Umuwi akong walang kabuhay-buhay. Mabuti na lamang at wala pa sila mommy at daddy nang dumating ako. Ayaw ko namang mag-alala sila kapag nagkataong makita nila akong ganito.
Pagkarating ng kwarto ko ay pumasok akong agad sa banyo upang makapag-linis ng sarili. Paglabas ko ay mayroon nang miryenda sa mesa ko. Siguro ay dinala ni manang Imelda habang nasa loob ako ng banyo. Sinumulan ko na iyong kainin saka nilabas ang iilang libro at kwaderno.
Pagkatapos kong sagutan ang iilang homework ay lumipat na ako sa drawing table para sana gumawa na ng plates na ipinapagawa ng professor namin. Ngunit ilang puting cartolina na ang nasayang ko ay wala pa ring pumapasok sa isipan kong disenyo.
Damn it!
Sa huli ay pabagsak na lamang akong nahiga sa kama. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Kung paanong kasintahan na ni Sebastian si Cassidy. Sumakit ang dibdib ko sa naalala. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang labanan ang mga luha kong gusto na namang tumulo.
Ano ngayon kung sila na Amanda? Hindi naman malabong mag hiwalay din sila hindi ba? But knowing Cassidy, I doubt that. She stoop as low as being a mistress only for Sebastian. She chose to be the second just to make my husband happy. She loved him that much.
Dahil doon natatakot ako. Natatakot akong makita iyon ni Sebastian. Natatakot akong mapagtanto niya iyon at manatili na sa tabi ni Cassidy habang buhay. Natatakot ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung papaano pa ako makakalapit, kung paano ko pa siya makakasama. Paano nga ba?
Damn it! Ayaw gumana ng utak ko. I am filled with fear, jealousy, and pain. Na tanging iyon na lamang ang umaandar sa isipan ko. Natatakot akong tuluyan na ngang mawala sa akin ang asawa ko.
I cried that night hanggang sa nakatulog na ako. Hindi na ako nakakain ng hapunan, marahil ay hindi na ako ginising pa at hinayaan na lamang akong matulog.
Maaga akong nagising kinabukasan. I tried to act normal in front of my parents pero hindi nakalagpas sa kanila ang maaga kong pagtulog kahapon.
"Amaris, may nangyari bang hindi maganda kahapon anak?"
Tanong ni daddy. Tinawag ako nito sa una kong pangalan at hindi sa nickname ko. Ibig sabihin ay seryoso ito't nag-aalala.
Uminom muna ako ng tubig bago sinagot ang tanong ni daddy. Mommy is beside him waiting for my answer too with worried eyes staring at me. Ito ang ayaw kong makita, ang mag-alala sila sa akin.
I smiled at them, upang mapanatag ang kanilang mga damdamin.
"I'm ok dad. Nagbasa kasi ako kagabi ng libro, and then pagod pa ako, kaya po siguro bagsak ang katawan ko sa kama."
Tumawa pa ako para lamang hindi sila mag duda sa sinabi ko. Naniwala naman sila sa sinabi ko at nagbigay lamang ng mga payo, isa na doon ang huwag kakaligtaan ang pagkain.
Pagkatapos nun ay nagpatuloy ulit kami sa pagkain. I stayed silent while mom and dad talks about business.
Maybe I really am a good lier.
Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at nagpaalam kila mommy at daddy na tutuloy na.
"Manong Val is already at the garage. Ingat ka anak."
Saad ni mommy bago ako binigyan ng halik sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ni daddy.
"Take care my princess."
"You too dad."
Paalis na sana ako nang maramdaman ko ang pagsunod sa akin ni mommy mula sa likuran. I sighed, mother instincts will always be right.

BINABASA MO ANG
Boundless Time
General FictionWe only have one life to live, many chances taken for granted. Until it was gone leaving only regret to perceive. Then time played its game, taking me back in time. Confused to why, was it my last chance to make it right? If so, then I don't have m...