Kabanata I

106 2 0
                                    




"Hating gabi na at ngayon ka lamang uuwi? Nasaan ang kahihiyan mo Sebastian?"




Saad ko sa asawa kong kapapasok lamang ng aming kwarto. Humalo sa hangin ang amoy nitong amoy alak. Napahigpit ang hawak ko sa librong binabasa nang may kung anong pulang bagay ang nasa leeg nito.

Hindi nito ako pinansin at pasuray-suray na lumakad papasok ng aming kwarto. Gusot-gusot ang puti nitong polo at hindi na rin maayos ang pagkakatali ng necktie nito. Mas lalong nagdilim ang aking paningin nang maisip kung bakit ganoon na ang sitwasyon ng polo nito.

Pinanood ko lamang siya na nagtatanggal ng botones, hinihintay na baka sagutin pa ako nito. 

Tila may tumarak sa aking puso nang makita ang sunod-sunod na pulang bagay sa kaniyang dibdib nang matanggal nito ang tatlong botones ng kaniyang polo.

"Had some fun? At talagang ilalantad mo pa sa harapan ko ang kahayupang ginawa niyo ng babae mo?"

Natigil ito sa pagtanggal ng kaniyang botones at tinignan ako deretso sa mata. Matatalim ito na nag bigay sakit sa aking puso.

"Stop it Amanda. We both know hindi lamang ako ang may kabit sa ating dalawa."

Natahimik ako sa sinabi niys at hindi na muling nakapagsalita. Ipinagpatuloy niya ang pagtanggal ng damit habang ako ay nanonood lamang sa bawat galaw nito.

Wala akong pakielam kung mambabae man ito. He can cheat with all the women in the world, the hell I care. Ang sa akin lang, sana naman ay huwag nitong ipakita sa akin ang kung ano mang ginawa nila ng babae niya. Dahil ano mang gawin naming dalawa hindi nun matatanggal na ako pa rin ang asawa niya.

Matapos nitong matanggal ang saplot ay dumiretso na itong banyo. Tumayo na ako at pinulot isa-isa ang nagkalat nitong damit. I smelled a girls perfume on his polo, mayroon ding tinta ng lipstick ang kwelyo nito. Napahigpit ang hawak ko doon at gusto na lamang iyong punitin. Ngunit hindi ko iyon ginawa, bagkus ay inayos ko na lamang ito at inilagay sa basket ng labahan.

Lumabas ito ng banyo na nakabihis na ng pantulog. Akala ko ay tutuloy na ito sa aming kama upang makapagpahinga. Nagulat ako nang maglakad ito palabas ng aming kwarto. Nangunot ang noo ko.

"Saan mo balak matulog? Sa babae mo? Gabi na, pupunta ka parin doon? Kung ganoon din lang naman pala ang plano mo sana ay una palang hindi ka na umuwi."

Lumingon ito sa akin. Kung kanina ay matatalim ang titig nito, ngayon naman ay tila wala na itong pakielam sa sinasabi ko. That he's only in front of me because he is supposed to be my husband.

"Tumigil ka na Amanda. Wala na akong pakielam sayo, kaya pwede ba? Stop with your accusations. You know we're both cheating with one another. Stop playing innocent. Stop acting as if ako lang ang may kabit sa relasyong ito."

Nanghina ako sa sinabi niya ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Bagkus ay sinalubong ko pa rin ang bawat titig nito sa akin.

"Stop acting like a loyal wife when you're not even a bit of it."

Pagkatapos nun ay tuluyan na niya akong iniwan sa kwarto. Itinuon ko na lamang ang pansin sa pagpupulot ng sapatos at suit case nito upang ayusin. Hindi pinapansin ang pamilyar na sakit sa aking dibdib. Ano pang silbi ng sakit na nararamdaman ko ngayon sirang-sira na kaming dalawa?

Matapos maayos ang lahat ay humiga na rin ako sa kama at natulog. Simula na ng weekend bukas. Araw na kung saan makakasama ko ng saglit si Ashton. 




|||||||

Alas sais ng umaga ay nagising na ako, naligo at nag-ayos. Pagkababa ko ay naabutan ko si manang Selly na nag pupunas ng mga mwebles.

Boundless TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon