Maghapon kong hindi nakita si Sebastian, pati na rin si Ashton. May mga klase ako kung saan naroroon din si Ashton ngunit hindi tulad ng una ay hindi na nito ako pinapansin. Dahil sa mga nangyari ay mabigat ang pakiramdam ko buong maghapon.
Una ay dahil sa ugaling ipinapakita ni Sebastian na taliwas sa nakaraang alam ko. In the past that I know, hindi siya ganito kalamig, kahit pa sabihin na nating hindi ako nito kilala. He always has this warm smile on his face kahit pa sa mga taong hindi nito kilala. Hindi ito suplado at malamig.
Pangalawa ay dahil kay Ashton. Nasasaktan ako sa ugaling kailangan kong ipakita sa kaniya. Even if he's just someone I had an affair with, minahal ko rin siya ng totoo. Siya ang naging kanlungan ko nang mga panahong nagdurusa ako sa pagkawala ng aking anak. He was there for me, comforting me and loving me. I have loved him but I also took him for granted. Nawala man ang klase ng pagmamahal na katulad ng mayroon siya para sa akin, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kaniya bilang isang matalik na kaibigan. At ang saktan siya sa paraang ng inaasta ko ay napakasakit na para sa akin.
Oo at hindi pa kami nagkakasala sa mga panahong ito, at hindi ko dapat siya sinusungitan gayong wala naman siyang kaalam-alam. But I can't help the feat whenever I see him. I can't help the guilt whenever I am with him. Pakiramdam ko, sa tuwing kasama ko siya ay nagtataksil pa rin ako sa asawa ko. Kahit pa sabihin na nating nakaraan ito at wala pa sa mga nangyari sa hinaharap ang nangyari na.
Now I wonder how to make things right, kung pati ako ay nalilito na dahil sa mga kaganapan ngayon na kakaiba sa nakaraan ko noon. Akala ko ay madali na lamang ang lahat dahil nagbalik lang naman ako sa nakaraan, ngunit tila mali ata ang iniisip ko gayong ang nakaraang ito ay ibang-iba sa nakaraang alam ko.
Natapos ang buong maghapon na wala akong inisip kundi si Sebastian at kung papaano ako magpapakilala rito. Papaano ko siya lalapitan? Umartr kaya akong hindi siya nakita sa dinaraanan at bungguin ko siya ng kusa tulad ng aming nakaraan?
Tama, kung hindi kusang mangyayari ang mga kaganapang nangyari sa nakaraang alam ko, pwes ay ako ang gagawa noon.
Kakapalan ko na ang aking mukha, wala nang hiya-hiya Amanda. This is the prize you should pay for betraying your husband. Pasalamat na lamang ako at binigyan pa ako ng huling pagkakataon para makasama kong muli ang asawa ko. I shouldn't waste the last chance I have been given. Sa huling pagkakataon, I won't make the same mistakes I have done that caused my son and my husband to die.
Nilikom ko na ang mga gamit ko saka ito ipinasok sa aking sling bag bago naglakad papalabas ng silid-aralan.
"Amanda..."
Napatigil ako dahil sa tawag sa akin ni Ashton. Again, the same familiar pain of betraying him crept inside my heart. Pinatigas kong muna ang aking ekspresyon bago siya hinarap. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang makita ko ang kaniyang mga matang puno ng kalungkutan.
"Tama ka, hindi lamang pagkakaibigan ang gusto kong mayroon tayong dalawa..."
Napasinghap ako sa narinig. Kinailangan kong ibaling sa iba ang aking paningin. Hindi kaya ng konsensya ko ang nakikita ko ngayon sa kaniyang mga mata. Dahil sa kaniyang mga matang puno ng kalungkutan, naisip kong kahit gaano ko man iwasang siya ay saktan, siguro nga talagang tadhana na naming dalawa na ako ay kaniyang ibigin upang siya ay aking masaktan.
"I thought being your friend first may give me the opportunity to get closer to you and to know you better, for you to know me better. But it just pushed you away from me. Sorry for being persistent..."
Hindi ako sumagot bagkus ay nakagat ko na lamang ang akin labi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa huli ay bumuntong hininga na lamang ako bago siya muling tapunan ng tingin. I'm sorry Ashton, I'm sorry that I kept on hurting you even if I don't want to.
BINABASA MO ANG
Boundless Time
Ficción GeneralWe only have one life to live, many chances taken for granted. Until it was gone leaving only regret to perceive. Then time played its game, taking me back in time. Confused to why, was it my last chance to make it right? If so, then I don't have m...
