Kabanata VI

24 1 1
                                    

Kinagabihan ay nagbasa lamang ako ng mga libro patungkol sa kursong kinukuha ko. It is to refresh the things I've learned before. Para madali na lamang sa akin ang maalala lahat nang napag-aralan ko na noon. Saglit lamang akong nag-basa at nang mapagod na ang mga mata'y naisipan ko nang mahiga.

Akala ko ay mabilis na lamang akong makakatulog dahil nga sa pagod ang mga mata kong nagbasa. Ngunit nang lumapag ang likod ko sa aking kama ay tila nawala ang aking antok. My mind travelled back again to the time when all of these things hasn't happened yet...

"Amanda..."

Saad ni Sebastian mula sa aking likod. Yakap nito ako ngayon mula sa likuran. Ang mukha nito'y nakasiksik sa aking leeg kung saan ang paburito nitong pwesto. He's sniffing my neck while giving it soft kisses. Napapangiti na lamang ako.

"Kailangan mo nang umuwi Sebastian, gabi na. Magmamaneho ka pa."

"Just a little bit more Amanda. Andito palang ako ngunit pakiramdam ko miss na miss na kita. Can't I just stay here for the night? I promise to be good, Amanda."

Hinampas ko ang kamay nitong nakapalibot sa aking bewang. Mabuti na lamang at nakatalikod ako ngayon sa kaniya. I can't help the smile that crept on my lips. Ayaw kong makita niya iyon at baka hindi na nga ito umuwi.

"Sebastian! Hindi pwede! Hindi lang ang mga magulang ko ang magagalit kapag natulog tayo sa iisang kwarto. Gusto mo bang maaga tayong magpakasal ha?"

Mas lalo nitong ipinagsiksikan ang ulo sa aking leeg. Kanina pa gustong sumabog ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Kung ako lang ay hindi ko na siya paaalisin. I' d want him to stay here, beside me, and never go away. Kung maaari ko lamang siyang itali na sa akin ay ginawa ko na.

"I'd like that though."

Hinampas kong muli ang kaniyang kamay na siyang nagpatawa dito. I'd like that too, I'd like to marry him, I'd love too. Ngunit nag-aaral pa lamang kaming dalawa, wala pa kaming nararating na dalawa. I would want us to get married, soon, but not until we've reached the peak of our dreams. Not until we're already settled with our jobs. Ayaw kong dumating ang panahong pagsisihan namin ang pagpapakasal. Because no matter what happens, pagbalik-baliktarin man ang mundo. Alam ko sa sarili ko na siya lamang ang lalaking para sa akin. Ang lalaking gugustuhin kong makasama habang buhay.

"Tumahimik ka nga! Nag-aaral pa tayo Sebastian. You know we've already talked about this right? Ayaw kong dumating ang panahong pagsisihan nating maikasal sa isa't-isa. God knows I would never want that to happen. "

His hug tightened. Na tila ba natatakot itong mawala ako gayong iyon din naman ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"I understand sweetheart. We'll reach for our dreams first, settle with our dream jobs, and build our family. But remember this sweetheart, that no matter how early or late we marry, I will never ever regret marrying you. I'd regret it more not having you in my life. I love you so damn much...Amanda..."

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sariling lumuha. Remembering that time makes my heart ache. We promised to each other, that no matter what happens, it is us till the end.

He promised me, that he'll never regret marrying me. Ganoon pa rin ba hanggang sa huli Sebastian? Still, you never regretted marrying me after all of my infidelity. Kaya mas pinili mo ang masaktan, kaysa sa lumaya sa ating kasal. If only, I had know...if only I wasn't so selfish and blind...magiging ganito pa rin ba ang sitwasyon nating dalawa?

Boundless TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon