Kabanata X

13 0 0
                                    


Nakadikit ang aming mga noo sa isa't-isa. Pikit ang aking mga mata. Ang dalawang kamay nito'y hawak ang magkabilaan kong pisngi, ikinukulong ang aking mukha sa kaniyang mga palad. I can feel his breath on my face. That's how close his face is to mine. Walang gustong lumayo sa isa't-isa.

Everything feels like a dream. Para akong lumilipad sa alapaap, hindi ko malaman kung anong dapat kong maramdaman. 

Ilang segundo pa ang nakalipas bago ito kusang lumayo sa akin. Pinapanood ko siya habang binubuksan  niya ang pinto, hanggang sa paglabas nito ay nasa kaniya lamang ang aking mga mata. I don't really know how to react since I have been so firm on the idea that we can never be together again. His words left me speechless yet full of emotions.

Nanatiling nakabukas ang pinto ng sasakyan. Humarap ito't tumingin sa akin. Hindi ako kumilos, I was still staring at him. Hindi mawari kung ano bang susunod na gagawin.

"Hindi pa tapos ang klase namin. I want you to wait for me at the library then we'll go home together."

His voice sounded so deep while speaking to me. Even his eyes are shining for some reason while looking at me. Ramdam ko muli ang pagtalon ng aking puso sa aking dibdib dahil sa kaniyang mga tingin.

"O-Okay."

Saad ko saka dahan-dahan nang lumabas ng kaniyang sasakyan. He was so close when I finally got out of his car. Ni hindi man lang ito lumayo para sana magkaroon man lang ng kaunting distansya sa aming dalawa.

I kept my head down dahil alam kong pag itinaas ko ito upang tignan siya ay magkakalapit ulit ang aming mga mukha sa isa't-isa.

I felt him sigh, pagkatapos ay lumayo na ito, giving me the space I need para makalayo ng tuluyan sa hamba ng bukas niyang sasakyan. Sa paglayo ko ay doon niya lamang naisara ang pinto ng passenger seat. He pressed something on his keys to lock the doors bago niya ako muling hinarap.

He took my hand...held it while we both walk side by side.

"Sebastian..."

I tried taking my hands from his clutch ngunit mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay.

Wala ng masyadong estudyante sa mga hallway pero meron pa ring iilan ang napapatingin sa aming dalawa, pababa sa magkahawak naming mga kamay.

Tahimik naming binagtas ang daan patungo sa library kung saan ako maghihintay sa kaniya. 

"Pwede naman kitang hintayin nalang sa labas ng school Sebastian."

Suhestiyon ko lalo pa't naiilang na ako sa mga taong nakatingin sa aming dalawa. What is their problem anyway? Ngayon lang ba sila nakakita ng dalawang taong magkahawak ang kamay? Or maybe because it's Sebastian?

"Mainit sa labas at alas-sinko pa ang labas ko, mabuti sa library ay naka-on ang AC. Or do you wanna suggest that I skip classes? I'd actually prefer that."

He glanced over his shoulder to look at me, a grin playing on his lips. Napaiwas ako ng tingin. Heat started to spread over my cheeks. Hindi ko na kailangang sabihin, hindi ba? There is no need for me to say how I missed that smirk of his, right? At kung paano nito binabaliw ang sistema ko.

"M-maghihintay nalang ako sa library."

He stopped walking, turned to me and gave me a pat on the head. Hindi na tumigil ang puso ko na kanina pa sa pagtalon. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko inakala na sa muling pagkakataon ay sasaya ulit ako ng ganito. A kind of happiness only him could give.

"Wait for me at our spot, okay? "

Doon ko lamang nahalata na nasa tapat na kami ng school library. Tumango na lamang ako't ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boundless TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon