Hindi ako mapakali habang naghihintay sa sala kasama si Manang Imelda, sa pagdating ni Sebastian.
"Manang, wala pa po bang text si Sebastian?"
Binalingan ko si manang na umiiling-iling lamang sa tinanong ko. Napapikit ako't sibubukang pakalmahin ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ako takot na takot ngayon. It's not the future, so why am I so scared that he may be outside kissing someone else? Damn it!
Gusto ko sanang tawagan si Cassidy ngunit hindi ko naman alam kung paano siya kokontakin!
"Iha, Amanda...matulog ka na iha. Maaga pa ang pasok mo bukas hindi ba? Ako nalang ang maghihintay kay Sebastian."
Umiling ako kay manang.
"Ako nalang manang. Ayos lang po. N-nariyan na din siguro iyon."
Saktong pagkatapos kong sabihin iyon ay may kung anong malakas na pwersa ang bumukas sa front door. Marahas kong nilingon kung ano iyon at nakita ang pasuray-suray na si Sebastian.
Natigilan ako ng makita siya. Bumaha sa akin ang mga ala-ala ng nakaraan naming dalawa.
Naalala kong ni minsan simula ng mamatay ang aming anak ay hindi ko na siya inasikaso pa sa tuwing umuuwi siyang lasing. I would be there, at the living room watching him dangerously take the stairs up to our room. I wouldn't even spare him a glance. Na para bang wala siya sa paligid ko at nahihirapang i-akyat ang sarili dahil sa kalasingan.
Whenever those nights happen I would sleep in the guest room while he sleeps in our room reeking of alcohol. He'll vomit on his shirt and I wouldn't care. He'll make a mess of our bed and I would just tell him to take it to the laundry dahil ayaw kong ipa-laba iyon kay manang. Siya din ang pinaglalaba ko ng damit nitong nadumihan niya. And it's funny because no matter how much I think he hates me, he would always follow my words.
And now seeing him again, in this situation makes my heart ache. Lumingon ako kay manang saka ito nginitian.
"Manang pakuha nalang po ako ng maligamgam na tubig. Saka bimpo na rin po."
Tumango si manang Imelda saka na naglakad papalayo upang kunin ang pinakukuha ko.
Dali-dali naman akong lumapit kay Sebastian para siya ay suportahan. I took one of his arms and put it around my shoulder.
"Stand up Sebastian.."
He only groaned. Hirap na hirap ko siyang inalalayan papunta ng couch at doo ko siya pinahiga. Halos madapadapa pa kami.
I held him tighter, smell of the alcohol reaching my nose. Dumating si manang Imelda na mayroon ng dalang basin na may tubig tsaka putting bimpo. Inilagay iyon ni manang sa center table.
"Ano pang kailangan mo iha? May kailangan ka pa ba? Saglit lamang at tatawagin ko si Berto."
Umiling ako. Mang Bert o Berto is our gardener. Hindi malabong tulog na iyon. Hindi rin stay-in si manong Val dahil tumitira ito hindi kalayuan sa subdivision.
"Hindi na po manang."
Umiling si manang saka nagpumilit na gisingin at tawagin si mang Bert. Wala na akong nagawa ng umalis si manang para siya ay tawagin. Ilang minuto lamang ay dumating na si manang Imelda kasama si mang Berto na naniningkit pa ang mga mata dahil sa biglaang paggising.
"Ma'am ako na po ang aalalay kay sir."
Tumango ako sa sinabi ni mang Berto at hinayaan itong alalayan si Sebastian. Kukunin ko na sana ang basin at bimpo ng unahan ako ni manang Imelda.
"Sige na iha, magpahinga ka na at kami na ang bahala kay Sebastian. Tutal ay gising naman na rin si Berto, siya na ang bahalang asikasuhin si Sebastian."

BINABASA MO ANG
Boundless Time
Ficción GeneralWe only have one life to live, many chances taken for granted. Until it was gone leaving only regret to perceive. Then time played its game, taking me back in time. Confused to why, was it my last chance to make it right? If so, then I don't have m...