Ng araw na iyon ay hindi ako pumasok. Hinayaan ako nila mama at papa na maiwang mag-isa sa loob ng aking kwarto. Giving me the space I needed, to rethink all of my decisions. I was lucky enough no one asked what happened last night. Kung may magtanong man ay hindi ko alam kung anong isasagot ko.The next day I tried my best to get up from bed early and start my day. Maaga akong umalis ng bahay para tumungo sa paaralan. Dahil maaga akong nakarating ay pinili kong tumambay muna sa library. Not thinking that I might see them there.
Huminto ako at nanatili ang tingin sa kanilang dalawa. The pain is still fresh. Ang mga ngiti nilang dalawa ay mas lalong nagpakirot sa nararamdaman ko. Aaktong lilingon sa pwesto ko si Sebastian, ngunit bago pa nila ako makita ay tumakbo na ako paalis doon. Sa huli ay dumiretso na lamang ako sa classroom at doon nagpalipas ng oras.
Tulala at lumilipad ang utak ko buong durasyon ng lecture. Even with the activities in between our lectures pakiramdam ko ay bagsak ako. Kahit ang napakadaling essay ay hirap kong sagutan dahil sa wala akong ibang maisip. My mind wasn't working at all. Siguro ay mali ang desisyon kong pumasok agad-agad pagkatapos ng lahat ng nangyari.
But I have to keep moving. The world won't stop to mourn with me.
Pagdating ng lunch ay hindi na ako kumain sa cafeteria. Alam ko na naroon siya. Kaya sa library nalang ako dumiretso. Iniisip na mamayang uwian na lamang ako kakain.
I was spacing out inside the library when someone sat beside me. Paglingon ko ay nakita ko si Ashton na nakatitig sa akin.
He handed me a sandwich, doon nalipat ang atensyon ko.
"I know it's not allowed to eat inside the library. But this place hidden away from the sight of the librarian. At alam kong hindi ka kumain dahil wala ka sa cafeteria kanina. Eat this Amanda...after you ate this, I'll leave you alone."
Muli akong tumingin kay Ashton. Kinuha ko ang sandwich sa kamay niya at mabilis ko itong kinain, takot na baka mahuli kaming dalawa. After I finished the sandwich ay nag ready na ito para umalis. But I held his hands to stop him.
Wala ng rason para ilayo ko siya sa akin hindi ba?
"You can stay, it's alright. If you wanted to be friends, then be my guest."
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi ko, at hindi na tumuloy sa pag-alis. I was quiet the whole time. While he was just seating there. Panakanakang tumitingin sa akin.
"Kung may problema ka pwede mong sabihin sa akin Amanda. "
I looked at him and smile. Umiling ako at nagpatuloy sa pekeng pagbabasa.
Pagkatapos nun ay hindi na nasundan pa ang usapan naming dalawa. Ng malapit ng mag ala-una ay lumabas na kaming dalawa. This time hindi ko siya kaklase kaya naman ay naghiwalay na kami ng daan.
"I'll see you later Amanda."
Ngumiti ako saka kumaway sa kaniya. Binabagtas ko na ang daan para sa susunod kong klase. I turned left para sana mapabilis ang pagdating ko sa classroom ng susunod kong klase, but he was there. Magkakasalubong kaming dalawa. I stopped on my track. His eyes meeting mine. It was not emotionless as before. There was something in his eye that I cannot name. Bago pa niya ako madaanan ay mabilis akong tumalikod at naglakad papalayo.
Guess I have to take the longer way after all.
Pagdating ko ay naswertehan kong wala pa ang proctor. I am a minute late. Umupo ako sa pinakadulo, at hinayaan ang sariling malunod sa sariling pag-iisip.
I closed my eyes as I reminisce our moments together
Hawak ang aking kamay ay ginabayan niya akong bumaba ng sasakyan. Nakapiring ang aking mga mata at hindi ko alam kung saan ako nito dinala.
BINABASA MO ANG
Boundless Time
General FictionWe only have one life to live, many chances taken for granted. Until it was gone leaving only regret to perceive. Then time played its game, taking me back in time. Confused to why, was it my last chance to make it right? If so, then I don't have m...