Kabanata IV

40 1 2
                                    

Pagkatapos maligo ay mabilis akong nag bihis ng aking uniporme. Ni hindi ko na inayos pa ang necktie ko at dali-dali nang kinuha ang aking schoolbag sa gilid ng aking kama. Patakbo akong bumaba sa aming hagdan. Dumiretso na muna ako sa aming kusina upang maayos na makapag-paalam sa aking mga magulang. Pagkarating doon at agad ko silang binigyan ng halik sa kanilang pisngi. Mom was just watching me habang si papa naman ay nasa akin din ang mga mata habang sumisimsim sa mainit nitong kape.

"Ma, pa, mauuna na po ako. "

"Hindi ka na ba talaga kakain anak?" Saad ni mama. Umiling ako dito at ngumiti.

"Hindi na mama, late na ako at pangalawang araw pa lamang ng eskwela."

Ibinaba ni papa ang tasa saka ako tinignang muli.

"Then Manong Val would drive you to your school para hindi ka mahuli. Naroon na siya sa garahe at inihahanda ang sasakyan. Siguraduhin mong kakain ka sa eskwela tulad ng sabi mo, Amanda."

Tumango ako't ngumiti kay papa. This is my Dad. Isa akong prinsesa sa aking mga magulang dahil mag-isa lamang ako. Puspusan ang pag-aalaga nila sa akin. Ni minsan ay hindi nila ako pinabayaan kahit pa asa kolehiyo na ako. They still treat me as a little child. By that hindi ako nagreklamo. Bakit ako magrereklamo kung iyon ang paraan nila upang mahalin ako?

Noon ay hindi ko ito kita. I was raised as a spoiled brat. I get what I want. Isang sabi ko lamang ay ilalahad na nila ang gusto ko sa aking harapan. I thought they were just doing it because we're a middle class family. That we still have spare money to spend on my whims. That it is their responsibility as my parents. But no. The moment they died I realized that love and responsibilities are different. Love has no conditions and no limit. While responsibility does.

Ang pag mamahal ay kusa. Habang ang responsibilidad ay isang pilit na bagay.

"Yes pa. Sige ho, mauuna na  po ako. Bye!"

Tumakbo na ako palabas at papunta sa garahe. Nadatnan ko si Manong Val na chine-check ang gagamiting sasakyan. Nang makita ako nito ay agad nitong isinara ang takip na tumatakip sa makena.

"Sakay na ho kayo mam. Ihahatid ko na po kayo."

Ngumiti ako kay Manong Val saka na sumakay sa passenger seat. Mabilis naman din itong sumakay saka na pinaandar ang sasakyan.

I know what will happen today. Sa pagmamadali kong pumasok sa una kong klase ay nabangga ko si Sebastian. Iyon ang una naming pagkikita. He'd say sorry to me and as an act of sincerity of saying sorry, he'll ask me and treat me for lunch. Iyon na simula ng aming pagkakaibigan.

I was excited all the way. Namamasa ang mga palad ko't hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga ito. I am excited to see him again. Hindi mapapantayan ang sayang aking nararamdaman sa isiping makikita ko siyang muli bilang isang estudyante. A younger version of him. Goodness I can't wait!

Nang makarating kami ni manong ay nagpasalamat lamang ako at madali nang bumaba. I looked at my wrist watch at nakitang maaga ako ng tatlong minuto sa dapat ay pagdating ko sa nakaraang alam ko. Am I this excited? Yes! Yes I am!

I waited for three minutes. Nakaalis na rin ang sasakyan ni Manong Val. At nang matapos ang tatlong minuto ay tumakbo ako sa direksyong alam kong makakabanggaan ko si Sebastian. Wala nang mga estudyante sa hallway dahil magsisimula na ang unang klase. Dahil nga late ako noon ay tumatakbo ako.

Malapit na ako sa pwesto kung saan kami nagkabanggaan. It was an intersection of the hallway I was running in. Leading to an open field kung saan ang daan papunta sa Law building. Doon kami nagkasagasa nang lumabas siya doon na saktong tumatakbo ako.

Kumalabog ang aking puso hindi dahil sa pagtakbo kundi dahil sa papalapiy naming pagkikitang muli ni Sebastian. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa muling pagkikita namin. I haven't staged the expression I made before. Hindi ko na iyon maalala. Bahala na, ang mahalaga ay makita ko siya ulit.

Boundless TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon