. Tanging iyak ko lamang ang maririnig. "Tulungan nyo ko... Palabasin nyo ako.. Mama nasan ka..." Naiyak na sabi ko habang inililibot ko ang paningin ko kahit na wala naman akong maaninag kundi kadiliman.

Biglang umilaw. Kaunting ilaw. Tila Spotlight iyon. Madilim pa rin ang ibang parte dahil isang lugar lang naman ang nailawan.

Balak ko sanang lumakad papunta doon ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa. "Uwaaaa! Tulonggg" Natatakot ako kasi baka hindi na talaga ako makaalis dito.

Napapitlag ako ng makitang may tao na nasa gitna ng liwanag. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. "Anong problema mo binibini?" Magalang na tanong niya sa akin.

"Uwaaa! Gusto ko na pong umuwi!" Lalong lumakas ang iyak ko dahil gusto kong maawa sya sa akin. Gusto kong iuwi na nya ako pabalik sa bahay namin.

"Ipikit mo lamang ang iyong mga mata binibini." Ani nya. Naguguluhan man ay agad ko namang sinunod ang kanyang ipinag-uutos.

Marahan na ipinikit ko ang aking mga mata...at pagdilat ko ay nasa bahay na ulit ako. Nakahiga. Tagaktak ang pawis.

Panaginip lang pala.

***

A/N: Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit naging ganoon ang panaginip ko. Naguguluhan kasi ako, sino yung lalaki na nasa spotlight? Sabi ng iba, bangungot daw iyon?

KILABOT (Tagalog Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon