Kabanata X

30 2 1
                                    


Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa tabi nito saka ako naglakad papuntang banyo ng kwarto ito, doon ko itinapon sa basurahan ang nakuhang underwear sa bulsa nito. I kept my silent tears as I walked out of his room, may mga hikbi mang lumalabas sa aking bibig ay siniguro ko na hindi ito ganoon kalakas para hindi ito magising sa pagtulog.

Pumasok na ako sa sarili kong kwarto at doon ay umiyak hanggang sa ako ay makatulog. 

Maaga akong nagising at nag-ayos para pumsok  sa eskwela. Pagbaba ko ng sala ay naroon na siya, naka-upo sa mahabang sofa, nakatukod ang dalawa nitong siko sa kaniyang tuhod. Umangat ang tingin nito sa akin, deretso sa aking mga mata. Napahigpit ang hawak ko sa railings ng hagdan dahil sa epekto ng pagtama ng mga mata nito sa akin.

"G-Good morning."

Bati ko dito na inirapan niya lamang bago tumayo at naglakad palabas. Nang makatapat ito sa akin ay huminto ito saka nagsalita ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Get yourself at school on your own. Hinintay lang kitang magising dahil iyon ang bilin sa akin ng mommy mo ng tumawag siya kanina. Just lie to them na sabay tayong pumasok. "

Pagkatapos nun ay tuluyan na itong lumabas ng pinto. Napayuko na lamang ako dahil sa muling pagkirot ng puso ko. Ni hindi pa nga ako nakakabawi sa nangyari kagabi! Gusto kong magalit sa kaniya dahil paano niya nagawa saakin iyon? Ngunit parang bumabalik lamang sa akin ang tanong dahil in the first place ako ang sumira sa aming dalawa! Damn!

Hindi na ako pumunta ng kusina at sumunod na lamang sa labas. Nanlaki ang mata ko ng makitang aandar na ang sasakyan na ginamit nito. Tumakbo ako para sana abutan siya ngunit pinaharurot na nito ang sasakyan papalayo, wala ring kwenta ang pagsigaw ko ng pangalan niya dahil alam kong hindi nito ako maririnig...much worst ay wala talaga itong pakielam kahit pa tawagin ko ang pangalan niya.

Naiiyak na ako sa prustrasyong nararamdaman ngunit sinubukan kong pakalmahin ang sarili. I tried to tell to myself that I deserve all of his attitude towards me dahil kasalanan ko naman talaga. Sa lahat ng nangyayari ngayon, ako lamang ang masisisi. I should be blamed from all of this. It was my selfishness after all.

Sa huli ay nagpahatid na lamang ako kay manong Val. Pagdating ko ng school ay dumiretso na akong classroom, hindi alintana ang mga tinginan ng mga estudyanteng madadaanan ko. Wala akong pakielam dahil wala naman silang alam. 

Pagpasok ko ng classroom ay agad nahagip ng mata ko si Ashton na naka-upo na sa sarili nitong upuan. Bumaling ito't napatingin sa akin, he just smiled then ibinaling na sa iba ang paningin. Umiwas nalang din ako ng tingin dahil sa nararamdaman sa aking dibdib. I already said sorry yet whenever I see him I still feel guilty. He's a good man, but he's just not for me.

Umupo na ako sa sariling upuan at doon naghintay ng tahimik sa pagdating ng aming professor. Buong klase ay sa labas ng bintana lamang ako nakatingin. I can feel Ashton's stares behind my back ngunit hindi ko na ito pinansin. My mind was filled with thoughts of Sebastian. Inaalala ko iyong mga oras na maayos pa kaming dalawa. I remember him while we cuddle and never wanting to leave the mattress, I remember him cooking our meals every night kahit pa pagod ito at galing sa hearing, I remember bringing him coffee at his study room whenever he's reading a case, he would always pull me close para yakapin ako. I remember him staring at me as if I am his most valuable possession. I remember every little thing like how he'd bring me flowers every time we had a fight, I remember him kissing me as if it was his drug. I remember how he'd always find a way to make me happy.

Dahil sa mga alaalang iyon hindi ko na naman namalayan ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi. Kung hindi pa ako tinapik ni Ashton mula sa likod ay hindi ko pa malalaman na tapos na ang first subject namin at wala na ang professor sa harapan. He handed me his handkerchief from the back. Hindi ko iyon kinuha, bagkus ay tumayo na lamang ako at nagpaalam na mag babanyo lamang. Pagkalabas ko ay saktong paparating na ang susunod namin na professor. I excused that I am not feeling well, dahil na rin sa nagtanong ito kung bakit ako umiiyak. 

Boundless TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon